Chapter 20 *Suitor*Baekhyun's POV
"Last shot! Baek! Tumingin ka sa Camera!" May pictorial kami ngayon. Takte! Di ako makapag focus! Pa'no ba naman naririnig ko si Luhan na kausap ata si Soo Min. Psh
"Okay! D.O ikaw naman!" Umalis na ako sa kinatatayuan ko at umupo sa gilid. Mula 'nung umamin si Luhan kay Min, umiwas na'ko. Tss ano pa ba magagawa ko diba? Tsaka di ko pa naman ganun kamahal si Min. Infatuated lang siguro ako mawawala rin 'to.
"Kung ako sa'yo, umamin ka'na rin bro" Anong pinag sasabi netong Chanyeol na'to? Umamin saan?._____.
"Ano pinagsasabi mo?" Umupo siya sa tabi ko at inakbayan ako. Malala na'to tsk tsk.
"Tss. Aminin mo na nararamdaman mo kay Min. Wag kang pabakla bakla tol! Amin amin din pag may time" Tinakpan ko ang bibig niya dahil ang ingay niya. Baka may makarinig pa sa mga pinagsasabi neto eh. Langya
"Alam mo ba sinasabi mo tenga? Gusto mo bang magalit sa'kin si Luhan? Psssh" 'Di rin kase 'to nag iisip. Puro kadaldalan ang alam =___=
"Ano ikakagalit niya? Tsk 'Di kasalanan magmahal bro! Tignan mo ako kahit di ako mahal ni Dara. Mahal na mahal ko pa din siya" Nagdrama pa siya habang hinahawakan ang kanyang kaliwang dibdib. Di ba siya kinakalibutan?._____.
"Ewan ko sa'yo! Malala ka na tol" Iniwan ko na siya at naglakad palayo. Pero parang natamaan ako sa sinabi niya. Ano ba dapat kong gawin? Putik naman! Nakakabobo naman 'to! Aish.
--------------------
Soo Min's Pov
Cartolina
Pentle Pen
1 balot na bondpaper
Pencil
Eraser
Pang design
Glue
Ayan! Nakuha ko na lahat ng kailangan ko para sa project namin. Nandito ako sa Book Store.Papunta na'ko sa cashier para bayaran 'to pero may nakabanggaan ako.
"Sorry miss" Parang pamilyar ang boses.. tinignan ko yung lalakeng nakabangga saken. Naka Jacket, cap at naka shades siya. Nasa loob ng mall naka shades? Creepy mhhhhh
Akmang aalis na siya pero pinigilan ko.
"Teka lang" Hinila ko siya papuntang cashier at nagbayad na'ko hawak hawak ko padin ang kamay niya. Dinala ko siya sa CR ng pambabae wala namang ibang tao dito eh.
"Te-Teka lang. Anong gagawin natin di-to?" Kinakabahang tanong niya. Hahahaha ano sa tingin niyang gagawin ko? Irarape ko? Ibang klase din 'to.
"Wag! Ano ba!" Inalis ko kase yung shades niya. Sabi ko na nga ba at di ako nagkakamali na si Baek ito.
"Ano ba sa tingin mo ginagawa mo huh?! Gusto mo bang pagkaguluhan ka? Bakit ka pumupunta sa mall na ikaw lang mag isa?!" Galit na galit na singhal ko sa'kanya. Imbis na sumagot siya tumawa lang siya ng malakas. Aba aba!
"Ano bang nakakatawa?! Umayos ka nga!" Pag hindi 'to umayos tatadyakan ko 'to hmmmmp! >_____
"Ang cute mo kasing magalit eh pffffft hahaha" Napaiwas naman ako ng tingin. Waaaaah! Bat ako nagbablush? Dapat kay Luhan lang ako kiligin diba?! Waaah mali 'to
"Wag mo nga akong lokohin! Tsk... pag nalaman ng manager niyo na umalis kang walang kasama malalagot ka!" Nagulat ako ng inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. Napaatras naman ako.
"Kasama kaya kita *smirk*" Bigla akong nakarinig ng papasok sa banyo kaya hinila niya ako papasok sa isang cubicle at nilock.
Magsalita sana ako kaso tinakpan niya ang bibig ko habang nagtatago dito sa loob ng cubicle.
"Wag kang maingay. Baka marinig nila tayo, malaking issue 'to tsk" Lagot na kami niyan. Bakit ba dito ko siya dinala? Eh gusto ko lang naman siyang kausapin kaso hindi naman pwede sa mataong lugar kaya dito ko siya naisipang dalhin.
Tumahimik naman ako hanggang sa narinig ko na nakaalis na yung mga pumasok kanina dito sa cr.
"Wait. Bakit pala galit na galit ka kanina?" Tanong niya.
"Huh? Concern lang naman ako sa'yo eh." Sagot ko. Totoo naman, concern lang naman ako lase baka may makakita sa'kanya tapos pagkaguluhan siya.
May namuong ngiti sa mukha niya pagkasabi ko nun. Ano trip neto?
"Bakit ka concern?" Tanong niya ng di parin nawawala yung ngiti sa mukha niya. Bakit nga ba cocern ako sa'kanya?
Umiwas ako ng tingin at pinipigilang pumula ang mukha ko.
"Ahh. Ano kase- nakalabas na yung tao kanina. Labas na tayo habang wala pang tao. Baka may dumating nanaman eh" Hindi parin ako tumitingin sa kanya. Narinig ko naman siyang natawa ng kaunti.
"Sge. Tara na" Tumayo siya at inalalayan ako tumayo. Lumabas na kami ng cubicle at pipihitin ko na sana yung pinto palabas ng cr ng bigla niyang hawakan ang kamay ko.
"Before we go, i would like to tell you that from now on ,no matter what happens, you can't push me away. Because i will be your suitor, whether you like it or not" Aniya at lumabas ng tuluyan. Iniwan niya akong naka nganga. Gulat na gulat ako sa sinabi niya. Ano daw? Suitor? Impossible. Pero siya mismo nag sabi eh. Pinagtitripan niya ba ako? Kung Oo lagit sa'kib yung Masungit na yon! Pero pano kung hindi? At seryoso siya?
Waaaaaaaaaaah!!!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/16920133-288-k639632.jpg)
BINABASA MO ANG
You Are The One (Exo FF)
FanfictionSoo Min is a simple yet smart girl. She carried a lot of burdens already but instead of giving up, she overcome this circumstances and became more resilient person. Until when she will continue to pretend that she's happy? that she's a strong girl...