CHAPTER 11

4 0 0
                                    

"N-NIMFA." Tawag sa kanya ng kanyang ina.

Huminga ng malalim si Nimfa, binalewala ang kanyang ina. Tumayo si Nimfa mula sa pagkakaupo niya, at may kababaang-loob na humingi ng tawad sa kanyang mommy at sa mga magulang ni Evan.

"Forgive me." Mabilis na kinuha ni Nimfa ang kanyang bag at agad na umalis.

Nagmadali naman ang kanyang ina na tumayo. "How can she? Please forgive me." Nagmamadaling humingi ng paumanhin ang kanyang ina at agad na sinundan si Nimfa. "Anong nangyari, Nimfa?" Sigaw pa ng ginang habang hinahabol ang anak.

Naiwan na tulala si Evan, at hindi naman makapaniwala ang kanyang Papa at Mama.

"What's wrong with you? Why did she say that?" Nagpipigil sa galit ang kanyang Papa.

"Calm down." Ani naman ng asawa nito.

"In fact, it must be because of a small problem." Dagdag pa ng Papa niya.

Tiningnan si Evan ng kanyang Mama.
"What happened, Evan?" Mahinahong tanong sa kanya.

Walang maisagot si Evan kundi ang makailang ulit na pagkurap, parang ngayon lang siya natauhan sa pangyayari.

"Are you going to remain silent?!" Sigaw ng Papa niya.

Halos mapatalon si Evan sa kanyang upuan sa lakas ng sigaw ng kanyang Papa. Pero nanatiling nakatingin siya sa ibaba.

Mabilis na dinaluhan ni Mrs. Estevez ang kanyang asawa upang ipagtanggol ang kanilang anak. "Honey, don't be angry, listen to him talk, he must have a reason." Sabay tingin kay Evan. "Ano ba ang nangyari kay Nimfa, anak?"

Napalunok si Evan. "She wants it." Pinilit ni Evan na maging kalmado.

"But why?" Tanong muli ng Mama niya.

Tiningnan ni Evan ang kanyang ina, "I don't think we know each other well, Ma."

"Then?" Sabat naman ng Papa niya.

Hindi makatingin si Evan sa mata ng kanyang Papa dahil natatakot siya. Hindi agad nakasagot si Evan, kaya galit na tumayo ang kanyang Papa para sugurin siya. Natumba ang inupuan nito, ngunit agad na hinawakan ng Mama niya ang braso ng Papa niya, kaya huminto ito sa paglapit kay Evan.

Ngunit ang inakala nilang tapos na ang galit ng ama, nagulat sila nang buhatin ng Papa niya ang natumbang upuan para ihambalos kay Evan.

Mabilis na nagtago si Evan sa ilalim ng mesa. Mabuti na lang hindi tuluyang naipalo kay Evan dahil mangiyak-ngiyak ang Mama niya na pinigilan ang kanyang asawa.

"Leonard, calm down!" sigaw ng Mama niya, pinapakalma ang kanyang asawa.

Binitiwan na ni Mr. Estevez ang mabigat na upuan at dinuro si Evan na ngayon ay katatayo lang.

"You go and quickly improve your relationship with her, b*stard!" Malakas na sigaw sakaniya na may kasamang pagbanta.

Lumabas na ang Papa niya at sumunod ang Mama niya. Naiwan si Evan na mag-isa sa loob. Napaupo siya sa upuan dahil sa nakakabiglang pangyayari.

Tahimik na naglalakad si Mia habang bitbit ang makapal na mga bandpaper. Habang nasa hallway, malayo pa lang hindi niya inaasahan na makita si Evan. Hinanda ni Mia ang sarili para batiin ito kapag huminto. Ngunit nagtaka siya nang daanan lang siya nito na parang hindi siya nito nakita o napansin.

"Sir Evan!" Siya mismo ang tumawag rito. Agad naman napatingin si Evan at hinanap ang taong tumawag sa kanya. Humarap siya sa may likuran niya at doon nakita niya si Mia.

Ngumiti si Mia kay Evan. Hindi naman inaasahan ni Evan na nginitian siya ng dalaga at ito pa mismo ang papansin sakaniya.

"Mia," lumapit agad si Evan kay Mia, may ngiti na rin sa kanyang mukha. Malayo na kanina na puno siya ng kaseryosohan at may dalang mabigat na problema. Pero naglaho agad 'yon ng makita ni Evan ang masayang ngiti ni Mia sa kanya.

Trials Of The Heart ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon