Chapter 15

1.1K 14 0
                                    

Chapter 15

Andito kami ngayon sa theater room ni gunggong para magpractice, pero dahil may ginagawa pa siya ay binuksan ko nalang ang bendang nakatakip sa sugat ko sa tuhod ko.

"What are you doing? That's disgusting" sabi niya.

"Ang arte nito" sabi ko.

"Aren't you ashamed of yourself? Hindi magandang tingnan para sa isang babae na may peklat sa katawan" sabi niya.

"Kung gusto mo yung mga babaeng makikinis ang balat pwes nagpapasalamat ako kasi hindi mo ako magugustuhan" sabi ko.

"Tsk" singhal nito.

"Okay na sakin na katawan ko lang yung may sugat o peklat kesa naman yung mukha ko pa ang magkaroon. Sayang yung ganda ko" sabi ko.

"Dream on" sabi niya.

"Atsaka buti nalang talaga dahil nadisgrasya ako sa private road at nakatayo sabay alis ako kaagad kasi nakakahiya kapag may nakakita sakin" sabi ko.

"Wala ka ba talagang alam o sadyang wala kalang talagang utak? That's the school's private road, may CCTV dun" sabi niya.

"Aishhh, hindi ko yun naisip ah, nakakahiya grabe" sabi ko.

"Marunong ka rin palang mahiya" sabi niya kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.

"By the way busy kaba mamayang uwian?" Tanong ko.

"Why?" Tanong niya.

"Tinatanong kita wag mo ako tanungin pabalik, mamayang uwian ba ihahatid mo ako sa bahay namin ay may gagawin ka pa ba sunod non?" Tanong ko.

"I'll go home" sabi niya.

"Aishhh, oo nga pala, dakila ka nga palang Mr right and perfect guy kaya pagkauwi mo ay malamang mag aaral ka, pero gunggong ka pa rin sa paningin ko, so that's not a compliment" sabi ko.

"Why do you asked?" Tanong niya.

"Papatulong sana ako sayo na maghanap ng trabaho mamayang uwian" sabi ko.

"You mean part time job?" Tanong niya kaya tumango naman ako.

"Kasi gusto kong ipamukha sayo na may kahihiyan ako" sabi ko.

"Tungkol ba toh sa sinabi kong makapal ang mukha mo kasi sumasampid ka sa pera ng pamilya ni Axe?" Sabi niya kaya nginitian ko naman siya ng peke sabay tango.

Ang sakit talaga magsalita ng gunggong na toh. Kapag ako di makapagtimpi papatayin ko toh mamayang uwian.

"Oo" sabi ko.

"And do you really think na mababayaran mo ang family ni Axe sa pagpapart time job mo?" Tanong niya.

"Mag iipon muna ako ngayon dahil kapag gumradute ako at maging successful architect ay mababayaran kona sila" sabi ko.

"And do you really think na gagraduate ka? As far as I know is mababa ang grades mo at bagsak ka sa isang subject, take note math pa talaga, diba related ang math sa architecture? Hindi ka magiging archetect kung bubu ka sa math" sabi niya.

"Alam mo naiinis na talaga ako sayo pinapataas kona nga yung confidence ko sa sarili ko tapos ibabababa mo pa? Tapos ang sakit mo pang magsalita kanina kapa" inis na sabi ko sabay lapit sakanya at pinagsasapak siya.

"Hey stop, the f*ck it hurts" inis na sabi niya sabay tayo at lumayo sakin.

"Ngayon alam mo na kung gaano kasakit ang mga salita mo" inis na sabi ko sabay lapit sakanya pero lumalayo siya.

"It's not my fault if it's true" sabi niya.

"Arghhhh kanina pa kita gustong patayin" inis na sabi ko.

"I know kaya nga dahil sayo muntik na tayong mabangga diba? Because you want to kill me" sabi niya.

"Sana nga tinuloy ko nalang" sabi ko.

"Ahem" napatigil kami sa paghahabulan at sabay na napatingin sa dalawang taong nakatayo sa labas ng theater room.

Axe and Faith.

"Ginagamit niyo pa ba ang theater room? Magprapractice kasi sana kami eih" sabi ni Faith.

"Amh actually tapos na kaming magpractice, sige alis na kami" sabi ko sabay hila kay gunggong palabas.

"Don't touch me" sabi niya kaya binitawan ko naman siya.

"Arte mo" sabi ko.

"Tsk" irap nito.

"Malapit na ang Music Day, panigurado akong magprapractice sila dun sa theater room everyday, wala ka ba talagang alam na pwede nating praktisan at pwedeng paglagyan ng piano mo?" Tanong ko.

"In my house" sabi niya.

"Tsk alam ko namang di ka papayag noh, eih halos ayaw mo nga akong pasakayin sa kotse mo kung hindi kalang sinabihan ni Axe eih, bahay niyo pa kaya" sabi ko.

"Every sunday, I'll fetch you in your house" sabi niya.

"Woah, bago ah, di ako sanay na di ka maarte" sabi ko.

"Tsk" irap niya.

Falling To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon