Chapter 1

2.8K 17 0
                                    

Chapter 1

Andito ako ngayon sa harap ng theater room ng school habang nakatingin sa boy bestfriend ko na nakikipaghalikan sa crush niya.

Nasasaktan ako, anong dahilan?.

Una matagal ko na siyang gusto, simula palang nong bata pa kami. Pangalawa alam niyang may gusto ako sakanya pero wala siyang pake sa nararamdaman ko. Pangatlo, heto ako ngayon nanonood sa romantic scene ng taong mahal ko kasama ang mahal niya.

Ilang beses na niyang sinabi na itigil ko ang nararamdaman ko sakanya, nasasaktan ako kapag sinasabi niya iyon sakin pero heto ako umaasa pa rin.

Alam kong badboy siya, marami na siyang nakalandian, naikama, o naging girlfriend behind my back pero okay lang ako dun kasi nasanay na din naman ako. But now it hits different. Knowing na ang kalandian at ang kahalikan niya ngayon ay ang taong gustong gusto niya ay ngayon naangkin na niya.

Ang saya siguro nun noh? Ang saya niya rin siguro ngayon.

Yung tipong halos isang taon kang patagong nagmamasid sakanya sa malayo, at halos dalawang taon mong kinukulit. At ngayon sawakas, nakuha mo rin yung gustong gusto mong makuha.

Sana maramdaman ko din ang ganong saya. Sana talaga.

Gusto kong layuan siya at itigil itong nararamdaman ko kapag itinataboy niya ako kasi I feel hopeless na pero hindi ko kaya, kahit nga isang araw na hindi ko siya makita, hindi makausap, hindi mahawakan, ay parang ikamamatay kona.

For me, he's my everything and my life, so I can't bare losing him because I might loose myself also.

"Ahem, sorry naistorbo ko kayo" tikhim ko kaya natigil naman sila at napunta sakin ang atensyon nila.

Agad na napaiwas ng tingin si Faith na namumula na sa sobrang hiya sabay tulak palayo si Axe na ikinangiti ni Axe. Hindi ko alam na nasa vocabulary din pala niya ang mahiya. Sa pagkakakilanlan ko kasi sakanya ay isa siyang warfreak girl na ang tanging gustong gawin ay itama ang lahat ng mali. Just like Axe na isang badboy at bully, lagi niyang binubully si Faith para lang mapansin siya nito. Pero dahil warfreak o palaban si Faith ay sapak, sipa, suntok o irap lang ang natatanggap niya.

"Why?" Tanong ni Axe.

"Hindi ka pa ba uuwi? Tumawag sakin si tita, sabi niya umuwi ka raw ng maaga kasi dadating ang daddy mo galing States" sabi ko kaya napatango naman ito.

"I have to go, let's just call each other" sabi ni Axe kay Faith.

"Wag kang tatawag saking t*ng*n* ka" inis na sigaw ni Faith at nauna nang lumabas ng theater room.

Narinig ko naman ang pagbungisngis ni Axel na para bang kinikilig at nakyu-kyutan sa asal ni Faith. Tumayo ito sabay lapit sakin.

"Let's go" sabi niya kaya tumango nalang ako at sumunod sakanya sa paglalakad.

Nakatingin lang ako sa likod niya. Pati ang likod niya ay nakakagwapo rin kaya kahit na likod palang ang nakikita mo ay alam mo nang gwapo talaga. Nasaloob ng bulsa niya ang mga kamay niya at naglalakad na parang nagde-day dream. Napakunot ako ng tumigil ito sa paglalakad sabay harap sakin.

"Nakita mo kami diba?" Tanong niya kaya napatingin naman ako sakanya sabay tango.

"Oo" sagot ko.

"Are you hurt?" Tanong niya kaya muli naman ako tumango.

"Oo" sabi ko.

"Sabi ko naman kasi sayo na itigil mo na iyan diba? If you're hurt pwede ka namang lumayo na sakin eih" sabi niya.

"Just say the magic word, magiging okay rin ako" sabi ko.

"Im sorry" sabi niya kaya nginitian ko naman siya sabay talon at inakbayan siya na dahilan para mapayuko siya ng konti dahil mas maliit ako ng konte.

"Okay lang yun, so big achievement ba?" Masayang tanong ko sakanya.

"Yeah, and she's now my girlfriend" masayang sabi niya.

"Woah ang swerte mo naman, akalain mo iyon, 2 years kang naghabol tapos ngayon napasagot muna, apaka sanaol" sabi ko kaya napatawa naman siya.

Sanaol talaga, kasi ako nga nga halos 13 years na umaasang mahalin ako ng mahal ko ay hindi ko pa rin nakukuha ang gusto ko.

"Muntik na nga akong sumuko eih, buti nalang talaga ay hindi ko tinuloy" sabi niya.

"Kahit na anong mangyari ay bestfriend pa rin kita, kahit masaktan pa ako ng ilang beses tutuparin ko pa rin yung pangako nating dalawa sa isat isa na magkaibigan parin tayo kahit na ano mang mangyari" sabi ko sabay kagat ng labi ko para pigilan ang pagtulo ng luha ko.

"Eww ang drama mo, bitawan mo nga ako, baka mahawa ako sa kaOA-han mo" arte niya.

"Ang arte mo talaga ano? Para kang bakla" sabi ko sakanya sabay sabunot sakanya.

Falling To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon