"Val why did you call me? Nandito ako sa bar wait lalabas lang ako. Damn! the music is too loud," pasigaw na sabi ni Maren.
Saglit akong sumimsim ng Coffee ko habang nakatapat parin sa Tenga ko ang phone.
"Bakit napatawag ka?"
Tahimik na ang paligid at mukhang nasa labas na nga siya ng bar. Halata din sa boses niya na medyo lasing na siya.
"I need your help Maren."
"Anong tulong? Uutang ka?"
Napairap ako at muli kong timitigan ang kuwintas na hawak ko."Uutang? Mukha ba akong walang pera?"
She laughed softly."Tingin ko lasing na talaga ako para pautangin ang isang Monteverde!"
"Seryoso ako Maren Kailangan ko talaga ng tulong mo."
"Eh ano ba kasi yun?"
"May isesend akong details sayo mamaya. Gusto ko sanang hanapin mo si Alley para makuhaan ng Sample-"
"Sample para saan? Kilala mo naman bakit di mo nalang hanapin?" paputol niya sa sinasabi ko.
"Sample para sa DNA test. Hindi pa ako ready na makita siya ulit kaya kung pwede sana ikaw na lang ang gumawa."
Saglit na tumahimik sa kabilang linya. Napairap ako dahil satingin ko wala sa katinuan ang kausap ko ngayon.
"Si Alley ba yung bata sa ampunan na minsan mong naikuwento?"
"Yes, siya nga."
"Okay, I got it! Bukas din i-iinform kita kapag nakuha ko na."
"Salamat Maren Ingat ka sa Diyan."
Narinig ko ang mga sigawan at mukhang nagmadali siyang bumalik sa loob. Kaagad kong pinatay ang phone ko.
"Bakit kailangan mo mag pa DNA test?"
Agad akong napabaling kay Grandma na mukhang kanina pa nasa likod ko. Kaagad akong tumayo at lumapit sa kaniya.
Sa totoo lang ayoko na sana siyang komprontahin tungkol dito sa kuwintas na ibinigay sakin ni Alley. Gusto ko na lang sanang alamin ito ng hindi sila tinatanong dahil ayokong mag sinungaling pa sila sakin. Gusto kong malaman ang lahat at mapatunayan kung tama ba ang hinala ko.
"Valeria nasa labas na ang Daddy mo," sabi ng Classmate ko.
Agad akong lumabas ng Room at sinalubong si Daddy na nag hihintay sakin sa Labas. Kumaway ako sa kaniya at agad naman siyang lumapit sakin para kunin ang bag ko.
"Akala ko Yung driver ang magsusundo sakin," nakangiti kong sabi.
"Maagang natapos ang Meeting ko kaya dumiretso na ako sa prinsesa ko."
Napangiti ako at agad na kumapit sa kamay niya.
"May nang bubully ba sayo dito anak? O baka naman may umaaligid sayong lalake?" seryoso niyang tanong.
"Wala po Dad. Mababait po ang mga Classmate ko sakin. At wala din pong nagkaka crush sakin," natatawa kong sabi.
"Dapat lang maging mabait sila sayo Anak Isa kang Monteverde at anak kita. Kaya kung prinsesa ang turing ko sayo dapat ganun din sila."
BINABASA MO ANG
PROFESSION SERIES 4: Paint Your Eyes with Lies
RomanceValeria Anastasia Monteverde is a Famous Artist, ang kalungkutan at kakulangan niya sa kaniyang buhay ay ibinabahagi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga Obra. Ang buhay ni Val ay nababalot ng Takot, Dumadanas siya ng matinding Trauma dahil sa isang...