DAHAN-dahang binuksan ni Evan ang pintuan ng kotse sa tabi ni Mia, na tulog na tulog dahil sa sobrang kalasingan.
Nakatagilid si Mia, ang ulo'y nakasandal sa upuan. Natigilan si Evan sa pagtanggal ng seatbelt ni Mia, dahil tinitigan muna niya ang mukha ng dalaga.
Napansin ni Evan na kahit natutulog na ang babae, bakas pa rin sa mukha nito ang pagod at lungkot.
Kumilos ng kaunti si Mia, kaya naman natabunan ng iilang hibla nang kanyang buhok sa mukha.
Napahinga ng malalim si Evan at marahan at puno ng ingat na inalis ang mga buhok na nakaharang sa mukha ni Mia. Nahahabag at nalulungkot ang puso ni Evan sa mga pinagdaanan ni Mia sa buhay.
Pinagmasdan pa ni Evan ang makinis na mukha ni Mia, sunod naman ang maliit at matangos na ilong nito. Napalunok siya nang tumingin sa mapulang labi ni Mia. Napahinga siya ng malalim at nagbunton ng hininga.
Tumalikod siya kay Mia at maingat na kinuha ang kamay ng dalaga saka ito isinandal sa kanyang mga balikat. Marahan niyang inilapat ang ulo ni Mia sa kanyang balikat. Kinuha ni Evan ang mga paa ng babae, at nang maayos na ang lahat, dahan-dahan siyang tumayo."Oof... ang bigat..." wika ni Evan, nagulat sa bigat ng babaeng pasan sa kanyang likod.
Matapos niyang maisara ang pintuan ng kotse, naglakad na siya papunta sa bahay ni Mia. Hindi na niya ginising ang babae para hindi maistorbo o mabitin ang tulog nito. Isa pa, baka hindi na rin nito kayanin ang maglakad.
Nakailang katok na si Evan at wala pa ring nagbubukas ng pintuan para sa kanila.
Akmang kakatok sana ulit si Evan nang marinig niya ang isang tikhim mula sa kanilang likuran.
Nagulat si Evan kaya agad niyang nilingon ang pinanggalingan ng tunog. Doon, hindi na kalayuan, kakarating lang pala ni Mavez galing sa trabaho nito.
Nang makilala siya ni Mavez, nagulat at nataranta agad ito, at mabilis na naglakad upang buksan ang pintuan ng kanilang bahay.Puno ng pagkahiya si Mavez dahil kailangan pa talagang pasanin ng boss nito ang kanyang best friend dahil sa kalasingan.
Kaya kahit walang kamalay-malay si Mia, pinagagalitan pa rin siya ni Mavez habang pasan pa ni Evan at kasalukuyan na silang nasa loob ng bahay.
"Naku naman, Mia! Inom-inom ka, hindi mo naman pala kaya!" Bulyaw ni Mavez sa kaibigang lasing.
Binuksan naman ni Mavez ang pintuan ng kwarto para doon ipahiga si Mia.
Panay ang palo ni Mavez sa puwet ni Mia dahil sa pinaghalong hiya kay Evan at inis sa kaibigan.
"Kainis ka talaga! Bakit ka nag-inom ng sobra, bruha ka!" Patuloy pa rin sa pagagalit si Mavez kay Mia."Saan ko siya ilalapag?" tanong kaagad ni Evan.
Nagmadali si Mavez na ayusin ang kanilang maliit na kama. "Dito na lang po," sabi niya, at tinuro ang kama. "Pasensya ka na talaga, sir," dagdag ni Mavez na may hiya sa boses.
Maingat at dahan-dahan na inilapag ni Evan ang katawan ni Mia sa kama. Pareho silang huminga nang maluwag nang maipatong na si Mia.
Tumayo na si Evan at nagpaalam kay Mavez. "I'll go."
Mabilis na tumayo si Mavez at hinabol si Evan papunta sa labas ng kwarto. "Do you want to drink, sir?" sabi ni Mavez sa Ingles, bilang pasasalamat sa paghatid kay Mia.
Ngunit hindi na pinansin ni Evan at tuloy-tuloy lang siya sa paglalakad hanggang makarating sa labas ng bahay. Nakatingin lang si Mavez sa kanya, kaya napahinto si Evan at humarap kay Mavez, na nagulat sa kanyang paghinto.
"Magmamaneho pa ako kaya next time na lang tayo mag-inuman. Mauna na ako," sabi ni Evan, at agad na umalis matapos sabihin iyon.Tanging ngiti na lang ang naging tugon ni Mavez. Nang maisara na niya ang pintuan, agad siyang pumasok sa kanilang kwarto.
Naasar niya na lumapit sa natutulog na si Mia. Inayos niya ang kumot nito at sa galit, pinalo muli niya ang hita ni Mia.
Nakatagilid si Mia, at napansin ni Mavez ang dahan-dahang dumadalos-os na luha sa isa nitong mata. Natigilan si Mavez, at ang naiinis niyang mukha ay napalitan ng lungkot at pagkaawa para sa kanyang kaibigan.
Pinunasan niya ang luha at humiga sa tabi ni Mia, upang yakapin ito at marahan na tinapik ang balikat ni Mia, upang matulog ito nang mahimbing. Gusto niya iparamdam kay Mia na hindi niya ito iiwan tulad ng mga magulang nito.
BINABASA MO ANG
Trials Of The Heart ( On-Going )
Romance"Sa mundo kung saan ang karangyaan at kapangyarihan ay kinahahangalan, sumusubok na mabuhay si Mia, isang simpleng babae na may malalim na pangarap. Ang kanyang buhay ay magbabago nang makilala niya sina Evan at Stan, ang dalawang binatang magpipins...