Chapter 24

1.1K 12 0
                                    

Chapter 24

Andito ako ngayon sa labas ng isang mall dala dala ang maraming mga gifts para bukas kasi magpapasko na.

Agad kong kinalikot ang phone ko para tumawag ng uber ng biglang may nagbeep na kotse sa harapan ko.

"Axe ikaw pala" sabi ko.

"You're going to call Van?" Tanong niya.

"Ah hindi, alam ko naman kasing busy yun kaya hindi ko nalang siya aabalahin pa" sabi ko.

"Hop in, I'll give you a ride" sabi niya.

"Ah wag na, mukhang may gagawin kapa eih kaya wag na" sabi ko.

"No just hop in, bibili din kasi sana ako ng gift para kay Faith and I need your help about that" sabi niya kaya wala naman akong nagawa kundi ang sumakay nalang sa kotse niya.

"By the way ano nga pala ang ginagawa mo dun? Magmomall ka sana noh?" Tanong ko.

"No, nakita kasi kita kaya nilapitan kita" sabi niya.

"Ah kaya pala" sabi ko.

"What are those?" Tanong niya sa mga binili ko.

"Ah mga gifts para bukas" sabi ko.

"That's good" sabi niya sabay balik na ang tingin sa daan kaya napakamot naman ako ng ulo.

"Ah eh sayo nga pala" sabi ko sabay bigay sakanya ng isang paper bag na agad naman niyang tinanggap.

"Thanks, akala ko talaga ay nakalimutan muna ako" sabi niya kaya ngumiti nalang ako ng awkward.

Gage hindi yun para sakanya. Pero base sa ikinikilos niya ay parang naghihintay talaga siya na ibigay ko sakanya ang gift ko para sakanya which is wala naman talaga.

That gift was supposed to be Van's gift.

Nang makarating na kami sa isang mall kung saan kami bibili ng gift para kay Faith ay agad na kaming pumasok sa loob at naghanap ng magandang panregalo.

Pagkatapos naming mamili ay bumalik na ulit kami sa kotse niya at hinatid na niya ako pauwi.

"Maraming salamat" sabi ko.

"You're always welcome" sabi niya.

"Sige papasok na ako, mag ingat ka nalang sa pagbibiyahe" sabi ko sabay talikod na para pumasok sa loob ng bahay.

"Kotse ba yun ni kuya Axe?" Bungad saakin ng kapatid ko habang nakatingin sa bintana.

"Oo" sabi ko.

"Siya ang naghatid sayo? So okay na kayo?" Tanong niya kaya tumango naman ako.

"Oo okay na kami at balik na ulit kami sa dati paulit ulit ka?" sabi ko.

"So bumalik narin feelings mo sakanya?" Tanong niya.

"Hindi, ang ibig kong sabihin ay balik na kami sa pagiging magkaibigan namin" sabi ko.

"Nababaliw ka naba ate? Talaga bang gusto mong saktan ang sarili mo ha?" Inis na tanong niya kaya binatukan ko naman siya.

"Hindi na ako affected sakanya kaya wala kanang dapat pang ipag alala" sabi ko.

"Aray! Anu ba yan namamatok eih noh? Bahala ka sa buhay mo ate basta ako pagod na ako makarinig sa iyak mo" sabi niya at tinalikuran na ako.

Tsk.

"Shane anak andito kana pala, saktong sakto nakahanda na ang hapunan" sabi ni mama kaya lumapit naman ako sakanila at nagmano.

Umupo na ako sa upuan ko at nagsimula ng kumain.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para tumulong kay mama na maghanda ng mga ihahanda mamaya sa pasko.

"Ate nasa labas si kuya Van" tawag pansin sakin ni Carl kaya napatingin naman ako sa bintana.

Nang makita kong nakatayo si Van sa gilid ng kotse niya ay agad kaong lumabas ng bahay at linapitan siya.

"Van pasok ka sa loob" yaya ko sakanya.

"You seem so busy, did I disturb you?" Tanong niya.

"Hindi naman, tumutulong lang naman ako kay mama na magluto. Tara sa loob" sabi ko.

"No need, aalis din ako kaagad I just wanted to give this to you" sabi niya sabay bugay saakin ng isang paper bag kaya tinanggap ko naman ito.

"Salamat" sabi ko.

"Merry Christmas" sabi niya.

"Sorry ah, wala akong maibibigay sayo" sabi ko.

"No it's fine" sabi niya.

Falling To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon