CHAPTER 9

2 1 0
                                    

Third person POV

"E-Evan?" Gulat na sinabi ng tao sa labas ng elevator.

Agad na itinulak ni Mia si Evan palayo sa kanya. Pareho silang tumingin sa pintuan ng elevator, at doon nila nakita si Nimfa. Malaki ang mga mata nito at naguguluhan sa nakita. Patuloy itong naglilipat ng tingin sa kanilang dalawa ni Evan.

"A-anong nangyayari?" Guluhang tanong ni Nimfa sa kanila.

Biglang naramdaman ni Mia ang lamig na tumakbo sa kanyang katawan at napayuko siya dahil sa kakaibang tingin ni Nimfa.

Alam ni Mia na ito ang mapapangasawa ni Evan.

"Anong ginagawa mo rito, Nimfa?" Tanong ni Evan sa malamig na boses.

"Nandito ako para bisitahin si Stan kasi nakauwi na daw ito. A-at ikaw? Ano ang ginagawa niyo?" Tanong ni Nimfa sa kanila.

"It's none of your business," sagot ni Evan nang may pagkamataray, habang sulyap-sulyap kay Mia upang ipahiwatig na aalis na siya. "Let's go, Nimfa. Wala pa diyan si Stan, you can stay for a while sa office ko." Nainis si Evan dahil hindi gumalaw si Mia at hindi man lang siya tiningnan.

"Okay, but wait," sabi ni Nimfa, habang naglakad papunta sa harapan ni Mia. Mahigpit na hawak ni Mia sa kanyang kamay dahil inakala niya na baka sampalin siya at husgahan. "Miss, puwede mo ba kaming dalhan ng kape sa office ni Evan?" Inabot sa kanya ang isang libo. "Coffee for three, then sayo na ang sukli, thanks." Utos lang pala sa kanya.

"S-Sige po, Ma'am," kabado pa rin si Mia. Maayos na kukunin ni Mia ang pera, ngunit biglang binitiwan ito ni Nimfa. Agad na tiningnan ni Mia si Nimfa na parang plastik na nagkukunwaring guilty.

"Oops, sorry, dumulas lang," sabi nito nang may pagkaarte, saka ito tumalikod at tuluyang umalis.

Nanghihina, kinuha ni Mia ang pera na nasa sahig, napabuntong hininga siya at nag-aalala para kay Evan at sa kanyang sarili. Sana hindi siya pag-initan ni Nimfa ngayon.

Bitbit ang tatlong kape, naglakad na siya papunta sa opisina ni Evan.

Hindi niya napigilan na maramdaman ang kaba, pero pinilit niyang maging kalmado lamang.

"Saan ka, Miss?" agad na tumayo ang sekretarya ni Evan.

Pinakita ni Mia ang dala-dalang kape, "pinabili ako ng kape," sagot niya. Tumayo rin si Jean at pinayagan siyang pumasok.

-dahan na binuksan ni Mia ang pinto habang papasok sa loob. Habang naglalakad, narinig niya ang boses ni Stan na nagpapaliwanag.

"Naalala mo, Nimfa, nung mga bata pa tayo, sipunin ka," natatawang pag-alala ni Stan tungkol sa kanilang kabataan.

"Eew!" nandidiri namang sagot ni Nimfa.

Naglakad siya papunta sa kanilang tatlo. Nakita siya ni Evan kaya mabilis itong tumayo para kunin ang kape mula kay Mia. "Ako na nito, umalis ka na," mahinang sabi ni Evan. Susunod sana siya sa sinabi ng lalaki nang maisip ang sukli ni Nimfa.

"Ma'am, 'yong sukli niyo po," magalang na inabot ni Mia ang pera sa harapan ni Nimfa. Ngunit sa halip na tanggapin ito, natawa pa ng sarcastic si Nimfa.

"Diba, sabi ko keep the change," ani ni Nimfa.

Umiling si Mia, "hindi na po—"

"Oh, Mia," masayang sabat naman ni Stan. Sandali niyang tiningnan si Stan at bahagyang ngumiti sa lalaki. Naniningkit naman ang mga mata ni Nimfa habang tinitingnan ang masayang ngiti ni Stan kay Mia. "Kunin mo na 'yan, hindi talaga tumatanggap ng sukli si Nimfa— by the way, Nimf, this is Mia, my assistant and part of the team department," pakilala ni Stan kay Mia.

Trials Of The Heart ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon