Wakas (Part I)
Hintay po kayo ng Part II since mahaba-haba na 'to :)
Napatayo ako nang makita si Clay na papasok, dala ang kanyang gitara na nakasabit sa kanyang likuran.
"Galing ako sa bahay ng pinsan ko." paliwanag sa akin ni Clay nung pinaghintay ko s'ya sa bahay nila ng higit isang oras.
Nag-taas ako ng kilay, pinsan nga ba o babae?
Binato ako ng throwpillow ni Clay nang mapansin na hindi ako naniniwala sa sinabi n'ya.
"Gago, pinsan nga kasi!" sabi n'ya at umakyat na sa hagdanan nila
"Fuck you! Bilisan mo, kanina pa ako naghihintay dito. Nandoon na sina Hero, tayo na lang ang hinihintay." sabi ko
Nagmadali na s'yang pumasok sa kwarto n'ya habang ako ay balik sa pagiging tulala sa sofa. Napatingin ako sa ilalim ng coffee table nila na may mga photo albums, kumuha ako ng isa at nagbabakasaling may letrato si Clay na pangit s'ya para naman may pagtatawanan kami mamaya sa practice
Pero imbes na batang Clay ang makita ko ay isang maputi, mapupungay na mata katulad ng kay Clay at pulang labi ang nakita ko. Malaki ang ngiti n'ya habang hawak ang malaking cotton candy, pinapagitnaan s'ya ni Clay at isang nakakatandang babae na parehong may hawak rin ng cotton candy. Nasa Disneyland sila.
Pinagpatuloy ko ang pagtingin sa mga letrato at patagal ng patagal ay lalo akong nagagandahan sa babae.
Sino kaya ito? Ito na siguro iyong sinasabi ni Clay na pinsan n'yang dinalaw n'ya. Wait, nandirito lang s'ya? Bakit ngayon ko lang s'ya nakita? Imposible namang makakalimutan ko ang ganitong kagandang mukha.
Napangiti ako sa wacky pose n'yang nakadilat at nakatingin sa ilong n'ya, simple lang s'ya. Hindi s'ya tulad ng mga babaeng maiiksi ang shorts. Jeans at shirt lang ang lagi n'yang suot pero mapapansin mo talaga s'ya dahil sa sobrang ganda.
Sa tingin ko 12 year old si Clay dito at mukha namang ka-edad namin s'ya or mas bata ng isang taon.
"S'ya yung sinasabi kong pinsan ko na binisita ko kanina." agad kong sinara ang photo album nang makita s'yang nasa harapan ko.
"Two years ago 'yan, nung nag-summer kami sa Hong Kong." paliwanag n'ya at tinuro ang letrato nilang tatlo na may hawak ng cotton candy.
Tumango ako para kunwari wala akong pakielam pero yung totoo ay gusto ko pang malaman kung anong pangalan ng pinsan n'ya.
"Kaedad natin 'yan, ang ganda no? Sayang nga lang nasa St. Celestine's Academy s'ya nag-aaral at tago sa bahay." tinutukoy n'ya ang all girls school na medyo malayo sa village nina Clay.
That explains everything, kung bakit ngayon ko lang s'ya nakita dahil bahay at school lang s'ya.
Sa edad na 14 ay may girlfriend na si Clay, candidate ng Miss Intrams yung girlfriend n'ya kaya sikat sa buong school habang ako ay nali-link kay Bella.
"Dude, sigurado ka ba kay Bella?" tanong ni Laurenz, "Lau" for short.
Nag-kibitbalikat ako dahil hindi ako sigurado. Oo, nagagandahan ako sakanya pero masyado s'yang mabilis. Ilang buwan pa lang kami magkakakilala ay gusto na n'yang ligawan ko s'ya kaya pinagkalat n'ya sa buong school na nililigawan ko s'ya kahit wala naman akong sinasabi.
Kaya pagkatapos ng Intramurals ay tumigil na ako sa pakikipag-usap sakanya, ayoko kasi ng clingy at laging gusto ng oras na kaming dalawa lang.
Bumisita ulit ako kina Clay para kunin ang hiniram n'yang gitara noong isang araw habang nag-hihintay sakanyang kunin 'yun at tinignan ko ang mga puting frames na nakasabit sa dingding.
BINABASA MO ANG
SCSU: Venice II - Still Into You (Published under Pop Fiction)
RomanceEverything changed for Venice in four years of existence in America but her heart remained cold. Maraming tao ang sumubok tunawin ang yelo sa puso n'ya pero hindi ito natinag. Just one person, one person from the past who will surely melt her coldne...