Chapter 12 : The New Dimension : Earth

292 7 2
                                    

"Gising na kayo! Dapat maaga tayong umalis para makarating tayo agad sa hide-out." saad ni Casimir na agad naman binatokan ni Carlisle dahil siya pala ang huling nagising.

"Kanina pa kami gising, ikaw lang tong ang tagal bumangon Mir." sabi ni Cloyce.

"Akala ko pa naman tulog pa kayo siguro nananaginip lang ako nun. Hahaha"

Naghanda na sila para maagang makaalis sa Claristun at ng maibigay agad ang bulaklak kay Charice. Habang naglalakad ay nilapitan ni Chayanne si Christopher at kinurot.

"Aray! para san yan?"

"Hindi kita tatantanan ng kakakurot kung hindi mo sabihin sakin ang totoo."

"Anong totoo?" pa-inosente nitong tanong.

"Ay huwag mo akong dalhin sa patanong-tanong na yan. Bakit bigla kang hindi makontak kagabi nung nawala si Carlisle?"

"Yun ba? Bigla ka nalang nawala."

"Anong nawala eh ikaw tong nawala tapos si Carlisle nagtatago na pala."

"Bakit mo pa ako tinatanong eh nagustuhan mo naman yung halik niya di ba?" panunukso ni Chris.

"Wag ka nga! Ikaw ha kakontsaba ka rin ano?" pinandilatan niya ito at mas kinurot pa.

"Siya nakaisip nun, sumabay lang ako." halatang nasasaktan na sa kurot si Chris. Inalis ni Chayanne ang pagkakakurot niya sa tagiliran nito.

"Sabi na nga eh."

"Pero hindi mo ba nagustuhan?" namula bigla ang pisngi ni Chayanne sa biglaang pagtatanong ni Chris patungkol doon. Yumuko lamang siya at umiwas ng tingin saktong napatingin naman si Carlisle sa gawi niya at nagkasalubong ang mga mata nila. Mas lalo pa itong namula at pinagtawanan naman siya ni Christopher. Ang iba sa kanila ay panay kwentuhan sa mga nangyari at kung ano ang kahihinatnan nila. Ang namuo lang sa isipan nila sa mga oras na iyon ay ang maihatid kaagad ang bulaklak para gumaling si Charice. Biglang sumagi sa isipan ni Carlie ang tungkol sa umatake sa kanilang si Charlemagne. Ito ang naging paksa ng usapan nila.

"Siya nga pala. Paano yung si Charlemagne? Di ba nasa hide-out yun? Baka may ginawa na naman yun." saad ni Carlie.

"Siguro tulog pa yun hanggang ngayon, sa dami ng sugat na natamo niya hindi agad yun makakabangon." saad naman ni Carlisle.

"Tingin ko naman nilamon lang yun ng kapangyarihan niya kaya naging masama. Lalo pa't kontrolado niya ang mga taga-roon." saad naman ni Chayanne.

"Maalala ko nga pala, di ba may taga-Claristun kang inutusan para ipaalam ang nangyayari ng mga oras na yun? Andun pa kaya yun sa hide-out?" tanong naman ni Christopher.

"Muntik ko ng makalimutan ang tungkol sa kanya. Pinukpok ko pa naman ang ulo nun ng umatake siya sakin." pahayag ni Carlie. Nang maalala ang lalaking tinulungan ay muli niyang inaninag ang mukha nito kaso dahil din sa madilim ang parte ng gubat na yun ay hindi niya nakita ang mukha nito.

Hindi na nila naalintana ang layo ng kanilang nilakad dahil panay kwentuhan sila. Ilang oras na paglalakad at ilang minutong pagpapahinga ay narating din nila ang hide-out. Sinalubong sila ng kasamahang nakatokang mag-ikot sa paligid na si Vladimar. Laking tuwa nito ng makita ang bulaklak na kailangan nila para matanggal ang lason sa katawan ni Charice. Pagkadating ay agad nilang pinuntahan si Charice na sobrang putla na ng balat at hinang-hina na ito. Inilapag naman ni Cryptic ang batong kinatatayuan ng bulaklak sa harapan nito. Pinuntahan naman ni Ciara ang kakambal na si Cornelia na nagpapahinga sa mga oras na iyon. Tinanggal ni Cryptic ang healing bud at tsaka piniga ang katas nito para ipa-inom kay Charice. Naka dalawang patak lang ang katas ng bulaklak pero kahit ganoon lang ay agad naman itong umpekto kay Charice. Bumalik ang sigla sa mukha nito at hindi na ito maputla. Laking pasasalamat niya sa lahat ng mga tumulong na mahanap ang bulaklak.

Gods and Goddesses Reborn Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon