Chapter 13

1.1K 12 0
                                    

Chapter 13

Nang makarating ako sa school ay napunta naman sakin ang atensyon ng mga estudyante. Kahit kasi na jacket yung uniform ko ay hindi pa rin matatakpan yung malaking sugat ko sa tuhod dahil sa skirt ko na hindi gaanong mahaba pero nakabenda naman ito kaya hindi nila makikita yung sugat na malaki at madugo pa.

Nang magtanghalian na ay lumabas na ako sa room ko para pumunta sa rooftop nang may nakabanggaan ako kaya napatingin naman ako sakanya.

"What happened to you?" Tanong sakin ni gunggong.

"Wala, tara na nga sa rooftop" sabi ko ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"Aray" inis na sabi ko sabay sapak ng balikat niya.

"Here too?" Tanong niya kaya hinablot ko naman ang braso ko.

Bigla niya akong hinila kaya napahiyaw naman ako sa sakit.

"Araaaay, bitaw na, ang sakit, wag mong hilain t*ng*n*ng ka" inis na sabi ko kaya binitawan naman niya ako.

"We're here" sabi niya kaya napatingin naman ako sa harapan namin.

"Theater room? Pwede mo namang sabihin na dito mo pala ako dadalhin, hinila mo pa ako eih ang sakit ng sugat ko, gunggong ka talaga" inis na singhal ko sakanya.

"We need to practice, andito yung piano ko kaya pumasok kana" sabi niya at nauna ng pumasok kaya sumunod naman ako.

Napatingin ako sa paligid ng may maalala ako. Dito ko nakita si Axe at Faith na naghahalikan noon, dito rin naging sila, dito ako nasaktan ng sobra, kasi nakita ko yung taong mahal ko na kahalikan ang mahal niya.

"Are you just going to stand there all day?" Sarkastikong tanong ng gunggong.

"Wala bang ibang lugar na pwede nating praktisan?" Tanong ko.

"Meron, pero ikaw ang magbubuhat ng piano ko papunta ron" sabi niya kaya napairap naman ako sabay upo sa isang upuan at inilabas ang gitara ko sa bag nito.

"What happened to you? Bakit ka parang binasura pagkatapos pagtangkaang patayin sa dami ng sugat mo?" Tanong niya.

"Hindi naman ako mukhang sinaksak o binaril, nadisgrasya lang ako okay? Apaka overrated mo naman. Parang pati sa panaginip mo minumurder mo ako sa sobrang creepy mo magsalita" sabi ko.

"Tsk" irap nito.

"Nadisgrasya ako sa bike ko, may dumaan kasing aso kaya yun tumilapon ako" sabi ko.

"Now you believe you can't fly huh" sabi niya kaya sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Nakuha mo pa talagang magbiro noh?" Sarkastikong tanong ko.

"It's not my fault kung t*ng* ka" sabi niya.

"Tsk" irap ko.

"So kaya pala nagmakaawa sakin si Axe na ihatid sundo ka" sabi niya na ikinakunot noo ko.

"Nagmakaawa sayo si Axe?" Tanong ko.

"Yeah, alangan namang siya ang maghatid sundo sayo eih magagalit ang girlfriend niya. Mas prioritize niya ang girlfriend niya keysa sa kaligtasan mo. Mas gugustuhin niyang huwag magalit ang girlfriend niya kesa sa kapakanan mo" sabi niya.

"Isa nalang talaga ay masasapak kona to sayo itong gitara ko" inis na banta ko sakanya.

"So after class ay dumiritso kana sa parking lot kung saan nakapark ang car ko, I won't wait for you" sabi niya.

"At sino ka naman para pagkatiwalaan ko? Baka nakakalimutan mo na dahil sayo kaya ako nag antay ng halos dalawang oras sa daan tapos hindi mo naman pala ako pinasakay. Tapos ikaw pa ang may dahilan kaya ako nilagnat at naka abasent ng isang araw" sabi ko.

"It's not my fault na wala kang kotse or any vehicles" sabi niya.

"Eih kasi hindi naman kami kasing yaman niyo" sabi ko.

"I know, kaya nga diba sumasampid ka kay Axe kasi mayaman si Axe? Sa pagkakaalam ko ay ang family ni Axe ang dahilan kaya ka nag aral dito sa private school na toh na halos kalahating milyon ang tuition" sabi niya kaya natahimik naman ako.

"Hindi ko naman gustong mag aral dito eih, sila ang may gustong mag aral ako dito para makasama at mabantayan ko si Axe" sabi ko.

"But still pumayag ka, you agree because you like I mean you love Axe and you want to be on his side everyday without even thinking that this school is very expensive. You're selfish kaya hindi mo iyon naisip" sabi niya kaya muli akong natahimik.

"Tumahimik kana" sabi ko.

"Look at your brother. I heard na nag aaral siya sa public school. Hindi ba siya inofferan ng mga magulang ni Axe na mag aral din rito? O talagang hindi lang siya pumayag kasi nahihiya siya unlike you na makapal ang mukha" sabi niya.

"Sabing manahimik kana eih, hindi ka ba talaga tatahimik? Ganyan ka bang klaseng tao? Nambababa ng puri?" Inis na sigaw ko sakanya.

"I don't need to do that cause from the beginning, you're already deep and and over my heels" sabi niya.

Falling To My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon