Susi ng Hinaharap
ANG KAWAY SA KAYAMANAN"ANG tatlong magkakapatid ang humalili sa buong Palacio Siklo sa loob ng hindi mabilang-bilang na siglo. Si Liwayway, ang pangalawa sa kanila, ang namahala noon sa mga humihinga. Ginagabayan niya ang mga nabubuhay sa araw-araw ngunit wala na siyang magagawa sa panahong sumapit na ang kamatayan ng mga ito. Kaya niyang pagalingin ang hindi pa nakatakdang mamayapa, kaya niya ring pasukin at maranasang mamuhay bilang ibang tao. Ang panganay na si Bituin ay para naman sa mga namayapa. Lahat ng uri, mapa-tao o hayop sa kahit saang lupalop at gaano kadistansya man ang mundong pinanggalingan ng mga ito ay patuloy pa rin nilang binabantayan hanggang sa huling paghinga ng mga ito. Katuwang pa nila ang bunsong si Siklab na ang kadamay ay ang mga kaluluwa sa tinatawag nilang kabilang buhay. Bilang lang ang mga espiritung nakakatuloy dito, ang mga natitira ay nananatiling nasa mga kamay ni Bituin." dire-diretsong paglalahad ni Hiraya, ang hintuturo ay sinusundan ang bawat linya ng pahina.
Ngayon ang marka ng pang-apat na gabi nilang pagpunta rito. Sa paglipas ng mga araw, lalong nabubuksan ang mga mata nina Hiraya at Tick-Tick sa lahat ng aspekto ng Palacio Siklo. Habang si Mang Dato ay walang ni isang ideya o paghihinala sa patagong gawain ng dilag.
Mahulugang siyang nag-isip. Noong nakaraan lang ay tila ba'y nagmamaneho siya sa batuhan, ngunit unti-unting tinuturuan niya ang sarili na pakinis ang daang tinatahak.
"Tick, si Liwayway. Siya ang makakatulong sa atin. Dapat siya ang hinahanap natin. Papasukin natin ito,"
Sinulyapan niya ang nakakandadong tarangkahan. Maging ang loob nito ay hindi kita, napapaligiran lang ito ng mga maaliwalas na ulap na sapat na para hindi sila magbibit ng lampara sa bawat pagpunta nila rito.
"Tapos?"
"Tulad ng sabi sa libro, may kapangyarihan siyang mamuhay bilang ibang tao, 'di ba?"
"Nako, 'wag mong sabihin na aalamin mo 'yun."
Ningisian niya ang nasorpresang orasan. "Hindi lang natin aalamin, gagawin pa."
TULOG sa umaga, gising na gising sa gabi Ito na ang nakagisnan nina Hiraya at Tick-Tick sa loob ng limang araw o baka higit isang linggo na rin. Nitong kailan lang ay pinayagan siya ng matanda na libutin ang kastilyo nang mag-isa, huwag lang daw magkakalikot ng mga kasangkapan at mahahalagang bagay.
Indikasyon na ito na kahit papaano ay nabubuo na ang tiwala ng nakapustiso sa kaniya. Mali yata ang narinig niya, sapagkat ang kabaliktaran ang kaniyang ginagawa ngayon subalit may kamalayan na si Hiraya. Sinusuway niya si Mang Dato, pero may papatunguhan naman ito. Sinisguro ko.
"Parang hindi na nakikita, iha."
"Matulugin lang po talaga ako, kahit doon din po sa amin." Hindi ito totoo. Ang pagtulog ay lagging huli sa mga nais niya. Palaging gusto ni Hiraya ay may pinagkakaabalahan.
Labag man sa kalooban niya na magsinungaling, ito lang ang alam niyang paraan upang hindi mabuking. Sinasarili niya lang muna ang pinaplano, mahirap na kapag siya ay pagbawalan o ang mas nakadidismaya pa ay pigilan nito.
"Wala namang problema diyan, basta tandan mo lang ang mga paalala ko."
"Opo, imposibleng makalimutan ko!" Sinaluduhan niya pa ito bago muling umakyat, pabalik sa kuwebang halos tinitirahan na ni Hiraya, ang palapag na may simboryo kung saan naghihintay na si Tick-Tick.
Kung wala lang dito si Mang Dato, siguro'y pinagsamantalahan na niya ang kakayahang mapunta roon sa isang pikit. Napagtanto rin ni Hiraya na imbes na magsayang ng panahon kakaisip kung papaano at saan niya nakuha ang teleportasyon ay kaniyang gagamitin na lang ito para sa ikabubuti ng sarili.
BINABASA MO ANG
Susi ng Hinaharap | ✓
FantasyMabigat at masakit ang naging biglaang ikot ng buhay ni Ariba Hiraya Concepcion Realonda. Balot na balot ng takot para sa kinabukasan niya ang isa sa kanyang mga naramdaman nang maglaho ang bukod tanging taong tinitingala niya sa mundong ibabaw sa...