Chapter 4 : The Keeper of Light

775 24 1
                                    

Malakas ang ulan na nagsimula pa nung nakaraang araw, magtatatlong araw na ngunit tila walang balak tumigil ang ulan. Ang ilog ay umaapaw na sa kagubatan at ang mga lugar na may mababang spot ay binabaha na.

"Grabe ng ulan, tatlong araw na pero ang lakas lakas pa rin."

"Nakakatamad kumilos, sarap matulog ng matulog." nakapulupot kay Charlemagne ang dalawang dalagang tulog na tulog. Palihim na tumitingin si Cydee sa kinaroroonan ni Charle di niya malaman kung bakit naiinis siya sa mga babaeng dumidikit dito.

"Pakiramdam kong may hindi tama sa ulan na ito."

"May nakita ka ba na patungkol dito?"

"Wala, simula ng umulan parang hinaharang nito ang divination ko."

"Ganoon ba?" tinamaan na ng antok si Charlemagne dahil din sa ulan para siyang nanghihina at laging inaantok.

Sa Fetid Swamp ay nag-aalala na ang mga kasamahang naiwan nila Venz doon pati na sina Carlie at Chayanne. Tatlong araw na pero hindi pa rin tumitigil ang ulan. Hindi pa nakakabalik ang grupo ni Venz na naghahanap sa silver-eyed lion. Ang tangi nilang magagawa ay ipanalangin na ligtas ang mga ito. Katulad ni Charlemagne ay sumama rin ang pakiramdam nina Carlie at Chayanne, parang may unti-unting humihigop sa kanilang lakas. Dahil sa sama ng pakiramdam ay hindi sila lumabas ng kwarto.

Habang umuulan sa lupa ay iba naman ang nangyayari sa kalangitan. Sa maitim na ulap na nagdadala ng malalakas na ulan, sa itaas ng mga ulap na iyon ay may nakatagong city doon na nakatayo sa ibabaw ng isang buong ulap. Tinatawag itong Cloud City na tinitirhan ng mga Elemental Guardians. Sila rin ang may gawa sa pagpapalit ng panahon. Kamakailan lang ay nasira ang balance nito simula ng may bumagsak sa kanila na dalawang nilalang na tila himbing na himbing ang mga ito. Ang Guardian of Light ang naunang nakakita sa dalawa at ito na mismo ang kumopkop sa dalawa. Naging abala ang Guardian of Light sa pagbabantay sa dalawang nilalang na ito at tila natutuwa pa itong pagmasdan ang dalawa na nagbabasa ng libro. Hindi malaman ng ibang Elemental Guardians kung paano nila pakikitunguhan ang Guardian of Light dahil ang buong atensyon nito ay wala na sa tungkulin nito. Tatlong araw na ang nagdaan at hindi pa lumalabas ang Guardian of Light sa teritoryo nito. Ang Cloud City ay nahahati sa anim na na teritoryo, isa sa Lord of Darkness, sa Guardian of Light, Spirit of Wind, Spirit of Water, Spirit of Fire at Spirit of Electro. Nagkikita-kita lang ang mga elemental guardians sa Divine Altar kung saan doon sila nagpupulong-pulong. Sa ngayon may isang pagpupulong ang nagaganap, patungkol ito sa Guardian of Light.

"I can't go any further, if I keep on covering Guardian of Light's responsibility I will end up flooding the whole land. It may cause a massive destruction to the crops and the animals that the humans protected."

"You are right Spirit of Water. But how are we suppose to get near the Guardian of Light when he's to attached to those humans." segunda ng Spirit of Wind.

"Hindi naman pwedeng ako ang pumalit sa Spirit of Water, ano? Papaulanin ko ng apoy? I will only cause destruction to the land and to the humans." sarkastikong saad ng Spirit of Fire.

"Your authority can cross the Guardian of Light's territory Lord of Darkness. I didn't use my element together with Spirit of Water, mas magiging malala lang ang sitwasyon." saad ng Spirit of Electro.

Nagkagulo na ang mga Guardians at tahimik lang na nakikinig ang Lord of Darkness. Nag-iisip ito kung paano niya haharapin ang Guardian of Light.

"I can't hold back my element that long, mas lalo lang lalakas ang ulan kung hindi natin magagawang ibalik ang balanse ng mga elements." nag-aalalang saad ng Spirit of Water.

Gods and Goddesses Reborn Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon