Nagising ang lahat ng maaga para simulan ang paghahanap sa antidote para kay Charice. Nagteam-up na sila ayon sa paghahati sa kanila ni Carlie. Tulad ng napagkasunduan sina Venz ang naiwan para bantayan ang kinaroroonan nila at si Charice kasama si Cornelia. Naghiwalay-hiwalay na ang bawat grupo nang maramdaman ang kakaibang barrier sa kanilang harapan. Ang grupo nina Carlie ay sa kaliwang bahagi maghahanap papunta sa dulo ng Claristun habang ang grupo nina Cyrus ay sa kanang bahagi papunta sa gitna ng Claristun maghahanap. Pag may isang nanganib pwede silang makapag-usap sa tulong ng isang barahang nilagyan ni Cornelia ng spell, bawat isa sa kanila ay may hawak na isang baraha. Doon nila magagawang kausapin ang mga kasama.
Nakarating na ang bawat grupo sa starting point kung saan sila magsisimulang maghanap, ito ay sa dulong bahagi ng barrier na sakop na ng Claristun. Sa unang hakbang nila papasok sa barrier ay agad na silang natunugan ni Charlemagne. Hindi muna ito gumawa ng aksyon dahil alam niyang matatagalan pa bago mahanap ang mismong sentro ng nayong tinutuluyan niya o mas tamang sabihing kinasasakupan niya. Si Cydee naman ay nasa isang sound proof na kwartong ginawan niya rin ng sariling barrier para hindi siya maistorbo sa konsentrasyon niya. Habang nakaupo sa sentro ng kwarto ay bigla niyang nasagap ang presensya ng mga dayuhang nakapasok sa barrier na gawa ni Charlemagne. Dito ay naulit muli ang kanyang nakitang pangyayari na naputol nung biglang umulan.
Sa isang banda ay unti-unti ng nararamdaman ni Caien ang kanyang kapangyarihan ang hindi niya lamang matiyak ay kung bakit hindi na niya nailalabas ang maitim na aurang ipinamalas niya ng ubusin ang lahi ng mga Devoughnaire pwera nalang sa isa na kasa-kasama niya sa parehong dimensyon. Sa mga naiwang kasamahan ay si Venz ang namahala doon, hinati niya ang mga kasama para magronda sa mahigit 500 meters mula sa kinatatayuan ng kanilang hide-out. Nagsisimula na namang umepekto ang lason sa katawan ni Charice, namumutla na ito ng husto at base sa nakikitang takbo ng lason ay hindi na kinaya ng spell ni Cornelia na pigilan itong kumalat.
"Carlie, Cyrus." sambit niya sa mga pangalan habang hawak ang baraha.
"Bakit Cornelia?" sabay na sagot ng dalawa.
"Nagsisimula ng kumalat ang lason ano na ba ang progress sa paghahanap niyo?"
"Wala pa kaming nakikitang kahit anong bulaklak sa lugar na ito." aniya ni Carlie.
"Pareho lang dito wala pa kaming nakikita." sagot naman ni Cyrus.
"Bilisan niyo gagawa rin ako ng paraan para bagalan ang pagkalat nito."
"Cornelia n-nauuhaw a-ako." sabat ni Charice sa pag-uusap nila.
"Good luck sa paghahanap." agad namang kumuha ng tubig si Cornelia para kay Charice. Pagkatapos mapainom ang kasama ay agad binuklat ni Cornelia ang kanyang book of spells. Inaral niya ang bawat spell at hinanap ang eksaktong kailangan para bagalan ang pagkalat ng lason.
"Cornelia kumain ka muna." abot ni Vladimar ng pagkain sa nagbabasang si Cornelia.
"Okay lang mamaya na."
"Kumain ka naman kahit konti para may lakas ka para sa mga spells mo. Kailangan mo rin magpahinga."
"Okay lang talaga. Ilapag mo nalang yan jan kakainin ko nalang pag nagutom ako." sabi niya ng hindi nililingon ang kausap. Umalis nalang si Vladimar dahil hindi niya napilit ito. Laging minomonitor ni Cornelia ang kalagayan ni Charice para ma-update ang mga kasamahan.
Ang grupo nina Carlie ay may nakikitang bulaklak ngunit hindi naman ito pasok sa mga katangiang sinabi ni Charlene.
"Cyrus." sambit niya habang hawak ang baraha.
BINABASA MO ANG
Gods and Goddesses Reborn
FantasyAng kasakiman ng isa ay natatapos din , pero sa pagtatapos nito ay may panibago ring darating. Sa isang sitwasyong hindi nakayanan ni Gaia ay nawalan siya ng kontrol sa kapangyarihan nito. Sa kasamaang palad, lahat ng Gods at Goddesses pati na rin a...