MIA POV
Hindi ako makagalaw sa aking kinauupuan dahil sa pagkagulat nang makita ko si Mama muli.
Masaya ang buong pagkatao ko sa pagbabalik ni Mama dito sa Pilipinas. Ngunit, nagtataka ako dahil napakalaki ng pagbabago sa kanyang hitsura ngayon. Iba na siya kumpara sa Mama na kilala ko noon.
Tiningnan ko nang malalim ang kabuuang anyo ni Mama. Napuno ang kanyang katawan ng mga nakasabit na gintong alahas. Kung susumahin, ang halaga ng mga ito ay sapat na upang bilhin ang tatlong malalaking bahay at lupa.
Maayos na rin ang kanyang makeup ngayon, hindi tulad noon na ang kanyang iisang pula lipstick ay ginagamit niya sa buong mukha. Ngayon, tila may sariling personal na makeup artist siya.Magara at mamahalin ang suot niyang damit, ganun 'rin ang hand bag na kulay brown.
Sasobrang pagkatulala ay hindi ko namalayan nakaupo na silang dalawa at ganun 'rin si Stan. Hinawan ng mahina ni Stan ang kamay ko upang ibalik ang kamalayan ko na kanina ay nawawala dahil sa mga pangyayaring hindi ko akalain.
"Are you okay?" Mahinang tanong ni Stan, siya narin ang naglagay ng isang maliit na tela sa aking hita.
Nahihirapan akong lumunok at tumango nalang kay Stan bilang sagot. Ilang sandali lang binalik ko nanaman ang aking mga mata kay Mama na siyang aking kaharap sa mesa.
Hindi niya ako tinitingnan at 'yon ang hinihintay ko, kasi pansin ko parang wala siyang pakialam sakin. O, dahil hindi niya pa ako nakikita? Pero imposible 'e, batid kong sinulyapan niya ako kanina.
"So, Son. Sino itong magandang dilag na kasama mo?" Umpisang tanong ng ama ni Stan.
Dumako ang mata ko sa isang may kaedaran ng lalake na siyang katabi ni Mama. Mukha siyang mabait dahil maaliwalas ang mukha nito kahit na makikita na sa mukha nito ang bakas ng katandaan niya.
Tumingin siya sakin matapos niyang sumubo ng pagkain. Ang aking mga mata ay nagpapabalik-balik sakanilang dalawa ni Mama.
"Dad, this is Mia. My assistant and friend." Pakilala sakin ni Stan, nagulat pa ako ng haplosin ni Stan ang braso ko. Tumikhim akong tumingin sakaniya, saka tiningnan ang Dad niya at magalang na bumati.
"Hello po, nice to meet you, Sir." Magalang kong bati. Nakita ko ang pag-inom ni Mama ng tubig at doon nagtagpo ang aming mga mata dahil sa patago niyang pagtingin sakin, ngunit nahuli ko siya!
Ngumiti ako sakaniya, pero agad niyang iniwas ang tingin niya sakin. Bumalik siya sa pagkabusy sa pagkain. Kumirot ang puso ko dahil parang nagbago na siya. Parang hindi niya na ako nakikilala? Alam kong matagal nang nawalan ng pakialam ang Mama ko sakin, pero matagal siyang nawala at matagal kaming hindi nagkita hindi ko manlang nakikita sakaniya ang pananabik niya sakin. Samantala ako, sabik na sabik siyang mayakap...kahit saglit lang.
Alam kong may pamilya na siyang bago, at nakakagulat talaga ito na ang tatay pa ni Stan ang napangasawa pala niya! Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko. Pati kilos ko ngayun hindi ko alam kung paano aayon.
Satingin ko kasi mukhang hindi sinabi ni Mama sa bago niyang asawa na may iniwan siyang anak, kaya ganito siya umakto ngayun. Kunyaring hindi ako kilala. Kinahihiya niyang may anak siya?
"Mia? Ang ganda ng pangalan bagay na bagay sa ganda mo, hija." Papuri sakin ng Dad ni Stan. Nilingon nito ang katabi at sinundan ko ng tingin ang dalawa nilang kamay ni Mama na magkahawak. Malaking ngumiti si Mama sa lalake at nagkiss sila ng mabilis lang sa'ka din sila naglayo. Agad akong napaiwas ng tingin upang hindi mailang. "Mia, ito nga pala ang bago kung asawa. Honey,"
"Hi, ako si Maria." Nakalahad ang kamay niya para makipagshakehand kaya masaya akong ngumiti para hawakan 'yon, ngunit hindi pa naidadapo ang kamay ko sakaniya ay agad niya nang binaba ito.
BINABASA MO ANG
Trials Of The Heart ( On-Going )
Romance"Sa mundo kung saan ang karangyaan at kapangyarihan ay kinahahangalan, sumusubok na mabuhay si Mia, isang simpleng babae na may malalim na pangarap. Ang kanyang buhay ay magbabago nang makilala niya sina Evan at Stan, ang dalawang binatang magpipins...