~MEMORIES~
"Valeria i'm home! look what I have brought for you," my Daddy shouted excitedly.
I quickly ran and greeted him with a smile. My Daddy is the most handsome man in my eyes. The kindest and my most beloved man. He is my Everything. Pakiramdam ko kulang ang araw ko kapag hindi ko siya kasama.
"Wow Daddy! Paano mo nalaman na gusto ko nito?"
Ngumiti siya sakin at hinawakan ako sa magkabila kong pisngi."Nakuwento sakin ng Mommy mo na gusto mo ng Dollhouse Castle. So I bought it for you."
"But this is so expensive Dad. At sinabi ko naman po na pagiipunan ko ito gamit ang allowance ko."
Sumimangot si Daddy at napabuntong hininga."Ayaw mo ba ng binili ko para sayo?" nagtatampo niyang sabi.
Napangiti ako mahigpit siyang niyakap."I love it Dad. Pero next time po hayaan mo sanang ako na ang gumastos para sa mga gusto kong bilhi-"
"And why would i let you? You are my only Princess and I want to give you everything."
Napanguso ako at hinaplos naman ni Daddy ang buhok ko. Bumaling ako sa napakalaking kahon sa harapan ko at Excited ko itong binuksan. This is a Dollhouse castle that is one of the most expensive Dollhouse in the world. I would like to have it from my own efforts but I'm a Monteverde and I was surrounded by luxury and shiny things. Ako ang prinsesa ng Daddy ko na nabubuhay sa isang magandang panaginip ng karamihan.
Pero Hindi lang sa materyal na bagay makikita ang pagiging swerte ng isang tao. Nakikita din ito kung gaano ka kasaya sa buhay. Kapag Masaya ka, swerte ka. Everything comes from happiness and contentment. At para sakin sobra pa dahil mayroon akong masayang pamilya.
"Maam Valeria nasa Dining area na po ang Mommy at Daddy kanina ka pa nila hinihintay," my Yaya said.
Agad kong binitawan ang paint brush na hawak ko at bunaling sa kaniya.
"Susunod na po ako Yaya," nakangiti kong sabi.
Tumayo ako sa pagkakaupo ko at saglit na pinagmasdan ang painting ko. I painted Three pairs of hands holding a heart. Ang maliit kong kamay ay nasa bandang itaas at kay Mom and Dad ang nasa magkabilang gilid. Sa loob ng Puso ay may mga maliliit na Butterfly and I named this, The sovereign Heart. Pusong malaya, dakila at punong puno ng pagibig. This is my young heart and I have the happiest heart.
"I'm going back to New York next week kaya ayusin mo ang pag aaral mo Val," seryosong sabi ni Mommy habang ang tingin ay nasa plato niya.
"Opo Mom."
Bumaling ako sa pagkain ko at tahimik na kumain. Sumulyap ako kay Daddy pero tahimik lang siya at kanina pa walang imik.
"Dad are you okay?" tanong ko.
Bumaling siya sakin at ngumiti. Alam ko na pilit lang ito at nagpapanggap lang siya. Siguro may pinagtalunan na naman sila ni Mommy.
"Ayos lang ako Anak kumain kana may Ballet class kapa diba?"
Tumango ako sa kaniya."Opo meron po."
"Valeria kamusta naman ang Piano Lesson mo?" tanong pa ni Mom.
Seryoso ang mukha niya at Napabuntong hininga na lang ako at yumuko.
BINABASA MO ANG
PROFESSION SERIES 4: Paint Your Eyes with Lies
Roman d'amourValeria Anastasia Monteverde is a Famous Artist, ang kalungkutan at kakulangan niya sa kaniyang buhay ay ibinabahagi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga Obra. Ang buhay ni Val ay nababalot ng Takot, Dumadanas siya ng matinding Trauma dahil sa isang...