KABANATA 8: Monster

30 6 0
                                    

"Maayos kana ba?"

"Ayos na ko, salamat sa tulong mo idagdag mo nalang ito sa utang na loob ko sayo," seryoso kong sabi.

Inalis ko ang kumot na nakatakip sakin at agad akong naupo sa kama.


"Marami ka ng utang na loob sakin one day you will repay me for everything I have done for you."



Napairap ako at Hindi ko na siya sinagot pa dahil alam ko na mauuwi na naman ito sa pagtatalo. Kaagad din siyang tumayo sa upuan na nasa gilid lang ng kama na hinihigaan ko.


"Hahayaan kita na mag stay dito at Hindi ka uuwi hanggat hindi ako pumapayag do you understand?" maawtoridad niyang sabi.


Napakunot ang noo ko at matalim ko siyang tinitigan. Bigla akong nakaramdam ng galit sa kaniya, sobrang naiinis ako sa pagtrato niya sakin. Hindi ko mabasa ang ugali niya, nung unang gabi na magkasama kami maayos naman siya sakin pero ngayon kulang na lang saktan na niya ko dahil sa sobrang galit niya.




"Bakit? Diba ayaw mo akong tulungan? Bakit pabago-bago ka ng isip? At bakit ba palagi kang masungit? Palagi kang galit sa akin Akala mo naman kung sino ka!"


Ngumisi siya at humakbang ng isa papalapit sakin. "Tutulungan na nga kita, Aayaw ka pa ba? Kung ayaw mo just tell me and I'll kick you out of my house."

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya at yumuko na lamang. Masyadong matalim ang mga tingin niya at para akong sinasaksak ng mga ito.


"Babayaran ko ang pag Stay ko dito kapag nakauwi na ako-"

"Hindi ko kailangan ng Pera mo Miss Valeria. Mananatili ka dito bilang katulong. Ayoko ng makalat, Ayoko ng maingay at higit sa lahat Ayoko ng pagala-gala ka dito sa Bahay. Ayokong makita ka kung saan saan at-"

Napakunot ang noo ko."Ang dami mo namang ayaw. Ikulong mo na lang kaya ako dito sa kwarto," bulong ko.


"Di pa ako tapos. Uulitin ko, Ayokong makita ka kung saan saan at Mula bukas, maaga ka ng gigising para mag luto-"


"Pero Hindi naman ako marunong!"

Ngumisi siya at parang demonyong tumitig sakin."I don't care. Magluluto ka sa madaling araw, Maglalaba, Maglilinis ka sa buong bakuran-"

"Excuse me? Buong bakuran Seryoso ka ba? Napakalawak ng bakuran na sinasabi mo. Paano ko malilinis yun ng ako lang at isa pa hindi naman ako sanay ng gawing bahay-"


"Makikitira ka diba?" pag putol niya sa pagrereklamo ko.




Mariin akong napapikit. Letse na lalaki to! Malinaw naman sakin na kailangan ko siya ngayon dahil kailangan ko muna mag palamig. Hindi ako puwedeng umuwi agad dahil baka hindi ko pa kayanin ang mga puwedeng maganap. Patay na si Abel, hindi yun kung sino lang. At isa pa ako ang huling kasama niya kaya siguradong magugulo ang buhay ko kapag nakaharap ko ang pamilya niya.

Kaya hindi pwede. Kailangan ko muna magpalipas dito at magtiis.






"Two weeks. Two weeks lang akong mag s-stay dito at Wala akong choice kundi ang sundin ang mga gusto mo kahit gaano pa yan kahirap. As I said, I don't know anything about housework but I'm willing to learn."





Naningkit ang mga tingin niya sakin at napalunok naman ako ng mapansin ko ang pagtitig niya sa labi ko. Damn him! He doesn't seem to be listening to what I'm saying. Ng magtagpo ang mga tingin namin ay kaagad namn siyang umiwas.





"W-Whatever. Gawin mo ng maayos ang trabaho mo," nauutal niyang sagot sakin.




Agad niya akong tinalikuran."May isa pa. Ayoko din ng madaldal at nagsasalita ng hindi pa ko tapos."





PROFESSION SERIES 4: Paint Your Eyes with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon