~♥️~
Kalungkutan at Takot. Ito ang tanging kasama ko sa Umaga at Gabi, Sa pag gising at sa panaginip ko, Sa pagmulat at sa pagpikit ng mata ko.
Simula bata ako ay nabalot na ng kalungkutan at takot ang buhay ko. Hindi naging madali dahil wala akong ibang dapat asahan kundi ang sarili ko. Wala na akong magulang dahil maaga nila akong iniwang mag isa sa mundong ito. Gustuhin ko man na humingi ng tulong sa iba upang mabago ang buhay ko ay hindi ko magawa. Takot na akong mag tiwala, takot na akong dumepende sa isang tao na iiwan lang din ako sa huli.
"Dad Help me!" bulong ko sa sarili ko kahit alam ko na hindi niya maririnig.
Mabilis akong tumakbo at hindi ko ininda ang mga sugat sa paa ko. Kailangan kong makalayo, hindi pwedeng mangyari ito sakin.
"Val bumalik ka dito!"
Mas lalo kong binilisan ang pagtakbo ko nang marinig ko ang sigaw ni Abel. Tanging Bra at Pantalon na lamang ang tumatakip sa katawan ko habang Patuloy sa pag agos ang luha ko dahil sa sobrang takot sa mga nangyari. Mahapdi na din ang balat ko dahil sa mga gasgas na natamo ko dahil sa pagnanais kong makatakas pero hindi ko na yun ininda pa, walang-wala ang mga ito sa sakit na dinanas ko sa ilang taon kong buhay.
Nang makalayo ako ay agad akong naupo at sumandal sa napakalaking puno upang magtago. Niyakap ko ang katawan ko at pilit kong pinipigilan ang pag hikbi.
Oh God, why is this happening to me?
Isang araw pa lamang akong nandito sa lugar na ito pero parang taon na ang nag daan. Ni minsan Hindi ko naisip na magagawa ito sakin ng Matalik kong kaibigan, I can't believe that he tried to rape me! Paano na lang kung hindi ako nakatakas? Paano kung natuloy nga ang plano niya? I know that he has been in love with me for a long time but I didn't think it would come to this. Hindi na siya normal at alam ko na kapag nanlaban ako ay magagawa niya din akong patayin.
Naramdaman ko ang hapdi ng sugat ko sa katawan at agad kong tinakpan ang bibig ko upang walang makarinig ng pag iyak ko. Tanging paghampas ng alon ang nadidinig ko at ang mga bulong na gumugulo sa isip ko. Pinakiramdaman ko ang paligid ko at Mukhang wala na nga sa si Abel. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinagpahinga ang pagod at masakit kong katawan.
Sana pag gising ko ay maayos na ang lahat, sana pag gising ko makauwi na ako kay Grandma at sana pag gising ko ay wala ng masamang tao sa paligid ko, Sa buhay ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/334263764-288-k126363.jpg)
BINABASA MO ANG
PROFESSION SERIES 4: Paint Your Eyes with Lies
RomanceValeria Anastasia Monteverde is a Famous Artist, ang kalungkutan at kakulangan niya sa kaniyang buhay ay ibinabahagi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga Obra. Ang buhay ni Val ay nababalot ng Takot, Dumadanas siya ng matinding Trauma dahil sa isang...