"Goodmorning. Breakfast na!" bungad ko Kay Hades habang umiinom siya ng Tubig.
Inilapag ko sa mesa ang niluto kung Almusal at napataas naman ang kilay niya sakin.
"Maaga kang nagising?" tanong niya.
"Oo bakit?"
Hindi niya ako sinagot at naupo na lamang siya. Nilagyan ko ng Fried rice at bacon ang plato niya habang mariin parin siyang nakatitig sakin.
"Maaga akong gumising para magluto ng Breakfast mo. Kumain kana!" masaya kong sabi.
Nag iwas siya sakin ng tingin at bumaling sa pagkain na nasa plato niya. "Saluhan mo na ko," sambit niya na ikinagulat ko.
Himala ata na bumabait na ang lalakeng ito kahit papaano. Kailan lang ayaw niya akong makasabay sa pagkain.
"S-Sige."
Naupo ako sa Harap niya at ng kukunin ko ang Rice ay inunahan na niya ako para iabot ito sakin.
"Ako na kumain ka nalang," i said.
Kinuha ko yun sa kamay niya at naglagay na ako sa plato ko. Tahimik kaming kumain habang pasulyap-sulyap lang ako sa kaniya.
"Aalis ka ba ngayon?" tanong ko sa kaniya.
He turned to me with gentle eyes."Yeah may meeting ako ngayon."
"Meeting saan? Ano bang pinagkakaabalahan mo sa buhay? May work ka ba ? Sino naman ang ka meeting mo?" sunod-sunod kong tanong na ikinakunot ng Noo niya.
"I have work. And why do you have so many questions? Huh?" masungit niyang sabi.
Hay naku masungit pa din. Pero okay lang ang gwapo pa din niya kahit nagsusungit. Kung ganito lang naman ang itsura ng mag susungit sakin araw-araw pwedeng pwede na.
"Why are you smiling?"
Mas lalo akong ngumiti ng mapansin ko ang pagkunot ng noo niya at mukhang naiinis na naman sakin.
"Wala. Bawal na ba ngumiti? Natatawa ako sa buhok mo na parang pugad ng ibon. Di tuloy ako makapagfocus sa pagkain!" pangaasar ko.
"Hindi din ako makapag focus dahil sayo so don't complain to me."
Nag iwas siya ng tingin at muling bumalik sa pagkain. Napanguso na lamang ako at kumain na din.
"Ano bang Trabaho mo? Hades?" seryoso kong tanong sa kaniya.
Matagal siyang tumitig sakin na tila ipinapasok pa niya sa isip niya ang sinabi ko.
He swallowed."I am just a simple employee in a company," sagot niya at nag iwas na naman ng tingin.
Ano bang meron sa mukha ko at hindi niya ako magawang tignan ng matagal?
"Simpleng impleyado pero napakalaki ng bahay at ang Mamahal pa ng binili mo para sakin. I don't know if I can believe it."
Nilapag ko ang kubyertos na hawak ko at pinagmasdan ko siya habang kumakain. Ano ba ang tinatago sakin ng taong ito at bakit pati Trabaho niya ayaw pa niyang sabihin?
I crossed my arms. "Saang Company ka? I wanna know."
Ngumisi siya at Bumaling sakin."Naaalala mo ba yung Rules ko? Ayaw ko ng Madaldal."
"Bakit kasi ayaw mo pang sabihin?O sige Surname mo na lang," pamimilit ko.
Bakas ang iritasyon sa mukha niya pero wala akong pake dun dahil gustong gusto ko talagang malaman ang lahat at makilala siya.
![](https://img.wattpad.com/cover/334263764-288-k126363.jpg)
BINABASA MO ANG
PROFESSION SERIES 4: Paint Your Eyes with Lies
RomanceValeria Anastasia Monteverde is a Famous Artist, ang kalungkutan at kakulangan niya sa kaniyang buhay ay ibinabahagi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga Obra. Ang buhay ni Val ay nababalot ng Takot, Dumadanas siya ng matinding Trauma dahil sa isang...