Chapter 3

609 8 0
                                    

Chapter 3

Nang mag uwian na ay naghihintay lang ako kay Van sa gate.

Haysss ayoko talaga sa lalaking iyon, isa din kasi iyong siraulo. Siya ang nakilala kong taong walang pake sa mundo, siguro yung pake niya ay nasa libro niya tutal yun naman ang lagi niyang kaharap.

Hindi ko nga alam kung bakit siya pa ang pinili ni Axe na ipaglapit sakin eih ang laki nga ng differences namin ng lalaking iyon. Ayoko sa lalaking hindi ko ka vibe. Saka over the heels yung mga tipo ng lalaking iyon kaya hindi kami bagay.

Una ay matino siya which is apaka no sakin kasi mas siraulo pa ako sa siraulo. Pangalawa ay matalino siya which is also a big no to me kasi apaka bobo ko, baka nga kapag nagpick up lines yan sakin o nagjoke ay hindi ko pa maintindihan kasi salita palang niya, nakakagulo na ng isip. At pangatlo, tahimik siya na apaka, pinaka, mas paka, at talagang talagang ekis para sakin. Kasi ang ingay ko kaya, ayaw niya rin ng maingay at maslalong ayaw ko rin ng tahimik noh. Nakaka awkward saka amboring kaya nun.

Sabi nila ay siya yung tipong lalaki na kakaramay sayo kasi yung lumalabas sa bibig niya ay makatutuhanan at tagos sa puso kaya siya tinawag na comforter guy o pillow guy at human mushroom.

Well agree naman ako na lahat ng salitang lumabas sa bibig niya ay makatotohanan at tagos sa puso, kaya nga ayokong kahalubilo siya kasi masakit magsalita. Ikaw ba naman tawaging desperadang walang utak at pangit haysss, hindi ko talaga makakalimutan yung sinabi niyang yun sakin.

"Aishhh, asan na ba kasi ang gunggong na yun" inis na sabi ko.

Napatingin ako sa kotse na dumaan sa harapan ko ng mapagtanto kong pamilyar ito. Ito yung kotse ng gunggong.

"Hoi, teka lang" sigaw ko habang hinahabol ang kotse niyang palayo hanggang sa hindi kona ito mahagilap pa.

Wow just wow, naghintay ako ng halos dalawang oras tapos wala pala akong mapapala sa paghihintay, at the end of the day ay magcocommute pala ako sa bandang huli.

C*rs* that gunggong. Sana madisgrasya ka.

Aishhh wala pa namang bus dito kasi kakadaan lang kanina nong bus papunta sa bahay namin hayssss talaga naman.

So at the end maglalakad ako hanggang train station, kung minamalas ka nga naman.

Nang makarating na ako sa city ay napatingin ako sa mga buildings hanggang sa dumapo ang tingin ko sa isang restaurant.

Biglang tumulo ang mga luha ko sa nakita ko. Si Axe at si Faith nagde-date, ang saya ni Axe habang si Faith naman ay inis na inis na, siguro ay pinipikon na naman siya ni Axe. Yun kasi ang gustong gawin ni Axe kay Faith, sabi niya sakin na ang cute daw ni Faith mainis kaya lagi niya itong pinipikon dahil nakyu-kyutan siya rito.

Gusto niya si Faith hindi dahil sa maganda, matulungin sa kapwa, matalino, o mayaman. Kundi dahil sa palaban ito, dun siya naaastigan at nagkagusto kay Faith. Siya daw kasi yung natatanging babaeng walang pake sakanya at walang gusto sakanya, hindi tulad ng ibang babae na kapag nakita ang kagwapuhan niya ay agad na magugustuhan siya. Gusto niya yung babaeng macha-challenge siya.

Yun ang rason kaya ayaw niya sakin, kasi napaka easy to get ko unlike Faith. Ayokong ikumpara ang sarili ko sa kahit na sinuman pero naiisip ko kasi kung ano ang kulang sakin, bakit hindi ako yung pinili?.

Habang umiiyak ako ay biglang bumuhos ang ulan at huli na para sumilong ako kaya nagpatuloy nalang ako sa paglalakad ko papunta sa train station.

Nang makauwi na ako ay sila mama at papa agad ang bumungad saakin na mukhang nag aalala sakin.

"Anak bakit ka nagpaulan?" Tanong sakin ni mama.

"Carl kumuha ka ng tuwalya" utos ni papa sa kapatid ko na agad namang ginawa ng kapatid ko.

"Heto na po" sabi ng kapatid ko sabay abot ng tuwalya na agad namang kinuha ni papa at inilagay sa likod ko para di ako ginawin.

"Akala ko ba nasa date ka kasi yun ang sabi ni Axe at hindi ka rin namin matawagan pero bakit ka naligo sa ulan ha?" Nag aalalang tanong ni papa.

"Wala po kasing dumaan na bus sa school at bigla din pong umulan ng malakas eih wala akong masilungan kaya nabasa ako" nanghihinang sabi ko.

"Eih yung cellphone mo ate?" Tanong ng kapatid ko.

"Lowbat eih" sabi ko.

"Hayyy naku, eih ano yung sinasabing date ni Axe?" Tanong ni mama.

"Wala po yun, wag niyo na po yung isipin. Mama masakit po ang ulo ko gusto ko na pong magpahinga" sabi ko.

"Jusko baka lagnatin kapa. Carl ihatid mo nga itong kapatid mo sa kwarto niyo. Maghahanda lang ako ng bimpo saka magluluto yung papa mo ng lugaw" sabi ni mama.

Tinulungan na ako ng kapatid kong umakyat papunta sa kwarto namin at nagbihis na rin ako.

Maya maya pa ay dumating naman sila mama at papa na may dalang bimpo saka lugaw.

Ang sakit talaga ng ulo ko.

Falling To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon