Chapter 10.1 : Clash between Gods

356 13 2
                                    

"Carlie!" sigaw ni Chayanne mula sa himpapawid sakay-sakay sa likuran ni Kugure.

"Hayaan mo nalang muna si Carlie sa pinagtataguan niya, ang dapat nating intindihin ay kung paano natin makakausap ang lalakeng nag-uutos sa mga taong narito."

"Tama ka Kugure, pero di ko maaninag ang mukha ng nagkokontrol sa kanila."

"Susubukan kong lumapit sa kanila." agad binabaan ni Kugure ang paglipad para matunton ang kinatatayuan ng kumokontrol sa mga taong nakapaligid sa kanila. Si Carlie naman ay palipat-lipat ng pinagtataguan, may ilang mga taga-roon ang sumusunod sa kanya dala-dala ang mga kasangkapang pwede gawing armas. Dahil hindi gumagana ang majika sa loob ng teritoryo ni Charlemagne ay wala na silang komunikasyon sa grupo nina Cyrus.

"Huwag niyo ng tangkain pang tumakas, wala na kayong matatakbuhan. Lahat ng nasa paligid niyo ay akin lamang." sigaw ni Charlemagne sa di kalayuan.

Gustuhin mang sumagot ni Carlie pero hindi niya ito ginawa dahil baka makita siya ng mga sumusunod sa kanya. Ang nasa isip lang niya ng mga oras na iyon ay ang malusutan ang kasalukuyang sitwasyon ng hindi nakikipaglaban para maipagpatuloy na ang paghahanap nila sa Aconitum Vulparia. Sa tulong nga mga ibong nagpapasa ng mensahe niya papunta kay Chayanne ay naipaparating niya dito kinaroroonan niya.

"Lumabas na lang kayo, wala na kayong magagawa pa kaya sumuko nalang kayo. Kung gusto niyong maglaro sige pagbibigyan ko kayo." sumenyas si Charlemagne sa mga mandirigmang nasa unahan niya na magdahan-dahan sa paglapit sa kinaroroonan ni Carlie habang ang isang grupong itinalaga niya sa air defense ay inilabas ang lahat ng mga catapult na bago nilang gawa, nakahilera na ang mga archers at handa na itong tumira sa utos ni Charlemagne.

"Nasaan kaya yung isa? Hmmm.. Ano yung lumilipad na yun? Isang tigreng may pakpak? Ang gandang gawing collection niyan. Hahaha." dinadaan niya sa salita si Carlie para ma-provoke niya itong lumabas.

"Archers ready! Fire at will." utos ni Charlemagne sa mga archers nito. Sa paglipad ni Kugure pataas ay nakakita na ang mga archers ng visibility mula sa baba sa pagpagaspas nito ng pakpak. Pinaulanan sina Chayanne ng pana at pilit iniwasan ang bawat isa. Sisiguraduhin niyang hindi matatamaan ang sakay niya sa likuran at para hindi rin sila bumagsak. Matagumpay na naiwasan ni Kugure ang mga panang ipinaulan sa kanila.

"Seryoso ang lalakeng to na patamaan tayo." anas ni Kugure.

"Magtago na tayo hindi natin kayang iwasan palagi ang mga panang yan, lalaon matatamaan tayo ng isa sa mga yan." nanginginig ang boses na saad ni Chayanne. Mula sa pinagtataguan ni Carlie ay nag-aalala siya sa kalagayan nina Chayanne at Kugure, sa isip niya dapat harapin na lamang nila ito dahil wala naman itong planong makipag-usap.

"Kung may magagawa lang sana ako." sa isip niya. Humanap si Carlie ng mas tagong lugar na pwede niyang pagtaguan ang hindi niya alam ay nasa likuran na pala niya ang mga maliliksing mandirigma na inutsan ni Charlemagne. Patakbo na sana siya ng mapansin niyang may kumaluskos sa likuran niya, pagtingin niya ay saktong iwinasiwas ng mandirigmang lalake ang kanyang espada, dumapa si Carlie ay gumulong papunta sa bato at sabay pulot dito at ipinukpok sa ulo nito. Tumakbo siya palayo at nagsimula na silang maghabulan. Nasa likuran niya pa rin ang walo pang humahabol sa kanya. Sa mga mata nito ay nakikita niya na wala ito sa mga sarili nila. Para silang puppet na sumusunod sa utos. Nagka-ideya na si Carlie sa kapangyarihan ng lalakeng nag-uutos sa mga ito. Kaya nitong kontrolin ang isang tao sa isang utos lang nito. Sa pagtakbo ni Carlie palayo ay may naririnig siyang dumadagundong palapit sa kanya. Limang malalaking tigre ang sumulpot at deretsong inatake ang sumusunod sa kanya. Imbes na matuwa sa tulong ay tumigil siya sa pagtakbo at sumigaw ng malakas.

Gods and Goddesses Reborn Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon