KABANATA 17: Necklace

28 6 0
                                    

"Napakaganda naman po niyan Ate Val!"

Napasulyap ako kay Alley habang masaya itong nakatitig sa painting na gawa ko.

"Napakaganda ng Mata ng babae pero bakit po siya umiiyak ng dugo?"

Muli kong sinulyapan ang gawa ko. Ito ay painting ng mata ng isang babae.

"The woman's brown eyes twinkled. Kumikislap ito dahil sa iba't ibang kulay na nakikita niya and it's full of hope, love, and Dreams.  Pero ang iba't ibang kulay na nakikita niya ay may itinatago palang kasinungalingan. And that is the reason why her tears turned into blood."

Ngumuso ang batang babae sakin at hinaplos ko naman ang buhok niya."Uhm Ate nagtataka lang ako bakit palaging malungkot ang Meaning ng mga paintings mo?"

Pilit akong ngumiti sa kaniya at isa isang iniligpit ang mga nagamit kong mga brush.

"Yan ang nasa loob ko e. At gusto ko yun ilabas sa pamamagitan ng pagpipinta."

"Kung ganon malungkot ka po?"

Hindi ko siya sinagot at nag iwas nalang ako ng tingin sa kaniya. Masyado pang bata si Alley para malaman ang mga pinagdadaanan ng ibang tao.

"Malungkot din ako Ate. Pero nang malaman ko na hinahanap ako ng kapatid ko na Excite ako, araw akong nasasabik na makasama ang pamilya ko," masaya niyang kwento sakin.

"Kung ganon may kapatid ka pala?"

Tumango siya sakin at matamis na ngumiti."Opo Ate. Pero hindi ko pa alam kung kailan niya ako bibisitahin dito."

"Wag kang mag alala, maghintay ka lang makakasama mo din ang pamilya mo," sambit ko at nginitian din siya.


Tinulungan ako ni Alley na mag ligpit ng mga ginamit ko sa pag pipinta. Masayang masaya ngayon si Alley siguro dahil nalaman niya na kukunin na siya ng kapatid niya. At Ganun din ang ibang mga bata na nandito sa ampunan, mukhang masaya din silang lahat para sa kaibigan nila.

"Siya nga po pala Ate ano po ang pangalan niyang ginawa mo?" biglaang tanong ni Alley.

Muli kong pinagmasdan ang painting ko na naka display at saglit akong napaisip.

"Siguro tatawagin ko na lang yang PYEWL."

Kumunot ang noo ni Alley habang nakatitig siya sakin na may halong pagtataka. Napangiti ako dahil sa reaksyon niya.

"Paint your eyes with lies-"

"Mga bata mag hugas na kayo ng mga kamay para makakain na," pagputol ni Sister Ana.

Napanguso si Alley at Agad na nagmadaling umalis, ang iba sa kanila ay tumakbo pa. Kumaway sakin si Alley mula sa malayo at agad ko din siyang kinawayan.

"Kain tayo Ate!" pag aaya niya sakin.

Ngumiti ako sa kaniya at tumango. Masaya ako para kay Alley dahil sa wakas hindi na niya mararanasan yung mga dinanas niyang hindi maganda noon. Mabubuhay siya ng maayos katulad ng ginagawa ng ibang mga bata. Hindi na din siya mag iisa, sana lang ay maalagaan siya ng maayos kasama ang pamilya niya.

"Kumain kayo ng marami para mabilis kayong lumaki," nakangiti kong sabi habang inaabot ang mga pagkain sa mga bata.

"Thank you po Ate Val!" masayang sabi ng batang lalake.

Mahaba ang pila ng mga bata at masaya nilang tinatanggap ang mga pasalubong kong pagkain na inorder ko lang sa Fast food.

"Ikaw, dapat damihan mo ang kain mo kasi mukhang pagod ka sa pagpi paint kanina."

PROFESSION SERIES 4: Paint Your Eyes with LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon