Chapter 11

1.1K 12 1
                                    

Chapter 11

Andito ako ngayon sa rooftop kasi magprapractice kami ni gunggong at magplaplano kung ano ang kakantahin namin.

"Wait nasaan na ang instrument mo?" Tanong ko.

"I can't bring my piano here" sabi niya kaya napatango naman ako.

"So anong kakantahin natin?" Tanong ko.

"I don't know" sabi niya.

"Diba music lover ka rin? Suggest ka ng song" sabi ko.

"Moral of the story by Ashe total the lyrics suits you" sabi niya.

"Sakin? Bakit? Ano ba yung lyrics?" Tanong ko.

"Search it idiot" sabi niya.

"Hindi ayoko, kantahin mo" sabi ko.

"Talking with my lawyer
She said, "Where'd you find this guy?"
I said, young people fall in love
With the wrong people sometimes
Some mistakes get made
That's alright, that's okay
You can think that you're in love
When you're really just in pain" kanta niya.

Is he talking about my feelings toward Axe?.

"Ang pangit ng boses mo" sabi ko sabay tayo at pumunta sa railings ng rooftop.

"Tsk" irap nito.

"Iba nalang" sabi.

"Then you suggest" sabi niya.

"Dear future husband by Meghan Trainor" sabi ko.

"I won't sing that" madiing sabi niya kaya tumango nalang ako.

"Into you nalang by Ariana Grande, ang dami mong arte" sabi ko.

"Yeah" sabi niya kaya napatingin naman ako sakanya.

"Oh my gosh favorite singer mo rin si Ariana Grande? Favorite singer ko rin siya. If I had her voice, I would never shut up" sabi ko.

"Tsk" irap nito.

"Sa kakairap mo jan mapagkakamalan na kitang bakla, magpractice nalang nga tayo, hahatiin pa natin yung song" sabi ko sabay lapit sakanya.

Nang mag uwian na ay agad akong pumunta sa parking lot at sumakay sa bike ko.

Habang nagbabike ako sa daan ay nagulat ako ng biglang may tumakbong aso sa daan kaya dali dali ko namang ipenreno ang bike ko na dahilan para tumilapon ako.

Grabe ang layo ng pagkatapon ko at ang sakit ng buong katawan ko at siko lalo na nag tuhod ko na may malaking sugat. Wahhh grabe ang sakit naiiyak na ako.

Pinilit kong tumayo dahil alam kong walang makakatulong saakin dito kundi ang sarili ko lang kasi pribado ang daanan na ito at tanging mga students lang ng school ang dumadaan rito para iwas traffic.

Nang makatayo na ako ay dahan dahan akong naglakad papunta sa bike ko at pinatayo ito. Nakita kong sira ang kadena nito kaya napasigaw naman ako sa inis.

"Aishhhh, kung minamalas ka nga naman oh" inis na sabi ko sabay sipa ng bisekleta ko pero agad din akong napasigaw ng humapdi na naman ang sugat ko sa tuhod.

Wala akong magawa kundi ang maglakad nalang tutal malapit na rin naman ako sa bahay.

"Mama, papa" iyak na sigaw ko kahit na papasok pa ako ng gate.

Bumukas naman ang pinto ng bahay namin at iniluwa ron ang nag aalalang sina mama at papa.

"Jusko anak ko anong nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ni mama.

Agad naman nila akong inalalayan papasok sa loob at pinaupo ako sa sofa. Nakita ko naman ang kapatid kong nagmamadaling bumaba ng hagdan.

"Carl kunin mo yung first aid kit dun sa kwarto namin ng mama mo, dalian mo" utos ni papa sa kapatid ko kaya magkarattle rattle naman ang kapatid kong bumalik sa taas at pumunta sa kwarto nila mama.

Agad na ibinigay ng kapatid ko ang first aid kit kay papa kaya sinimulan naman akong gamutin ni papa habang si mama naman ay pinapatahan akong umiyak.

"Ate ano bang nangyari sayo?" Nag aalalang tanong ng kapatid ko.

"Eih kasi habang pauwi ako, may biglang dumaan na aso. Pinreno ko kasi kaagad yung bike kaya tumilapon ako" sabi.

"Haysss, diba sinabi ko naman kasi sayo na delikado iyang paggamit mo ng bike? Nadisgrasya nga din dahil jan yung kapatid mo kaya ko nga itinago tapos ginamit mo pa" sabi ni papa.

"Gusto ko lang kasing makatipid po sa pamasahe" sabi ko.

"Tahan na anak, Carl tulungan mo nga itong ate mong umakyat sa kwarto niyo ng makapagbihis na siya" utos ni mama sa kapatid ko kaya agad naman akong nilapitan ng kapatid ko at inalalayan ako.

Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako kasi kainan na daw. May nakita akong pamilyar na kotse sa labas ng mahagilap ko ang bintana namin pero agad din naman itong umalis kaya lumabas naman ako.

Tumambad naman sakin ang isang paperbag na nakalagay sa labas ng pinto namin kaya kinuha ko iyon at binuksan. Maraming mga gamot na nasa loob kaya nakilala ko naman agad kung sino ang nag iwan nito dito.

Sino ba namang ibang tao na magbibigay ng maraming gamot kahit na isa lang ang sakit liban kay Axe?.

Falling To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon