Chapter 12

1.1K 10 1
                                    

Chapter 12

"Mama, papa pinaalam niyo po ba kay Axe ang nangyari sakin?" Tanong ko.

"Huh?" Tanong ni papa.

"Ah eh pinaalam ko lang kay Axe, baka kasi mag alala yun sayo" sabi ni mama.

"Mama" awat sakanya ng kapatid ko.

"Wala namang masama sa ginawa ko diba? Saka baka ito na ang paraan para magkaayos kayo ni Axe, napapansin kasi namin ng papa mo na hindi na kayo nag uusap ni Axe, saka hindi kana rin niya hinahatid sundo, kaya naisip namin na baka may pinag awayan lang kayo" sabi ni mama.

"Oo nga anak, wala namang masama sa ginawa ng mama mo, pinaalam lang niya kay Axe ang nangyari sayo dahil karapatan niya ring malaman na nadisgrasya ka kasi kaibigan mo siya diba?" Tanong ni papa.

"Mama, papa tumigil na nga kayo, sinasaktan niyo si ate" awat sakanila ng kapatid ko.

"Sinasaktan? Wala naman kaming ginagawa sa ate mo, ikaw napaka OA mo" sabi ni mama sa kapatid ko.

"Ma, pa wag niyo na po yun uulitin, ipangako niyo sakin na hinding hindi niyo na yun uulitin" sabi ko.

"Bakit anak? Wala namang masama sa ginawa ko diba?" Tanong ni mama.

"Ma hindi na po kami magkaibigan ni Axe, pinutol na po namin ang pagkakaibigan namin" sabi ko na ikinagulat nila.

Actually magkaibigan pa taalaga kami ni Axe but knowing that he said to his friends na friendship over na kami, I think this was really the end of our friendship.

"Anak bakit naman?" Tanong ni mama sabay lapit sakin.

"Sinasaktan ni kuya Axe si ate mama, papa" sabi ng kapatid ko.

"Ano? Sinasaktan ka ni Axe?" Gulat na tanong ni papa.

"Hindi po saganun papa" sabi ko.

"Edi ano? Anong dahilan para putulin niyo ang pagkakaibigan ninyo? Diba magkaibigan na kayo simula nong bata pa kayo? Halos hindi nga kayo mapaghiwalay dahil ayaw niyong magkalayo tapos ngayon biglang hindi na kayo magkaibigan?" Tanong ni papa kaya tumulo naman ang luha ko.

"Anak bakit naman ganun? Sino ba ang pumutol sa pagkakaibigan niyo? Ano bang nangyari sainyo ni Axe?" Tanong ni mama.

"Ako po ang pumutol" sabi ko.

"At bakit mo naman iyon ginawa anak?" Tanong ni mama.

"Dun siya masaya mama eih, ayokong hadlangan ang kasiyahan niya" sabi ko.

"Ano? Di kita maintindihan" naguguluhang sabi ni mama.

"Oo nga anak, hindi ka namin maintindihan" sabi ni papa.

"May girlfriend na po si Axe" sabi ko.

"Akala ko ba inamin muna kay Axe na may gusto ka sakanya dati pa?" Tanong ni mama.

"Umamin naman po ako sakanya kaso hindi niya ako gusto pabalik, sakatunayan nga ay may iba siyang mahal na ngayon ay girlfriend na niya" sabi ko.

"Bakit anak? Hindi ba pwedeng magkaibigan parin kayo ni Axe kahit na may girlfriend na siya?" Tanong ni papa.

"Nagseselos po kasi ang girlfriend niya saaming dalawa kasi ang close namang dalawa. Alam na rin ng girlfriend niya na may gusto ako kay Axe kaya kinukutuban siyang aagawin ko sakanya si Axe kaya hiniwalayan niya si Axe pero ayaw ni Axe kasi mahal na mahal niya yun eih kaya ako nalang ang nagparaya" sabi ko.

"Imposible iyan anak, mahal ka ni Axe. Sabihin na nating hindi ka niya mahal romantically pero mahal ka niya bilang kaibigan. Matagal ka na niyang naging kaibigan kaya malamang ay pipiliin ka niya, pinapapili mo ba siya anak ha? Sigurado akong ikaw ang pipiliin nun" sabi ni papa kaya umiling naman ako.

"Pinapili na po siya ng girlfriend niya" sabi ko.

"Hindi ka niya pinili?" Tanong ni mama kaya tumango naman ako.

"Mahal niya yun ma eih, yung girlfriend niya ang gusto niyang makasama habang buhay at hindi ako. Hindi ko mapipilit ang isang taong mahalin ako pabalik ma, hindi. Kasi ako lang ang masasaktan kapag pinilit ko pa, pagod na din akong habulin ang pagmamahal niya kaya siguro ay tama lang ang desisyon kong magparaya kasi kailangan kong unahin muna yung sarili ko. Mahal ko siya pero hindi kasi siya masaya sakin at kapag pinilit ko pa ay mas lalo lang magiging komplikado ang lahat" iyak ko kaya agad naman akong niyakap ni mama.

"Shhhh, tahan na anak, wag kana umiyak. Nasasaktan si mama, makakaahon ka rin anak, alam kong matapang ka, sorry na, hindi kona uulitin promise" sabi niya kaya niyakap ko naman siya pabalik.

"Ate marami pa namang ibang lalaki jan na karapat dapat sayo, hindi lang naman si kuya Axe ang lalaki jan sa labas" sabi ng kapatid ko.

"Malalagot talaga sakin ang batang yun" nagtitimping sabi ni papa.

"Wag na papa, hayaan nalang natin siya. May utang na loob tayo sakanila at saka matagal tagal rin kaming naging magkaibigan ni Axe kaya respetuhin nalang natin ang desisyon niya. Ang importante ngayon ay masaya siya at balang araw magiging masaya din ako" sabi ko.

"Alam mo toh?" Tanong ni papa sa kapatid ko.

"Wala akong alam, ang tanging alam ko lang ay umiiyak si lagi si ate pagkauwi niya at alam kong si kuya Axe ang dahilan nun. Hindi kona pinaalam sainyo kasi nirerespeto ko ang privacy ni ate, at saka mas gusto niyang mapag isa sa mga oras na down siya kaya hindi kona ipinaalam sainyo kasi alam kong kukulitin niyo siya" sabi ng kapatid ko.

Falling To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon