Chapter 18 : Charlemagne VS Cryptic

381 9 1
                                    

Pagkatapos ng labanan sa pagitan nina Castiel at Christopher, hindi makatulog ang bawat isa sa kanila sa pag-aalala sa mga susunod na lalaban. Lalo na sa si Charlemagne na alam niyang napapalapit na si Charlene kay Cryptic. Paano niya magagawang iligtas ang dalawang maiipit sa labanan? Tila tinutukso siya ng pagkakataon at hindi niya maiwasang mag-isip magdamag. Lumabas siya ng kwarto at nag punta sa kusina para uminom ng tubig, nakita niya si Cydee na nasa labas ng mansion at nakatanaw sa mga bituin mag-isa. Naisipan niyang lapitan ito, pero ng malapit na siya sa kinatatayuan ni Cydee ay natigilan siya ng maaalala ang palapit na labanan nila ni Cryptic. Babalik na sana siya sa kwarto niya ng makita siya ni Cydee.

"Charlemagne di ka makatulog?"

"Oo e sino ba naman ang makakatulog sa papalapit na labanan namin ni Cryptic." napabuntong hininga na lamang siya.

"Charle matanong nga kita, inaalala mo ba ang kalagayan ni Charlene?"

"Oo naman, kakambal ko ang may posibilidad na maging pain sa labanan namin. Ayokong masaktan siya ng dahil lang sa walang kwentang labanan na ito."

"Ang hirap di ba? Pag ako ang itakdang lumaban wala naman akong kakayahang makipaglaban sa kung sino man lalo pa't hindi ako marunong makipaglaban."

"Hindi ko hahayaang mangyari yun, hahanap ako ng paraan para matigil ang kahibangang ito. Ayaw kitang masaktan."

"A-ayaw mo akong masaktan?"

"Narinig mo na sinabi ko ayaw ko ng ulitin pa yun."

"Charle, alam mo namang gusto kita di ba? Alam kong nararamdaman mong may gusto ako sayo."

"Cydee ano bang pinagsasabi mo jan?! Hindi ngayon ang oras para sa mga usaping ganyan. Kung maaari lang ay lumayo ka na sakin at itapon mo na kung ano man yang nararamdaman mo." agad tumalikod si Charle pero agad din namang niyakap ni Cydee si Charle na natigilan sa ginawa niya.

"Charle alam kong ginagawa mo lang ito dahil ayaw mo akong masaktan. Pero totoo yung sinabi ko sayo, gusto kita at handa na akong maging pain sa labanan. Ang isipin mo lang ay kung paano mo maliligtas si Charlene." tinanggal ni Charlemagne ang pagkakayakap ni Cydee sa kanya at hinarap ito.

"Hindi kita gusto Cydee, at tigilan mo na ako." mabilis na umalis si Charlemagne at nagtungo sa kwarto niya. Naupo na lamang siya habang nag-iisip sa pwede niyang gawin.

Si Cryptic naman ay mabilis na nakatulog dahil hindi naman niya masyadong iniisip ang magiging labanan. Ang tanging laman ng isip niya ay kung paano ililigtas si Charlene sa pagiging pain nito bago pa ito masaktan. Mabilis na lumipas ang oras at sa pagsikat ng araw ay handa na ang bawat isa na tunghayan ang magiging labanan. Si Charlemagne na hindi nakatulog ay naghahanda na sa mangyayaring labanan sa pagitan nila ni Cryptic. Si Charlene at si Cydee ay hindi mahagilap ng ibang naroroon sa mansion. Doon na sila nagsimulang mangamba sa kung saan sila dinala ng anino. Nagpakita na ang anino at inihayag na ang magiging labanan nila. Naiiba ito sa naunang dalawang laban. Ngayon ay para itong laro na ang premyo ay ang kaligtasan ng isa sa mga pain.

"Everyone there's been a sudden change of plans. Hindi ako naaaliw sa labanang nangyari kaya babaguhin ko ang mga mechanics sa labanang ito. Charlemagne at Cryptic ngayon kayong dalawa ay magtatapatan na kung saan ang dice na ito ang magsisilbing guide niyo. Sa bawat apakang nakikita niyo jan ay may nakatagong patibong at mga buff na pwede niyong gamitin sa larong ito. Ang naturang bilang ng dice ay siyang magiging bilang ng pwede niyong ihakbang, ang unang makatapos ay siyang magwawagi. Nakapaloob din sa bawat apakan ang posibilidad na maparusahan ang mga paing nakakulong sa magkakaibang kulungan. Kung maswerte ka naman ay maaari niyong mailigtas ang pain kahit hindi pa natatapos ang laro." inilabas ng anino ang isang malawak na puzzle board na magsisilbing lugar na paglalaroan nina Charle at Cryptic. Ang bawat isa ay nakapwesto sa kanya-kanyang starting point at sa bandang gitna ay mag-uunahan na silang mag-okupa sa bawat apakang mapupunta sa kanila.

Gods and Goddesses Reborn Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon