Chapter 6 : Dealing with the Vampires

433 15 6
                                    

Masayang-masaya si Cyrus ng makita ang apat na nasa harapan nito. Pero pinipigil lang din niya ang sariling mabuko sa totoong balak nito. Ang kasama naman niyang babae ay ang kambal niyang si Ciara. Napapaikot ni Caira ang boss ng naturang kastilyong iyon at napag-uutosan niya ito sa mga gusto nito. Sa kanilang pagdating sa lugar na iyon ay si Krypton ang naturang head ng pamilya Demonfire ang nakakita sa kanila. Ipinakulong sila ni Cyrus sa cellar na pinamumugaran na ng mga daga at ipis. Parehong may marka sa mga kamay sina Cyrus at Ciara, ng pinagdikit nila ang mga markang ito ay naglabas ito ng liwanag ngunit kulang ng isang bahagi ang markang ito. Ni isa sa kanila ni Cyrus ay walang kakayahang mag mind control hindi gaya ni Charlemagne. Nababasa ni Cyrus ang isipan ng isang tao at nagsisilbing utak sa kanilang dalawa ni Ciara. Inutusan niyang ipasok sa iisang kwarto ang mga pinadakip niya.

"Krypton dalhin mo silang apat sa iisang kwarto lamang. Tapos gamitin mo itong concealer ng mga kapangyarihan nila." ibinigay ni Cyrus ang isang mystery stone. Hindi man alam ni Krypton ang nagagawa ng batong iyon ay sumusunod pa rin ito sa pinag-uutos sa kanya.

"Neiton, Xycnus dalhin ninyo sila sa pinakamalaking kwarto dito sa palasyo."

"Sige boss." akmang kakargahin na ng dalawa ang apat na himbing na himbing pa rin ng may isang babaeng humawak sa mga kamay nito. Nakalabas ang mga pangil nito at makikita sa mukha niyang hindi siya sang-ayon sa pagsunod ni Krypton kay Cyrus.

"Krypton! bakit mo ba sila sinusunod? Hindi ba dapat ikaw ang masusunod sa palasyong to?"

"Xyrish sino ba ang nagbigay ng permiso para kausapin mo ako ng ganyan." nanlilisik ang mga mata nito na nakatingin sa babae.

"Kailan pa tayo naging alipin ng mga bagong dating na yan!" sabay turo kina Cyrus at Ciara.

Isang malambing na tawa ang binitawan ni Ciara. Bumaba ito at lumapit kay Krypton. Nang makalapit ay agad niyang hinalikan si Krypton sa labi nito. Gumanti naman ng halik si Krypton, mas lalong nanggigil sa galit si Xyrish.

"Hindi naman namin ginustong mag-utos, kaso itong si Krypton masyadong atat sa mga utos ko para sa isang simpleng rason." pilyang saad ni Ciara na nilaro-laro pa ang mga labi ni Krypton.

"Ang sabihin mo nilandi mo lang talaga yang si Krypton!" sinakal ni Xyrish si Ciara pero tinawanan lang siya nito. Hinablot ni Krypton ang kamay nito sa pagkakasakal kay Ciara at itinapon sa pader. Nilapitan niya ito agad at sinakal din.

"Gusto mo ba talaga akong kalabanin Xyrish?!" nakalabas na ang pangil ni Krypton na handa ng mangagat.

Tumayo si Cyrus at ikinumpas ang kamay, gamit ang lupa ay bumuo siya ng isang malaking harang sa pagitan ni Krypton at ni Xyrish.

"Sa harap ko pa talaga kayo nag-aaway!" galit na saad nito.

"Pasensya na po Lord Cyrus." mas lalong nandiri si Xyrish sa narinig. Tumayo ito at lumabas ng kastilyo.

Nilapitan ni Ciara ang galit pa ring si Krypton at hinimas ang mukha nito.

"Hayaan mo nalang muna siya, tama naman siya. Dapat kasi ikaw ang namamahala dito pero ewan ko ba at biglang si Cyrus na ang sinusunod mo." Saad ni Ciara. Niyakap naman siya ni Krypton at tiningnan.

"Magkakambal kayo, at ayaw ko ng makipaglaban sa kanya. Kung hindi mo pa siya pinigilan edi nasunog na ako."

Ang tinutukoy ni Krypton ay yung panahong nagising na sila sa loob ng cellar ng palasyo. Takot na takot si Ciara noon at para mawala ang takot ni Ciara ay kailangan nilang makaalis doon. Nagawang baluktutin ni Cyrus ang bakal na harang at nakalabas nga sila ng cellar. Papalabas na sila sa pasilyo ng palasyo nang abutan sila ni Krypton. Pinaikutan sila ng mga Demonfire at pinilit dakpin at ikulong ulit. Hindi pa alam ni Ciara ang kanyang kakayahan ng mga panahong iyon kaya takot na takot ito. Si Cyrus naman ay gustong mailigtas ang kapatid kaya lumabas ang taglay nitong kapangyarihan. Bago pa man makaatake ang mga ito ay nabasa na niya ang iniisip nito. Sumugod sina Xycnus at Neiton kay Cyrus pero bago pa makalapit ay nakabuo na siya ng kahoy na spear at natusok ang dalawa. Nakita ng kasamahan nila ang nangyari kaya sumugod din ang mga ito. Ikinumpas lang ni Cyrus ang kamay nito at isang bakal na bilog ang bumilanggo sa tatlo nitong kasama. Nagpumiglas ang mga ito at pilit sinira ang bakal ngunit mas lalo lang lumiliit ang bakal na bilog at kinukuryente sila. Si Krypton na lamang ang natirang nakatayo. Sinugod niya si Cyrus habang abala ito sa pagpapahirap sa mga kasamahan niya. Sinunggaban niya ang leeg nito at kinagat. Dahil takam rin sa dugo ay nasiyahan ito sa lasa ng dugo ni Cyrus. Nagawang makawala ni Cyrus sa pagkakakagat sa kanya at bumuo siya ng dalawang parihabang kahoy na inapuyan pa niya. Parang nabaliw si Krypton sa dugong nainom at parang naging hayop na ito. Susugurin na ulit sana niya si Cyrus ng makarinig siya ng isang awitin. Ang bangis na naramdaman niya ay humupa at parang isang lullaby ang kanyang naririnig. Sa awiting iyon ay nanghina siya. Napaluhod siya at pinilit iwinaksi ang isipan sa naririnig nito. Handa ng sunugin ni Cyrus si Krypton pero hinarangan siya ni Ciara. Nilapitan nito si Krypton at inalalayang tumayo.

Gods and Goddesses Reborn Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon