CHAPTER 13

5 0 0
                                    


NAKAPATONG ang noo ni Evan sa kanyang mesa sa opisina dahil sumasakit ang kanyang ulo sa mga nalaman niya. Lalo pang gumulo ang lahat.

Narinig ni Evan na parang may pumasok sa kanyang opisina, kaya inaantok at tinatamad niyang tiningnan.

Nang makita niyang si Stan pala ito, nagbago ang kanyang reaksyon. Ngumiti siya rito ngunit hindi siya nagawang ngitian pabalik ni Stan.

Umayos na lamang sa pagkakaupo si Evan at tiningnan ng maayos si Stan na animoy wala siyang malalim na iniisip kanina.

Nakasuksok sa kanyang dalawang bulsa ang mga kamay ni Stan habang madilim ang tingin kay Evan sa harapan niya.

"Nagawa mo pang ngumiti dito?" sarcastic na tanong ni Stan.

Nawala ang dahan-dahan ang ngiti sa labi ni Evan at tinitigan mabuti si Stan. "Why do you ask it?" nakataas ang kilay na balik-tanong ni Evan.

Nagtagis ang ngipin ni Stan at pinagsingkit ang mga mata na nakatingin kay Evan. Ang dalawang magpinsan na close na close dati ay unti-unti nang nasisira ngayon at parang nagiging mortal na kalaban nila ang isa't isa.

"The whole family is annoyed because of you and you can still smile like that."

Pumikit sandali si Evan at huminga ng malalim. "This is better than frowning all day. At saka, bakit concerned ka sa akin o kay Nimfa?"

Biglang napakurap ng ilang beses si Stan at napatikhim ng marahan dahil sa tanong ni Evan.

Nagtagis ang ngipin ni Stan at pinagsingkit ang matang nakatingin kay Evan. Ang dalawang magpinsan na dati'y malapit sa isa't isa ay unti-unti nang nagiging magkaaway ngayon.

"The whole family is annoyed because of you and you can still smile like that."

Pumikit sandali si Evan at huminga ng malalim. "This is better than frowning all day. At saka, bakit concerned ka sa akin o kay Nimfa?"

Biglang napakurap ng ilang beses si Stan at napatikhim ng marahan dahil sa tanong ni Evan.

Naglakad ng dalawang hakbang si Stan palapit pa sa mesa ni Evan. "I heard that Nimfa is not healthy, Evan."

Biglang napaisip si Evan at tumingin saglit sa gilid saka muling tumingin kay Stan.

"See, hindi mo alam. Now, quickly go to her and apologize, how can you let a woman face rejection like that!" Medyo tumaas ang boses ni Stan dahil sa gigil.

Tumayo si Evan at naglakad papunta sa harapan na ni Stan. Ngumiti si Evan rito at pinagpagan niya ang Amerikanang suot ni Stan. "You just do it yourself, Insan," sabi ni Evan saka niya ito iniwanan mag-isa sa loob ng kanyang opisina at wala nang nagawa si Stan.

Gabi na at nagmamaneho si Evan pauwi na sa kanyang bahay. Lumiko na siya upang iparada na ang kanyang sasakyan sa tapat ng building kung saan siya nakatira ngayon.

Natigilan siya sa pagtanggal ng seatbelt dahil sa pagtunog ng kanyang cellphone.

Naiinis niyang kinuha ito at tiningnan kung sino ang tumatawag. Ngunit hindi nakasave ang number sa kanyang contact list.

Kumunot ang noo ni Evan at nagdalawang isip na sagutin ang tawag. "Hello." Napahawak sa kanyang noo si Evan dahil sa pagod niya sa trabaho.

Nakalipas na ang ilang minuto hindi pa rin nagsasalita ang tumawag sa kanya. Umiinit na ang ulo ni Evan kaya balak niya na sanang ibaba ang tawag, ngunit nagsalita na ang taong nasa kabilang linya.

[ Hello, si Mia po ito,] sabi ng babae sa kabilang linya.

Biglang natigilan si Evan at napaisip at bigla siyang kinabahan. Ngunit kalaunan ay napangiti siya.

Trials Of The Heart ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon