(Bonus Chapter) The Rise of the Underworld King

53 1 2
                                    

Dahil sa pagsanib ni Aphrodite sa katawan ni Cornelia ay unti-unti nitong naluluwagan ang pagkakapit ng Chains of Hell kay Caien.

"Something's not right. That witch could be in trouble." Aniya ni Oxidious ng makitang lumuluwag ang kadenang gamit-gamit niya kay Caien.

Ang punyal na dati ay nasa loob ni Caien ay unti-unti ring dumudungaw palabas ng dibdib nito. Tila nagpapahiwatig ito na kapag nagpatuloy pa ang pagkokontrol ni Aphrodite kay Cornelia ay maaari niya itong mapakawalan.

Hindi batid ni Cornelia ang naka-abang na mangyari pag hindi pa siya nakawala sa kulungang pinaglagyan sa kanya ni Aphrodite. Pero alam na alam naman ni Aphrodite ang maaari niyang idulot. Parte ito ng plano niyang kahit papano ay matulungan ang nag-iisang nitong kapatid. Sa kulungang pinaglagyan niya kay Cornelia ay palihim niyang itong sinasalinan ng kapangyarihan. Sa paggamit niya sa katawan ni Cornelia ay hinaharangan niya ang kontrata sa pagitan nito at sa Grim Reaper. Hindi niya maintindihan ang kapatid sa mga desisyon nito.

"Sobrang bait mo Cornelia, at dahil sa kabaitan mong yan ay lagi kang napapahamak."

Pero nung makaalis siya sa katawan nito ay muli namang nanumbalik ang pagkahawak ng Chains of Hell kay Caien. Hindi tulad ng una itong inilapat kay Caien ay sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito ay halos lumubog na ito sa katawan nito. Ang punyal ay nakalabas na ang hawakan ng maibalik kay Cornelia ang katawan nito. Nagagalaw na ni Caien ang mga daliri nito sa kamay pero di pa rin ito sapat para makalaya siya.

"Tila may gustong sumira sa kontratang namagitan sa amin ni Cornelia. Hindi maaari to!" Galit na sambit ng Grim Reaper. "Pag nagtagumpay ang kung sino mang humahadlang sa kontrata namin ay hindi ko na makukuha pa ang kaluluwa nito."

(Book 2 Teaser)

Sa loob ng lacrima kung saan inilagay ni Aphrodite ang nagpapalakas na si Cornelia ay nakikita niyang nagkakalamat ito. Hindi umaalis sa tabi ni Cornelia ang mga kakambal na sumunod sa kanya. Makikitang naglalabas ng itim na aura ang lacrimang kinalalagyan nito. Hindi rin nakaiwas sa paningin ni Cyrus ang lamat na unti-unti lumalaki sa pagdaan ng mga araw.

"Maaari ba kitang maka-usap Aphrodite?"

"Tungkol saan Cyrus?" Sagot naman ni Aphrodite na pilit tinatakpan ang lamat sa lacrima.

"Hindi ko alam ang plano mo sa kakambal namin, gusto kong malaman mo na kung ano man yun siguradohin mong hinding-hindi siya masasaktan."

"Hindi ko magagawang saktan ang katangi-tanging rason kung bakit pa ako nabubuhay. Siya nalang ang natitira sakin at poprotektahan ko siya sa abot ng aking makakaya."

"Pareho lang naman pala tayo ng hangarin kaya hindi na akong magpapaligoy-ligoy pa."

"Ano ba talaga ang gusto mong malaman?"

"About the lacrima, bakit magkakalamat ito?"

"Sa tingin ko ay kinokontra ni Cornelia ang itim na aurang pumapasok sa lacrima."

"Hindi ba galing sayo ang aurang yan?"

"Hindi sakin galing yan. Nasa vulnerable state si Cornelia ngayon lalo pa at gustong gusto ng makuha ni Oxidious ang kaluluwa niya."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"Cyrus, it's all up to Cornelia."

"Tch!" Napaupo na lamang si Cyrus sa tabi ng lacrima. Hindi nila inaasahan ang biglang pagkabasag ng lacrimang kinalalagyan ni Cornelia.

"Cornelia!!" Sambit naman nina Cyrus at Ciara. Ibang ngiti ang pinakita ni Aphrodite habang papatayo na ang matagal tagal na rin na nahimbing na kapatid. Walang imik itong tumayo at dahan-dahang naglakad palapit sa mga taong kasama niya. Dumudugo ang mga paa habang nakayapak itong nakaapak sa mga bubog ng lacrima.

"Glad that you're back Cornelia!" Maiyak-iyak na sambit ni Ciara. Wala pa rin itong imik. Ang puting damit na suot-suot nito ay naging kasingkulay ng dilim. Alam nila pare-pareho na may nagbago kay Cornelia. Aakmang lalapit si Aphrodite ng itaas ni Cornelia ang kamay at napatigil si Aphrodite.

"Cornelia! What's the meaning of this??" Nagtatakang tanong ni Aphrodite. Blanko ang mukha nito at nakatingin lang ito sa kanya.

Sa Mt. Olympus naman, habang nag-aayos si Cydee sa mga aklat sa silid-aklatan ay bigla niyang nabitawan ang mga ito. Para siyang tinangay sa dimensyong kinaroroonan nila Cornelia. Kitang-kita niya ang nangyayari sa mga dating kasama at kay Aphrodite. Tila isang ilusyon ang nakita niya, napalingon si Cornelia sa gawi niya at muli siyang natauhan. Hinahabol niya ang kanyang hininga na tila nasasakal siya sa mga titig na yun ni Cornelia. Agad niyang ipinaalam ang nakita sa iba pang kasama sa Mt. Olympus.

Sa kabilang banda ay galit na galit si Oxidious sa muling pagbabalik ni Cornelia. Ang akala niyang nagtagumpay na siya sa pagkuha ng kaluluwa nito ay nagkakamali siya. Kung ano ang susunod mangyayari ay pakaka-abangan..........

Gods and Goddesses Reborn Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon