Chapter 17

1K 14 0
                                    

Chapter 17

Andito kami ngayon sa court kasi dito magaganap ang Music Day. Actually nagsimula na kaya may mga students na nagpeperform at isa na dun sina Axe at Faith.

Puro sigawan lang ang naririnig namin dito dahil sila Axe at Faith yung nagpeperform, plus ang sweet pa nila. Sakit nila sa mata in short. Nagulat ako ng biglang may humarang na mga kamay sa mata ko.

"Don't look if you're hurt" sabi ni gunggong.

"Aishhh bitaw nga" inis na sabi ko.

"Tsk" irap nito.

"Ang famous nila noh? Sigurado akong panalo sila kasi ang dami nilang supporters" sabi ko.

"You want to be famous?" Tanong niya.

"Oo naman noh" sabi ko.

"Edi pumunta ka sa CCTV room at kunin mo dun yung footage kung saan ka nadisgrasya tapos post mo, I'm pretty sure na sisikat iyon" sabi niya kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Aihhh magmumukha naman akong katawa tawa nun" sabi ko.

"Exactly" sabi niya kaya inirapan ko nalang siya.

Maya maya pa ay inanounce na kung sino ang nanalo at pagkatapos nun ay uwian na pero andito pa rin kami sa court. Actually marami pa rin namang andito, siguro nga ay wala pang umuuwi.

"Talo tayo, see? I already expect this to happen, buti nalang di ako nag expect na mananalo tayo dahil malamang ay magiging tulad ako non oh, umiiyak sa pagkatalo" sabi ko habang nakaturo doon sa dalawang babaeng umiiyak.

"We're still second" sabi niya kaya napangiti naman ako.

"Oo nga noh, big achievement kona ito sa buong buhay ko. Sa ratings nga sa school never pa akong umangat sa number 368 tapos ngayon second runner up tayo, high five" masayang sabi ko sabay taas ng kamay ko.

"Stop it" awat niya sakin.

"High five na sige na" sabi ko.

"Aishhh" inis na sabi niya at nakipag high five nalang sakin.

"Congratulations" agad kaming napatingin sa harapan namin dahil may nagsalita.

Si Faith at Axe lang pala.

"Congratulations din sainyo" mahinang sabi ko.

"You both are close together, nagkadevelopan naba kayo?" Tanong ni Faith na ikinakunot noo ko.

"Huh?" Tanong ko.

"What I mean is your friendship together" sabi niya.

"Let's go" sabi ni Van sabay hila saakin paalis. Nang makalayo layo naman kami ay binitawan na niya ako.

"Aishhh wala ka talagang galang noh? Kinakausap pa tayo ng tao bigla kang aalis tapos hihilain mo pa ako" sabi ko.

"I'm just saving you in that awkward presence" sabi niya kaya napaisip naman ako.

"Oo nga noh, thank you ha" sabi ko.

"Tsk" irap nito.

"By the way malapit na ang Christmas, susunod ka ba sa mom at dad mo sa States para dun mag Christmas?" Tanong ko.

"No" sabi niya.

"Bakit naman? Uuwi ba sila?" Tanong ko.

"No" sabi niya.

"So ibig sabihin ay mag isa ka lang ngayong pasko?" Tanong ko.

"It's not like it's my first time" sabi niya.

"Woah so lagi kang nag iisa tuwing pasko?" Tanong ko.

"Don't feel pity on me and just shut up" sabi niya.

"Inimbita ka nga pala ng parents ko mamayang uwian sa bahay, gusto ka nilang makilala" sabi ko.

"I'm not your suitor" sabi niya.

"Pero ang tingin nila sayo ay kaibigan ko at lahat ng mga malapit sakin ay dapat nilang makilala raw" sabi ko.

"We're not friends" sabi niya.

"Aishhh, kahit na, magpanggap ka nalang. Naaawa na rin kasi ako sa pamilya ko na nag aalala para sakin. Marami na nga silang problema dumagdag pa yung tungkol sa pagkakaibigan namin ni Axe. Nag aalala na sila sakin kasi alam nilang si Axe lang ang naging kaibigan ko tapos ngayon ay hindi na kami magkaibigan kaya naisip nilang baka nag iisa nalang ako. Gusto kong matigil na ang pag aalala nila sakin kaya sinabi kong kaibigan kita" sabi ko.

"Wag mo akong dramahan" sabi niya sabay alis na.

Falling To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon