Chapter 4

585 10 0
                                    

Chapter 4

"Aishhh sana pala ay hindi nalang kita hinayaang ipahatid kay Van, edi sana ay hindi ito mangyayari sayo" inis na sabi ni Axe habang naghahanda ng gamot ko.

Ang dami niyang biniling gamot eih lagnat lang naman ang sakit ko.

"Sabi ko naman kasi sayo ayaw mo pa makinig sakin. Alam mo namang di kami magkakasundo ng gunggong mong kaibigan na yun diba?" Sabi ko.

"Siya lang kasi ang naisip kong bagay sayo, siya lang ang pinagkakatiwalaan kong lalaki para sayo dahil alam kong aalagaan ka niya kasi siya lang din ang lalaking matino na nakilala ko. Mas matino siya kesa sakin kaya alam kong hindi ka niya sasaktan hindi tulad ko" sabi niya kaya napabuntong hininga naman ako.

"And now you know the result sa pagdidiin mo saaming dalawa diba? Kaya itigil tigil mo na iyang pagdidiin mo samin, hindi kami bagay" sabi ko ng bigla niyang tinapik ang noo ko.

"At sino satingin mo ang bagay sayo ha?" Tanong niya kaya napatingin naman ako sakanya.

Siguro kung pwede lang sigurong diktahan ang tadhana ay masasabi ko ngayong ikaw Axe, ikaw ang bagay sakin.

"Hindi, boto pa rin ako sakanya, alam kong magiging okay kayong dalawa, alam kong mababago mo siya tulad ng pagpapabago sakin ni Faith" sabi niya.

Feeling ko ay may tumubong cactus sa puso ko dahil sumakit ito bigla. Pinapamukha na talaga niya sakin na wala na akong pag asa sakanya kasi hindi ako tulad ni Faith na kayang baguhin siya. Hindi naman kasi kami magkatulad ni Faith eih, hindi kona siya kailangang baguhin pa kasi sa simulat sapol ay ang ugali niya ang dahilan kung bakit ko siya nagustuhan.

"By the way kamusta pala ang date niyo ni Faith?" Tanong ko.

"It's fun" sabi niya.

"That's all? Hindi mo ba sasabihin o ikekwento man lang kung ano ang ginawa niyo? Saan kayo pumunta, o anong kinekwento mo sakanya?" Tanong ko.

"Haysss, just drink this and get rest" sabi niya sabay abot sakin ng mga gamot.

"Ang dami naman nito" reklamo ko.

"Just drink it, pinagbigyan na kita na huwag kang dalhin sa hospital kaya ngayon ako naman ang pagbigyan mo" sabi niya kaya napanguso nalang ako.

"Ang OA naman kasing magpadala sa hospital" sabi ko.

"Tsk" irap nito.

Heto na naman ako umaasa. Shane please lang tumigil kana, nag aalala lang sayo dahil kaibigan ka niya, at wala ng iba pa.

"Bakit ka pa umabsent? Alam ba ni Faith na umabsent ka dahil inaalagaan mo ako?" Tanong ko.

"Yeah, it's cute cause she said wala daw siyang pake. I know that she's jealous deep inside" bungisngis nito kaya ngumiti naman ako ng peke.

"Looks like nahuhulog na rin siya sayo" sabi ko.

"Yeah, it's like we're really meant for each other" nakangiting sabi niya na parang nagde-day dream.

Meant for each other? Mukha nga, mukhang kayo na talaga ang para sa isat isa at wala na talagang akong pag asa, siguro kung nasa isang palabas tayo ngayon ay ako siguro yung kontrabida o di kaya side character lang na humahanga sayo.

"I'm happy that you're happy" sabi ko kaya napatingin naman siya sakin.

"You'll find your happiness soon, at kapag nangyari yun ay susuportahan kita gaya ng pagsuporta mo sakin" sabi niya kaya napangiti naman ako.

I hope so. Sana hindi ako habang buhay na aasa sayo, sana dumating na yung araw na mapagod na ang puso kong mahalin ka, nang saganun ay dumating naman yung araw na makangiti ako tulad ng ngiti mo ngayong abot langit. Kasi pagod na akong ngumiti ng peke.

Satuwing ngumingiti ako ng peke o tumatawa ako ng peke ay lagi kong naiisip na tama bang tumawa ako kahit na alam ko sa sarili kong malungkot yung puso ko. Nakakapagod ng magpanggap pero wala eih.

"Magpapahinga na ako, pumasok ka sa afternoon class dahil kaya kona ang sarili ko. Bukas na bukas ay gagaling na ako at papasok na ako sa school kaya umalis kana para makapagprepare kana sa afternoon class mo. Alam kong hindi mo makakayanang hindi makita ang taong mahal mo buong araw kaya alis na" taboy ko sakanya.

Kasi ganun din ako, hindi ko rin kayang hindi ka makita buong araw Axe, pero maslalong hindi ko kayang makita kang masaya sa iba. Pero anong magagawa ko eih pagmamay ari ka na ng taong nagpapasaya sayo? Wala na akong karapatang magcomplain sayo. Bestfriend lang ako, girlfriend mo siya. Siya ang buhay mo samantang ako sumasabit lang ako sa buhay mo.

"Okay fine take a rest, susunduin kita rito bukas okay?" Tanong niya kaya tumango naman ako.

"Sige na umalis kana tsk" taboy ko sakanya.

"Tsk kung makataboy ka naman ay parang pinapaalis mo naman ako sa buhay mo" sabi nito.

Kung pwede lang sana yun pero hindi ko kaya eih, ayokong mawala ka sa buhay ko.

"Alis" pikon na taboy ko.

Hindi kona kasi kayang makita siya at makasama siya sa isa pang oras o kahit segundo lang, kasi hindi kona kaya yung sakit.

Falling To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon