"Evaaaaan!" Mabilis na napabangon si Evan sa kaniyang kama dahil sa malakas na sigaw ng kaniyang Papa.
"Papa?" Mabilis siyang tumayo at tumakbo papunta sa kaniyang banyo para maligo at magbihis. Nang matapos na siya, lumabas siya ng malaking banyo niya kung saan naroon na rin ang kaniyang damitan.
Nakasampay ang dilaw na tuwalya sa kaniyang batok. Kalmado na siya dahil nakaligo na siya, pero bigla siyang nagulat nang makita ang kaniyang Papa na nasa loob ng kaniyang kwarto at may dismayadong mukha dahil sa nakitang hubad na babae sa kaniyang kama na tulog pa rin.
Napapikit nalang si Evan at bahagyang kinagat ang kaniyang ibabang labi. Nakalimutan niya na may kasama siyang babae kagabi. Kinakabahan siya dahil siguradong magagalit nanaman sa kanya ang kaniyang Papa na si Leon.
"Linisin mo 'yang kalat mo, Evan," sabi ng kaniyang Papa ngunit sa galit na tono. Nakakatakot siya nitong tiningnan. Tapos ay naglakad na palabas ng kaniyang kwarto. Napabuga ng hangin si Evan dahil sa sobrang stress na naramdaman niya.
"Shit, shit!" Kandamura si Evan at tarantang pinagdadampot ang damit ng babae.
"Hey, hey! Gising na!" Pabulong niyang sinabihan ang babae na inalog niya sa balikat. Nagising naman ang babae ngunit nginitian lang siya nito.
"Bakit? Isa pa ba, Evan?" malanding pang-akit ang boses ng babae habang dahan-dahan nitong pinulupot ang mga kamay niya sa batok ni Evan.
"Wala nang isa, umuwi ka na, Miss. Salamat na lang," malamig niyang sabi at malakas na tinanggal ang mga kamay ng babae sa kaniyang batok.
Tumayo na siya at initsiye niya muna sa labahan ang tuwalya bago nagmadaling lumabas ng kaniyang kwarto.
"Papa," tawag ni Evan habang ilang hagdan nalang ang kaniyang bababaan. Malamig siyang tiningnan nito. Napakamot naman siya sa batok habang papunta sa tabi ng Papa niya at agad na naupo doon. "Bakit ang aga niyo naman pong pumunta dito sa bahay?" Mahinahon niyang itinanong rito.
"Ano ba ang pinaggagawa mo, Evan? Malapit kanang ikasal, paano mo nagagawang magpapalit-palit ng babae araw-araw?! Kaya nakalimutan mo na ngayung araw ang sama-sama nating almusal kasama ang pamilya ng fiancee mo, diba?" Nanglilisik ang mga mata ng kaniyang Papa sakaniya at umambang sasampalin siya nito kaya agad siyang napayuko.
"Pasensiya na po, Papa." Ang tangin kaniyang nasabi kasama ang pagpipigil na labanan ang ama.
"Tsk. Tsk...siya, tayo na at kanina pa naghihitay sila Nimfa sa restaurant." Anito saka iniwan siyang nakatungo.
Nag convoy sila at nauuna ang sasakyan ng kaniyang Papa. Habang nagmamaneho si Evan, pumasok sa isip niya ang babaeng mapapangasawa niya. Nangalit ang ngipin niya nang maisip na hindi siya magiging masaya kasama ang babaeng-nikaunti wala siyang pagtingin rito.
Hindi niya alam kung paano siya makakatakas sa malupit niyang ama, dahil kahit malaki na siya, patuloy parin siyang hinahawakan nito sa leeg at ginagawang aso na sunod-sunuran sa lahat ng iutos sakaniya. Pati ang personal niyang buhay inari narin ng Papa niya kasama ang kaligayahan niya. Kaya siya bumukod ng tirahan para malayang makagalaw, 'yon pala magiging limitado parin ito.
Inisip niyang habang buhay nanga talaga siyang makululong sa palad ng ama niya. Naninikip sa galit ang dibdib ni Evan sa mga naiisip niya. Mahigpit siyang kumapit sa manobela ng kotse niya at namumula ang mga mata sa galit niya sa kaniyang ama.
"Good morning, sir."
Mabilis sinalubong si Evan ng lalaking valet para kuhanin ang kotse niya dahil ito sa parking lot.
Panay ang buntong hininga niya habang inaayos ang suot, saka siya napililitang naglakad papunta sa tabi ng Papa niya, bago sila sabay pumasok sa loob ng isang malaki at sikat na restaurant sa bansa.
"Good morning po!" Panay naman ang bati sakanila ng mga nakakasalubong nilang staff ng restaurant. Kilala na sila dito at suki na, kaya VIP sila rito.
Pasimpleng kinindatan ni Evan ang tatlong staff na babae nang bumati ito sakanila. Halos manghina at mangisay sa kilig ang mga babae sa ginawa ng binata. Ngunit hindi niya alam na nakita iyon ng kaniyang Papa.
"Ahm!" Pakeng tumikhim ang Papa niya kaya bumalik ang seryosong ekspresyon sa mukha ni Evan.
"Umayos ka, Evan. Kung ayaw mong pulutin ka sa damuhan," banta ng kaniyang ama sa mahinang boses.
"Sorry po," mahinang sagot niya at nagtagis ang kaniyang mga bagang.
"Kamusta ka naman, iho?" Magiliw na tanong sa kaniya ng kaniyang magiging pangalawang ama. Kaharap ng Papa niya ang ama ng fiancee niya. Kaharap naman ng Mama niya ang ina nito at siya naman ang babaeng pakakasalan niya na pinilit lang ipakasal sakaniya.
Tumikhim muna si Evan saka niya sinagot ang may katandaang lalaki. "I'm fine, sir. Sana kayo rin." Casual lang ang sagot niya dito. Sumubo siya ng hiniwa niyang baka, hindi pansin ang mga matang nakatitig sa kaniya lalo na ang kaniyang Papa na hindi nagustuhan ang pagsagot sa magiging balae nito.
"Hmm... mabuti kung ganun." May ngiti pa rin sa labi nito. "Balae, siguro kailangan na natin madaliin ang petsa ng kanilang kasal. Masyado na tayong matandang dalawa, baka hindi ko na maabutan ang mga magiging apo ko." Dagdag nitong sabi sa Papa niya. Agad niyang tiningnan ang apat na taong tumatawa sa tuwa dahil sa sinabi ni Mr. Collin.
Biglang nagbago ang mukha ni Evan at umayos siya ng pag-upo. Pasimpleng hinipan niya ang tinidor, umaasang mapipigilan siya nitong hindi magwala rito ngayon.
Madilim niyang tiningnan ang kaharap niyang babae na kinakabahan sa tingin niya. Panay ang galaw ng bangang ni Evan. Naiilang naman ang dalaga sa kanya kaya yumuko na lang ito. Napangiti si Evan ng sarcastic at namumula sa galit ang mga mata, hinanap sa paningin ang waiter kung saan puwede siyang makahingi ng wine.
Nakita niya ang isang babaeng nakatayo sa gilid, katabi ng pintuan, at sininyasan ni Evan na lumapit.
Nagmamadali naman ang dalaga na lumapit sa kanya, dala ang nakahandang wine para sa kanilang lahat. Dapat sana ito'y ihahain pagkatapos nilang kumain, ngunit ang galit sa kalooban ni Evan ay nanunuot kaya't nais niyang basain ang lalamunan ng alak. Baka sakaling mapawi ang galit niya.
Sinalinan ng babae ang baso ni Evan. Nakatitig si Evan sa hawak niyang wine glass na walang kurap, at nagiging mainipin na dahil sa tagal ng pagsasalin ng babae.
Puputok ang dibdib niya dahil sa galit, kaya hindi na niya pansin ang mga taong kasama nila. Bigla niyang hinablot ang wine at nabuhusan siya ng wine nang babae sa kanyang harapan.
"What the h*ll!" Napatid na ang pasensiya ni Evan at sa walang kamalay-malay na babaeng waitress niya'y ibinuhos ang galit. "What are you? St*pid!" Sigaw niya nang tumayo siya mula sa pagkakaupo.
Lahat ay nagulat, nagulat dahil nabuhusan si Evan ng wine at lalo pang nagulat sa pagsigaw nito.
"I'm sorry po, sir. Sorry po, hindi ko po sinasadya..." natataranta ang babae at hindi alam ang gagawin. Kinuha niya ang table napkin ni Evan at agad na lumuhod sa harapam nang lalaki upang punasan ang basa sa pants nito. Ngunit hindi lang sa pants, kundi natapunan niya mismo sa pagitan ng dalawang hita ito.
"Stop." Nagpipigil sa inis na utos ni Evan, ngunit hindi nakinig ang dalaga at patuloy pa rin sa pagpunas na animo'y hindi alam ang ginagawa. "Stop, stop!" Sigaw niya muli at mahigpit na hinawakan ang braso ng babaeng nakaluhod sa harapan niya. Nagtatagis ang ngipin, nag-iigting ang mga panga, at mabigat ang paghinga ni Evan. Galit na galit, tiningnan niya ang babae.
"Sorry po, sir. Sorry po talaga," naiiyak na sabi ng babae. Tinitigan ni Evan ang kabuohan ng mukha ng dalaga. Sisigawan pa sana niya ito nang makita ang pagpikit ng babae na animo'y handang tanggapin ang galit niya. Ngunit ang nagpaurong sa kaniyang dila ay ang mga luhang tumulo sa mata ng babae at ang naramdaman niya ang panginginig ng katawan nito.
Bigla nahabag si Evan at agad na natauhan. Hawak pa rin niya ang kamay ng dalaga ngunit hindi na mahigpit. Napapikit siya sandali para pahupain ang galit, at nang buksan niya ang mga mata, dalawang mapupungay na mga mata ang sumalubong sa kanya. Mga mata na puno ng luha. Ngunit ang nagpahiwaga sa kanya sa babae ay ang kakaibang titig nito sa kanya na sa buong buhay niya, ngayon lang niya ito nakita at naramdaman.
Ito na kaya ang simula ng pagbabago sa buhay niya? O lalo pang magiging magulo ang buhay niya?
___whonwhon🐰___
03-29-23
BINABASA MO ANG
Trials Of The Heart ( On-Going )
Romantik"Sa mundo kung saan ang karangyaan at kapangyarihan ay kinahahangalan, sumusubok na mabuhay si Mia, isang simpleng babae na may malalim na pangarap. Ang kanyang buhay ay magbabago nang makilala niya sina Evan at Stan, ang dalawang binatang magpipins...