Chapter 19 [Second Chance]

16 3 0
                                    


*Second Chance*

Soo Min's Pov

--------Fast Forward-----------

Tapos na ang 1st Sem namin at Dean's Lister ako. Nangunguna parin ako sa University, aba syempre may ispirasyon ako nuh! Haha.

Nandito ako ngayon sa dorm, nagmumuk-mok walang magawa haaay.

Naging maayos naman ang lahat sa amin ni Luhan. Maniwala kayo at sa hindi nililigawan niya ako hehe Yup. Ang haba ba ng hair ko nuh? Hehe. Hindi naman porket mahal ko siya agad ko na siyang sasagutin syempre dapat mag pa hard to get muna ako. Naku ang hirap ng pinagdaanan ko para lang kay Luhan nuh. Hehe

Si Mr. Sungit? (Baek) Ewan ko ba dun! Hindi na niya ako pinapansin :3 Iniiwasan niya ata ako ehhh *pout* Wala naman akong natandaan na nagawa kong masama sa'kanya. Kahit masungit at salbahe yun napalapit nadin siya saken nuh! Hmmmmp

*Beep Beep*

Message tone ko yun :)

May nag text

From: Luhan

[Hi! Labas ka. Nandito ako]

Huh? Nandito siya sa labas ng dorm?

Tumayo ako at tumingin sa bintana. May nakita akong lalakeng naka hoodie na naka sandal sa sasakyan.

Si Luhan siguro 'to

Kinuha ko ang Cellphone ko at nireplayan siya

To: Luhan

[Okay sige :)]

Pagkalabas ko sinalubong niya agad ako.


"Bakit ka andito? Baka may makakita sa'yo dito at makilala ka" Mahirap na nuh, sobrang sikat niya kaya pag may nakakita sakanya siguradong makikilala siya.


"Kaya nga naka disguise ako diba? Tara alis tayo" He said while smiling

Ayan! Yan yung nagpapahulog sa'kin para sa'kanya.


"San tayo pupunta?" Kahit ang totoo kahit saan naman niya ako dalhin sasama ako haha.


"Basta" Pinasakay na niya ako sa passenger seat.

-------

Wow *0* Nandito kami ngayon sa Amusement Park. Pero pinagtataka ko lang ay konti lang ang tao. Ang mga nandito lang ay ang mga nagtitinda ng mga food, mga nag papagana ng mga rides, body guards at ang mga nagtatrabaho lang dito.


"Ahh, Bakit walang customer dito? Ba't yung mga nagtatrabaho lang ang nandito" Pumasok na kami sa loob. Wow ang ganda naman dito.

"Kakilala ko ang may ari dito. Kaya nirent ko 'to para ngayong araw na'to" Eh? Bakit naman? May okasyon ba? 'Di naman niya birthday lalo namang di ko bday.


"Bakit naman?" Tumingin siya sa'kin at nag smile


"Wala lang, para mapasaya kita kahit papano. Gusto ko lang bumawi sa'yo. Hindi naman tayo pwedeng pumunta dito ng may ibang tao, alam mo naman ang sitwasyon ko diba?" Oo nga naman, pagkakaguluhan siya panigurado nun. Pero ang sweet *0* Nirent niya 'tong amusement park para mapasaya niya ko. (^___^)

You Are The One (Exo FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon