Ang dalawang nakatakdang maglaban ay mas piniling huwag magkasalubong, dahil kahit na hindi pa sila lumaban ay may masasaktan pa rin sa kanila. Kung sino man ang gagawing pain ay hindi pa nila alam pareho. Hindi magsisimula ang laban nila hangga't walang sino man ang naunang lumaban kaya kampante silang walang masasaktan sa ganoong paraan. Sina Castiel at Camille ay balik trabaho bilang bodyguards kahit nasa trabaho si Castiel ay lumilipad ang isip nito kung sino ang pwedeng pahirapan sa oras na lumaban na siya. Una niyang naisip ay si Carlie dahil kambal niya ito pero may parte sa isipan niya ang hindi sang-ayon sa naisip niya.
"Castiel." siko sa kanya ni Camille.
"Ano? Kita mo namang nag-iisip ang tao e."
"I didn't know nag-iisip ka pala. Hahaha."
"Tss akala mo naman kung sinong matalino."
"Ewan ko sayo Castiel, nasa trabaho tayo tapos gaganyan-ganyan ka."
"Alam ko, pero hindi ko maiwasang isipin ang magaganap na labanan sa pagitan namin ni Christopher."
"Yun ba, kahit na ako ay hindi handa sa mga labanang ganyan lalo pa't hindi ko kabisado ang mga kapangyarihan nilang lahat."
"Ang mas inaalala ko ay —-" saglit niyang tinitigan si Camille.
"Ano?"
"W-wala siguro hindi nalang kami maglaban para walang masaktan, wala namang sumuko at walang matatalo dahil walang labanang nagaganap." saad ni Castiel at sabay tayo. Nauna siyang pumasok sa minamanehong kotse at doon nanatili, si Camille naman ay nanatiling naka-upo sa bench habang umiinom ng soda. Sa pagtitig ni Castiel kay Camille ay naramdaman niya ang isang hindi pamilyar na feeling. Hindi niya alam kung bakit ng maisip niyang paano kung si Camille ang pahirapan, tila hindi niya kakayaning makita siyang nasasaktan at nahihirapan. Ilang minuto pa ay sumakay na rin si Camille sa kotse.
"Castiel may tawag galing sa escort ni Senator, papunta na sila sa convention." saad ni Camille. Hindi na tumingin pa si Castiel at nagmaneho na sa lokasyon ng convention. Habang nasa daan na sila at mabilis na minaneho ni Castiel ang sasakyan ay biglang sumulpot sa harap nila ang anino. Sa gulat ni Castiel ay muntikan na siyang nawalan ng kontrol sa sasakyan.
"Ang mundong ito ang magsisilbing battle ground para sa inyo. Hindi niyo pwedeng takbuhan ang labanang ito. Kung hindi pa kayo naglaban sa loob ng anim na oras, sisimulan ko na ang pagpapahirap sa taong malapit sa inyo." agad na naman itong naglaho. Magkasabay na pinuntahan ng anino ang dalawang maglalaban para ipaalala sa kanila na nasa gitna pa sila ng labanan. Ipinarada ni Castiel ang sasakyan at galit na lumabas ng kotse.
"Shit! Hindi rin pala kami makakaligtas sa labanang ito. Sa loob ng 6 na oras kailangan na naming maglaban at tapusin ito ng mabilis." sinipa ni Castiel ang batong nasa harapan nito. Lumabas naman si Camille at nagbigay ng opinyon.
"Castiel paano kung patitigilin ko ang oras para mas makapag-isip ka pa."
"Tama nga Camille pag tinigil mo ang oras magkakaroon pa ako ng oras na mag-isip." ginamit ni Camille ang kapangyarihan nito pero walang nangyari. Tila nakagawa na ng harang ang anino para mapigilan ang ano mang balak nilang pagtakas gamit ang sariling kapangyarihan.
"Anong nangyari Camille?"
"Hindi ko magamit ang kapangyarihan ko."
"Tsk! Wala na talagang atrasan to." sumandal na lamang si Castiel sa kotse.
"Castiel ako na lang ang pupunta sa convention, tapusin mo na lang ang laban niyong dalawa ni Christopher."
"Hindi, pupunta ako sa convention may anim na oras pa naman bago ang nakatakdang oras." biglang tumunog ang cellphone ni Camille at sinagot niya agad yun. Nang marinig ang nasa kabilang linya at naibigay na ang gusto nitong sabihin ay agad rin itong binaba.
BINABASA MO ANG
Gods and Goddesses Reborn
FantasyAng kasakiman ng isa ay natatapos din , pero sa pagtatapos nito ay may panibago ring darating. Sa isang sitwasyong hindi nakayanan ni Gaia ay nawalan siya ng kontrol sa kapangyarihan nito. Sa kasamaang palad, lahat ng Gods at Goddesses pati na rin a...