CHAPTER 6

2 1 0
                                    

Third person POV

NAKAPASOK na si Mia sa loob ng building dala ang pilit na ayusin ang pakiramdam.

Papunta siya sa harapan ng elevetor para sumakay papunta sa 5th floor kung saan ang Markiting department. Doon siya nakaasign at personal assistant 'rin siya ni Stan.

Habang naghihintay ay nagulat  siya nang may bigla nalang umakbay sakaniya. Napatingin siya sa taong 'yon.

"Good morning, Miss." Casual na bati sakaniya ni Stan. Napangiti naman na si Mia at bahagyang namula ang pisngi.

"Good morning, Stan." Sagot niya 'rin pagbati. Nagkatinginan silang dalawa at parehong natawa. Kapag sila ang magkasama pakiramdam ni Mia pinagagaan palagi ni Stan ang pakiramdam niya. Kasi palaging nakangiti ang binata.

"Bakit namumugto parin 'yang mata mo?" Nakatingin si Stan sa number ng elevetor. "Diba, ang sabi ko dapat fresh kang papasok ngayung umaga." 

Napalunok si Mia upang pigilan ang sarili na hindi mangilid ang luha dahil naalala muli ang ina. "Wala ito." Pagsisinungalin niya, pero ang binata ay hindi naniniwala sakaniya.

Tiningnan siya sa mga mata ni Stan. "Kala ko ba magkaibigan na tayo? Bakit nahihiya ka parin sabihin ang mga secrets mo?" Aniya pa, para kunbensihin si Mia.

Napakagat ng ibabang labi niya si Mia at kaunting nakunsensiya. Mabuting tao si Stan at maayos ang pakikitungo sakaniya ng lalake, kaya dapat hindi siya mailang rito. "Kasi—"

"Stan?" Tawag naman kay Stan ng taong kakarating lang at nasa gilid nanga nila ito.

Sabay na tumingin doon sila Mia at Stan, agad naman nanglaki ang mga mata ni Mia at pilit na lumalayo kay Stan habang tinatanggal ang ang kamay nitong nakapatong sa balikat niya. Pero hindi 'yon pinayagan ni Stan.

Ngumiti si Stan sa mga kasama ng Daddy niya, naroon sila Evan na nakatingin kay Mia, kasama 'rin ng Daddy ni Stan ang Papa ni Evan.

Hindi nakagalaw si Mia ng makita ang mga boss ng kumpaniya. Lalong hindi siya nakakilos nang dumako ang kaniyang mga mata kay Evan na nakapamulsa habang malalim ang titig sakaniya.

Iba 'rin ang tinginan sakaniya ng dalawang matandang lalaki, at kasalukuyang naglakad ang Daddy ni Stan papunta sa harapan nilang dalawa. Bago pa ito nagsalita ay saglit  pa siyang tiningnan.

"Who is she?" Mabait na tanong ng Daddy ni Stan sa anak.

Nilingon ni Stan si Mia at hiyom na ngumiti sa ama. "Siya si Mia Rose Gas— siya ang bago kung assistant, Dad." Magiliw na pakilala ni Stan kay Mia.

Ngumiti ang matandang lalaki kay Mia at kalaunan tumango ito. "Siya, nice to meet you, hija." Naglahad ng kamay ang Daddy ni Stan kay Mia. Natataranta naman si Mia na hinawakan 'yon upang magbigay respeto. Lalong napangiti ang matandang lalaki sa kinilos niya. "Don't pressure, hija. Alagaan mo mabuti ang anak ko." Sabay tingin nito kay Stan na naging smirk ang ngiti sa labi.

Hindi 'yon binigyan ng malesiya ni Mia ang sinabi ng matanda, kaya tumango nalang ito. Para siyang naging pipi dahil sa kaba ng dibdib niya na sa unang araw niya palang rito ay nakita niya agad at nakilala ang isa sa mga boss niya at kasama ang mga matataas sa kumpaniyang ito.

Tinapik naman ng ama ni Stan ang balikat niya, "Pagtapos mo siyang ihatid, magmadali kang pumunta sa board meeting room, may mahalagang pag-uusapan doon at kailangan naroon ka, Hijo." Sabi kay Stan.

Tumango si Stan bilang sagot. "Sunod nalang ako doon—"

"No. Sumabay kana saamin ngayun sa pagpunta, Stan." Rumadagobdob ang boses na sabat naman ni Evan.

Trials Of The Heart ( On-Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon