~♡~
"Hades!" i shouted his name as I looked around the house.
"Saan ba nag punta yun?"
Napabuntong hininga ako at agad dumiretso sa dining area. Mayroon ng mga pagkain na nakahain sa mesa Mukhang nagluto muna siya bago siya umalis. Pero sana nagsabi manlang siya na maaga siyang lalabas ng bahay.
Naupo ako at tahimik na kumain. Nakakabingi ang sobrang katahimikan ng bahay kapag wala siya. Walang away, Walang sigawan at Wala din pasulpot- sulpot sakin. Minsan naiisip ko kung bakit ba ako na nananatili pa dito kahit Wala din naman kaming kasiguraduhan ng lalakeng yun.
"Where is Hades?"
Agad akong napabaling sa babaeng nakatayo sa pintuan. Nakakunot ang noo niya at matalim ang tingin sakin.
"Ewan," simple kong sagot at agad na tinuon ang tingin ko sa pagkain ko.
"Ikaw ang kasama pero wala kang alam? Ang mabuti pa siguro umalis kana dito. Go back to where you came from and get away from Hades!" singhal niya at agad naman akong napatayo sa kinauupuan ko.
I faced her and looked at her indifferently."At sino ka naman para sabihin sakin yan? Hades told me to stay here but If you want, you can Convince him to let me go. Kung kaya mo."
Nag igting ang panga niya at nanliit ang mga mata sakin. Alam ko na gusto na niya akong sampalin dahil sa galit niya. Hindi ko alam kung sino ang babaeng ito sa buhay ni Hades, but this girl wouldn't be like this if she didn't have love for hades.
Lumapit siya sakin at bakas ang ngisi sa labi niya."Paano mo nasasabi yan? Wag kang mag matapang sakin dahil hindi mo pa kilala si Hades.We have been together for a long time and he will not trade me for a woman who is no different from the women he had one night stands with."
Naikuyom ko ang kamay ko at gusto ko na itong idampi sa pagmumukha niya. Kung ganon pala may alam siya kung paano kami nagtagpo ni Hades? Kaya pala kung makatingin siya sakin ay parang ako na ang pinakamaduming babae na nakita niya.
"Kung pumunta ka lang dito para insultuhin ako, mabuti pa umalis kana bago pa kita mapatulan," sambit ko at agad ko siyang tinalikuran.
Lalagpasan ko na sana siya ng bigla niya akong hawakan sa braso ko para pigilan.
"Ano ba ang problema mo?" singhal ko sa kaniya.
"Problema ko? Well, i don't need to tell you. Hihintayin ko na lang na kusang tumambad sa pagmumukha mo yung katotohanan and when that happens I will make sure that you will regret coming into our lives. Valeria."
Bumitaw siya sa pagkakahawak niya sakin at pinagpagan ang kamay niya. "Goodluck!" bulong pa niya at ngumisi.
Hindi na ako nakaimik pa hanggang sa tuluyan na nga siyang naglakad palabas. Gusto ko siyang habulin at alamin ang dahilan kung bakit niya yun sinabi. Bakit parang ang dami kong dapat malaman? Bakit parang ang daming tinatago sakin ni Hades?
Dahil sa mga sinabi ng bruha na yun ay maghapon akong tulala. Hindi ko maiwasan ang mapaisip at dahil dun hindi ko na namalayan pa ang oras.
Natapos na lang akong maglinis ng bahay at bakuran pero hindi pa din dumarating si Hades. Malamang meron pang ibang babae na pinupuntahan yun bukod kay Reese.
Dahil sa pagkainip ko ay binuksan ko na lang ang T.V at pinilit libangin ang sarili ko sa mga Movie na hindi ko din naman maintindihan. Pakiramdam ko buhay ako pero patay ang isip ko. Nababalot ng katanungan ang isip ko at dahil dun nakakaramdam ako ng takot kay Hades. I wonder what is the reason for Hades sheltering me here in his house. I wanna know why he is stopping me from leaving. Alam ko na hindi niya ako Mahal, At Dahil yun ang paulit-ulit niyang sinasabi. Tumatak yun sa isip ko at malinaw na sakin na sa aming dalawa ako lang ang nagmamaha.
BINABASA MO ANG
PROFESSION SERIES 4: Paint Your Eyes with Lies
RomanceValeria Anastasia Monteverde is a Famous Artist, ang kalungkutan at kakulangan niya sa kaniyang buhay ay ibinabahagi niya sa pamamagitan ng kaniyang mga Obra. Ang buhay ni Val ay nababalot ng Takot, Dumadanas siya ng matinding Trauma dahil sa isang...