"Woah you seem to be getting more and more beautiful Valeria!" maligayang sambit ni Maren habang papalapit siya sakin.
Nakipag beso ako sa kaniya at iginayak niya ako sa table kung saan nakaupo ang iba pa niyang kaibigan.
"Hi i'm Valeria," pakilala ko sa kanila.
"Ako si Andrea, tama si Maren mas maganda ka nga sa personal," sambit ng morenang babae.
They smiled at me as if they had known me for a long time. Si Maren ay matalik kong kaibigan na galing ng states, kakauwi lang niya kaya naisipan ko siyang ayain sa lugar na ito. Hindi ito ang first time ko na makapunta sa Bar pero ngayon lang talaga ako nag kusa na mag punta dito. Madalas kasi ay napipilit lang ako ng mga kaibigan ko.
"Alam mo Val nag tataka parin ako kung anong naisipan mo at nag aya ka sakin dito. Actually May meeting ako ngayon pero hindi talaga kita matiis!"
Ininom ko ang Tequila na nasa baso ko at tinungga. Napailing na lang ako at mariin na napapikit ng maalala ko ang sadya ko sa mausok at maingay na lugar na ito.
"I need to get a boyfriend, I need to get married and have children as soon as possible Maren."
Halos maibuga ni Maren ang iniinom niya at nag tinginan naman samin ang mga kaibigan niya.
"Nasisiraan kana ba? Sabi ko naman sayo wag ka mag papakapagod sa buhay ayan tuloy di kana nakakisip ng matino-"
"Seryoso ako Maren, Grandma is getting old and that's all she wants from me. Hindi ko na alam ang gagawin ko pakiramdam ko may kung ano akong gustong gawin at hanapin at sa tingin ko baka yun na nga yun."
Muli kong tinungga ang tequila at nag pasalin pa sa baso ko. Nakapako lang ang tingin sakin ng tatlong kaibigan ni Maren na tila nag hihintay pa ng sundo na sasabihin ko.
"Hindi madali ang gusto ng Grandma mo Beh. Lalo na kung mamadaliin mo, Mahirap makahanap ng matinong lalake ngayon na puwede mong asawahin agad-agad Ano ka ba!" singhal ni Maren sakin.
Napabuntong hininga ako at inilibot ang tingin ko sa paligid and they are all happily dancing and going along with the loud music. Samantalang ako heto at problemado sa buhay ko. Sometimes I just get asked why it seems like all the sadness in the world is thrown at me. Kahit anong hanap ang gawin ko hindi ko masumpungan yung saya na gusto kong maramdaman mula pa noon.
"Maren bakit hindi na lang nating tulungan si Val diba?" sabat ni Andrea na katabi ni Maren.
Bumaling ako sa kaniya at ngumiti siya sakin." Pumunta ka sa Dance floor ngayon at makipag sayaw ka. Malay mo may makilala ka doon," aniya.
"That's not a good idea Andrea, baka mabastos lang si Val doon." si Maren.
Hindi ko pinakinggan ang pagtatalo nila at kaagad na akong tumayo, may konting hilo na akong nararamdaman pero matino pa naman ako mag isip. I have to enjoy this night because this is the last time I will do this at kapag wala parin akong nagustuhang lalake, Fuck! mag mamadre na lang ako!
Nakisiksik ako sa mga nag sasayaw at sinabayan ko ng galaw ang maingay na tugtog, para akong nalalasing sa makulay na ilaw at sa ingay ng paligid. Ngunit para akong nakahinga ng maluwag ng biglang mabawasan ang mga tao sa paligid ko.
Oh fuck! I don't have any infectious diseases bakit bigla silang nag si-alis?
Napamura ako ng mahina at tumigil ako sa pagsasayaw ng maramdaman ko ang presensya sa likod ko. Napalingon ako at nanliit ang mga mata ko ng bumaling ako sa kaniya. Nag iigting ang panga niya at matalim ang tingin sakin. Napaawang ang labi ko ng humakbang siya palapit sakin.
BINABASA MO ANG
PROFESSION SERIES 4: Paint Your Eyes with Lies
DragosteValeria Anastasia Monteverde is a Famous Artist, ang kalungkutan at kakulangan niya sa kaniyang buhay ay ibinabahagi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga Obra. Ang buhay ni Val ay nababalot ng Takot, Dumadanas siya ng matinding Trauma dahil sa isang...