Chapter 2

778 11 2
                                    

Chapter 2

Hinatid niya ako sa bahay namin saka siya umalis. Maliit lang ang bahay namin, hindi kasi kami mayaman tulad niya. Gustong gusto ng family niya na tulungan kami pero ayaw ng mama at papa ko kasi ayaw nilang magkautang ng loob saka nakakahiya raw kasi pinag aaral na nga nila ako sa isang private school saka sagot pa nila tuition ko kaya hindi na dapat kami humiling o tumanggap ng marami pang blessings galing sakanila.

Nang makapasok ako sa bahay ay agad akong pumunta sa taas kasi andoon ang kwarto namin ng kapatid ko. May kapatid akong lalaki at mas matanda ako sakanya ng 2 years. Kami lang dalawa ang magkakapatid dahil sa kadahilanang nasira ng matris ni mama nang ipinanganak niya si Carl.

Nang makapasok na ako sa kwarto ay agad akong humiga sa kama ko ng nakataob at hinayaan nang magsituluan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang magsilabasan.

"Ate tahan na" pagpapatahan sakin ni Carl.

Hindi ko napansin na nasa taas pala siya dahil sa pagmamadali kong maibuhos ang lahat ng hinanakit ko. Double deck kasi ang bed naming magkapatid at siya yung nasa taas habang ako naman yung nasa baba.

Sanay na din naman ang kapatid ko sa ganitong senaryo kasi lagi naman niya akong nakikitang umiiyak satuwing uuwi ako galing school. At alam niya rin kung sino ang dahilan kaya hindi na siya nagtatanong pa. Good thing ay hindi niya sinasabi kina mama at papa ang problema ko kasi kung hindi ay malamang lagot na talaga.

"Iiyak mo lang yan ate, magbabantay ako sa labas" sabi niya at lumabas na.

Ganyan talaga siya kapag umiiyak ako, imbis na damayan ako ay hinahayaan niya akong mapag isa kasi ayokong may umistorbo sakin. Yon din ang dahilan kaya lagi siyang nagbabantay sa labas para kapag aakyat sina mama at papa ay mapipigilan niya. Alam kong galit na galit siya kay Axe pero pinipigilan lang niya ang sarili niya.

Nang matapos na ako sa kakaiyak ay nagbihis na ako at naghilamos sabay labas na para kumain.

"Mama, papa" bati ko sakanila sabay yakap sakanila.

"Oh halina kayo kumain na tayo" yaya samin ni mama kaya umupo naman kami sa upuan namin.

"Kamusta ang pag aaral niyo mga anak?" Tanong ni papa.

"Papa sabi ni teacher na magkakaroon daw ako ng scholarship next year" masayang sabi ng kapatid ko.

"Ang talino talaga ng bunso ko" masayang puri ni papa sakanya kaya napangiti naman ako.

Matalino ang kapatid ko, hindi nga namin alam kung saan ito nagmana kasi lahat naman kami rito bobo except nalang sakanya.

"Malamang ampon yan eih" panunukso ko.

"Ate naman eih" pikon na sabi ng kapatid ko.

"Totoo naman ah, lahat kami dito bobo ikaw lang talaga yung mautak samin dito noh" sabi ko.

"FYI matalino ang mama niyo noh, kaya malamang saakin nagmana yang si bunso" sabi ni mama.

"Ahem ahem, sige magpretend nalang tayong totoo yun" sabi ko kaya tumawa naman sila.

"Ikaw Shane, kamusta ang pag aaral ng maganda kong anak?" Tanong ni papa kaya nginitian ko naman sila ng peke.

"Ganun pa rin" sabi ko.

"Okay lang yan ate, nasa private school ka naman eih kaya malamang ipapasa ka jan. Sayang kaya yung bayad na halos kalahating milyon" sabi ng kapatid ko.

"Oo nga anak, kakayanin mo yan" sabi ni mama kaya tumango naman ako.

Kinabukasan ay maaga akong sinundo ni Axe sa bahay kaya maaga rin kaming nakarating sa school.

"Shane, I couldn't fetch you home after school. I was planning on going out with Faith after school" sabi niya kaya tumango naman ako.

"Oo naman, first date niyo toh kaya dapat lang sainyo itong araw natoh noh, magcocommute nalang ako" sabi ko.

"Are you sure? Pwede naman kitang ipahatid kay Van" sabi niya.

Si Van? Yung kaibigan mong pilit mong ipinapalapit sakin para lang makalimutan ko ang nararamdaman ko sayo?.

"Yung gunggong na yun?" Tanong ko.

"Yeah, so that you two can have a good talk with each other. Ayaw mo yun maslalong magiging close kayong dalawa" sabi niya.

"Pero Axe ilang beses ko bang ipapaalala sayo? Nakalimutan muna naman ba?" Tanong ko.

"I'm just helping you to move on to me Shane. I have a girlfriend now, ayokong masaktan ka nalang habang buhay ng dahil sakin" sabi niya.

"Just let me do it myself Axe. Mawawala din toh wag kang mag alala" sabi ko.

"Hindi ko lang talaga gusto na may gusto sakin yung bestfriend ko Xy. Hindi ako komportable kasi kapag gumagawa ako ng moves sa taong mahal ko ay lagi kong naiisip ang mararamdaman mo. Alam mo namang priorities kita kaya kahit na gusto kong magsaya kasama ang taong mahal ko ay parang may pumipigil parin sakin" sabi niya.

"I'll try" sabi ko na ikinangiti niya sabay yakap sakin.

Tama na Axe, nasasaktan na ako, hindi na makahinga yung puso ko sa sobrang sakit. Gusto kitang sigawan dahil napakamanhid mo, hindi mo kayang pahalagahan yung taong nagmamahal sayo.

Kung iniisip mong isa kang selfless dahil mas iniisip mo ang nararamdaman ko pwes nagkakamali ka, dahil kung hindi ka talaga makasarili ay dapat dati pa tinanggap mo na yung pagmamahal ko, edi sana hindi ako masasaktan ngayon. Or maybe I'm the selfish here kasi ako yung ayaw maglet go sa relasyon ng dalawang nagmamahalan.

Pero kasalanan ko rin naman, ako yung nagmahal eih, hindi dapat ako nagmahal, hindi ko dapat siya minahal at dapat pinigilan ko ang sarili kong mahulog sakanya sa simulat sapol.

Ngayon ang resulta ng katangahan ko ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon, kung bakit ako nahihirapan ngayon, kung bakit ako laging umiiyak ngayon at higit sa lahat ay kung bakit hindi na ako makabitaw ngayon.

Ang hirap sumuko p*t*.

"Paunahang makapunta sa room, bakla ang mahuli" sabi ko sabay takbo ng mabilis papunta sa room namin.

"That's unfair" sigaw niya at tumakbo na.

Falling To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon