NAGLALAKAD sa kalsada patungo sa bahay niya si Mia. Bagong sahod siya, kaya dumaan siya kanina sa palengke para bumili ng bigas at ulam nila. Nag-grocery na rin siya para may stock sila ni Mavez at pag ang kaibigan niya naman ang sumasahod ito naman ang gagastos. Palitan sila sa pagbili ng pagkain at mga stock nila sa bahay. Hati rin sa mga bayarin para hindi sila magtalo.
Dala ni Mia ang 15 kilos na bigas at iba pang mga gamit. Bigat na bigat siya pero wala siyang mahingian ng tulong kaya no choice siya kundi magtiis. Naasar kasi siya sa tricycle na kaniyang sinakyan, sa malayo pa siya binababa dahil hindi na daw kaya ipasok ang tricycle malapit doon kila Mia.
Hirap na hirap siya nang biglang may umagaw sa hawak niyang bigas. Napasigaw si Mia sa gulat at napatingin sa taong kumuha nito.
Gulat na gulat si Mia ng makita niya na si Stan ito. Nakangiti sakaniya.
"Stan!" Sabi ni Mia.
Natawa naman lalo ang binata dahil gulat na gulat si Mia. Kinuha niya rin ang iba sa kabilang kamay ni Mia. Walang nagawa si Mia dahil sa sobrang ngalay at sakit ng kaniyang kamay ay napabitaw na lang siya.
"Bakit mo kinuha lahat." Nahihiyang ngiti ni Mia.
Nakangiti lang si Stan at naunang naglakad sakaniya. Tuwang-tuwa naman sumunod si Mia.
"Napadaan ka yata?" Pagtatanong ni Mia habang sabay na silang naglalakad.
"Namiss lang kita." Sagot ni Stan, natigilan sandali doon si Mia pero tinago niya ito upang hindi maging awkward sa kanilang dalawa. Ngumiti na lang si Mia."Hindi na nagtanong pa si Mia at hindi naman nagsasalita si Stan. Hanggang sa makarating na sila sa labas ng bahay nila Mia.
Kinuha na ni Mia ang mga dala ni Stan ng nasa tapat na sila ng pintuan ni Mia.
"Maraming salamat, Stan." Pagpapasalamat niya rito. Tumango lang si Stan at walang naging imik kundi ang tumitig lang sa mukha ni Mia. "Gusto mo bang pumasok sa loob? Kaya lang..."
"Hindi na, salamat pero okay na ako. Kinumperma ko lang." Sabi ni Stan.
Nahiwagaan si Mia sa sinabi ng binata at gusto niya sanang itanong kung ano ang kinumperma nito, pero nanatili nalang siyang tahimik.
Matagal silang hindi nagkaimikan at nanatili lang nakatayo. Nakakaramdam na ng awkward si Mia kay Stan dahil sa mga tinginan nito sakaniya.
"Pa-pasok na ako." Paalam ni Mia.
Bigla naman nahimasmasan si Stan. "Gusto mo bang uminom?"
Nagulat si Mia sa alok ni Stan, pero ngumiti naman siya rito. "Sige ba, sama na'rin natin si Mavez nasa loob lang siya e."
Tumango si Stan at hiyom na ngumiti. "Hintayin ko nalang kayo dito salabas."
Biglang na puno ng excitment si Mia nang pumasok siya sa loob ng bahay.
"Mavez!" Mahinang tawag niya rito matapos niyang mailapag ang mga dala.
Nagulat ang kaibigan niya sakaniya. "Bakit?"
Lumapit si Mia sa harap ng kaibigan niya. "Magbihis kana kasi niyaya tayo ng isa sa boss ko mag-inom." Excited na sabi ni Mia.
Kumunot pa ang noo ni Mavez, "sinong boss mo?"
"Si Stan." Tumayo na si Mia at naghanap ng damit sa aparador niya. "Kaya magbihis kana diyan nakakahiya naman sakaniya, nandon sa labas naghihintay."
Biglang nataranta si Mavez, lumabas ito upang silipin si Stan. Nang makita ang nakapamulsang binata habang nakatalikod sa pintuan nila ay nagmadali si Mavez pumasok sa kwarto nila.
"Bakit mo siya pinaghintay sa labas? Dapat pinapasok mo." Nagtataranta naghahanap si Mavez ng damit niya naman.
"Hayaan muna siya doon, anak mayaman 'yon mamaya hindi niya magustohan ang loob ng bahay natin." Sagot ni Mia at nagmadaling pumasok sa banyo.
BINABASA MO ANG
Trials Of The Heart ( On-Going )
Любовные романы"Sa mundo kung saan ang karangyaan at kapangyarihan ay kinahahangalan, sumusubok na mabuhay si Mia, isang simpleng babae na may malalim na pangarap. Ang kanyang buhay ay magbabago nang makilala niya sina Evan at Stan, ang dalawang binatang magpipins...