Chapter 16.1 : The REVELATION

282 11 1
                                    

"Everything's set as planned. All I have to do is wait till Carlie Samantha Gilbert Winchester draw the first call." 

Paulit-ulit na napapanaginipan ni Cydee ang paghingi ng tulong ni Cornelia. Tila umiiyak na ito sa kawalang pag-asa na makalabas mula sa pagkakakulong sa sariling katawan. Nagising si Cydee ng hahawakan na niya ang kamay ni Cornelia sa panaginip ay bigla itong nilamon ng itim na usok at nawala.

"Cornelia!" bulalas niya. "Ano ba ang ibig sabihin nun? Dapat akong mag-imbestiga dahil hindi na rin pangkaraniwan ang kinikilos ni Cornelia sa mga nagdaang araw." bumangon na siya at lumabas ng kwarto. Pagkalabas niya ay walang katao-tao sa living room. Tila walang tao sa loob ng mansion. Kahit mga ingay na gawa ng mga batang naglalaro ay wala rin. Napa-isip siya kung saan napunta ang mga taong nakatira kasama niya. Sa tapat niya ay may biglang shadow na nagpakita, kahit hindi niya makita ang mukha nito ay alam niyang nakatitig ito sa kanya. Pinaikutan siya ng mga maiitim na usok katulad ng laging humaharang sa bawat divination niya. Handa na itong lamunin siya anumang oras.

"Cydee! Cydee!" naramdaman na lamang niya na niyuyugyog siya. Ibinuka niya ang mga mata at nakita ang nag-aalalang si Charlemagne na panay ang tawag sa pangalan niya.

"Charle—"

"Buti naman at gising ka na. Kinabahan ako sayo akala ko kung napano ka na."

"Akala ko gising na ako, panaginip pa rin pala ito. Paano ka pala nakapasok sa kwarto ko?"

"Tungkol jan--" ininguso ni Charlemagne ang wasak na pintuan sa silid ni Cydee.

"Waaaa! bakit mo naman winasak?"

"Kase— basta nag-alala ako sayo."

"Nag-aalala ka? Hmmm bago yan sa pandinig ko ah." nakangiti si Cydee na ubod ng tamis.

"Ano ba iniisip mo't nakangiti kang ganyan? Huwag kang mag-assume ng kung anu-ano nakakasakit yan." pagkasabi ay umalis na si Charlemagne.

"Wag daw mag-assume kita naman sa kinikilos niya. Hahaha."

"Ano sabi mo?" nakadungaw pa pala si Charle sa labas ng silid nito.

"Ah wala, wala akong sinabi ay meron pala. Ang gwapo mo Charlemagne." halatang nagustuhan ni Charle ang narinig at nakangisi na itong umalis.

Inalala muli ni Cydee ang sitwasyon ni Cornelia. Pilit niyang kinokonekta ang lahat at sa isang konklusyon lang ito napunta. Ang shadow na akala nilang nagliligtas sa kanila ay siya palang may pakana ng lahat. Pero ano ang gusto nitong mangyari? Yan ang hindi niya pa alam. Sa ngayon ay sisimulan na niyang hanapin ulit si Cyrus, alam niyang nasa loob lang ito ng mansion. Pero sa tuwing dadaan siya sa tapat ng kwarto ni Cornelia malakas ang kutob niyang nasa loob si Cyrus. Sa nakalipas na mga araw ay sina Nigel at Cornelia na ang laging magkasama. Si Carlie naman ay mas pinili pang umalis ng mansion kesa makita yung dalawang nagkakatuwaan. Pero sa hindi malamang rason ay hindi siya nakaka-alis ng mansion kahit gustuhin man niya. Wala rin siyang event na pupuntahan dahil puro cancelled ang mga ito. Kahit pa magkulong siya sa kwarto ay hindi niya kayang hindi tignan si Nigel. Unti-unting namuo sa puso niya ang matinding selos at galit na dala nito. Pinipilit niyang magtimpi dahil alam niyang hindi pa natatanggap ni Cornelia ang pagkawala ni Vladimar.

"Carlie." tawag sa kanya ni Nigel.

"Hmm?" tinalikuran niya ito.

"Carlie mag-usap tayo. Ilang araw mo na akong iniiwasan, paki-usap ayusin natin to." hawak ni Nigel sa braso nito.

"Anong pag-uusapan natin?"

"Carlie please, alam kong nagagalit ka pero namimiss na kita."

Gods and Goddesses Reborn Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon