TPOI--6

22 6 4
                                    

This chapter is dedicated to Atsumina0480 thank you talaga! ^__^

Suzuka's POV

*Kinabukasan*

"Bilisan niyo na dyan! Malalate na kayo!" Sigaw ni Nay Rosa sa dalawa. Nasa loob pa sila nang bahay.

Nandito kami sa labas inaantay sila. Yan kasi, late na nga gigising, ang babagal pang kumilos -_-

"Eto na!" Sigaw din ni Moa samin.

After ng ilang seconds, lumabas narin sila.

"Hay, salamat naman. Akala ko diyan nalang kayo mag-aaral eh." Sabi ko. Ayaw na ayaw ko kasi ang mga taong mabagal pa sa pagong.

"iihhh, sorry naman Oneechan. Hehe." Sabat ni Yui-chan

"Ganyan ka naman palagi. Tara na nga, malalate na tayo." Pumasok na ako sa van. Sumunod sila sa tabi ko at umupo na.
Umandar na ang van.

"Huwag kang ngumiti diyan Moa." Sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Kanina pa talaga siya ngumingiti. Alam ko na yan kung bakit.
Ngayon ko lang kasi siya hindi napagsabihan or more like napagalitan.

"Hehe, himala kasi Oneechan, hindi mo ako pinagalitan" see? Kapag kasi nalalate sila siya kaagad ang pinapagalitan ko.

"Sige, sa susunod ikaw naman." Himala pala ah.

"Ate naman! *pout*" Tumawa lang ako nang mahina. Haha, ang sarap niya talagang asarin.

"Oneechan, huwag kang magpout, ang pangit mo!" Pang-aasar rin sa kaniya ni Yui-chan. Magkasundo talaga kami ni Yui-chan pagdating sa pang-aasar ky Moa-san.

Tumawa lang kami ni Yui-chan. Pati nga driver namin nakitawa narin. Si Moa-san naman naka pout parin. Haha, biro lang talaga yung sinabi ni Yui, cute siya kapag nakapout. Hehe.

After nang ilang minuto nakarating na kami sa MHS.

Naghiwalay na rin kami nina Moa at Yui.

Pumunta na agad ako sa room. 5 mins pa before 8 kaya pa soundtrip muna ako. Kinuha ko ang mp3 sa bag ko at sinaksakan nang headset pinili ko ang kanta namin. Trip ko talagang pakinggan ang kanta namin hehe.

(Play niyo po ang video.)

Full volume talaga para masaya.

Nakita ko na papalapit ang isa sa grupo na nabangga nina Moa kahapun. Eto siguro ang lider. Teka, nabanggit ko na ba sa inyu na kaklase ko siya?

Haisst.

Naramdaman ko na nasa harap ko na siya. Tumingala ako para tingnan siya.. Nakita ko rin ang mga mata ng classmate namin nakatingin sa amin.

Parang may sinasabi siya kasi bumubuka ang bibig niya. Hindi ko nga maintindihan. Syempre, naka headset ako. Ang ganda nga nang kanta eh. Yaaaaw!! Haha.

Parang may sinisigaw siya na paulit-ulit. Tapos bigla niya nalang hinampas ang desk nang upuan ko. Anu bang problema nito?

Tinanggal ko ang headset ko. "Ano bang problema mo?"

Nakita ko na parang nalugi ang mukha niya. Okay--?

"Kanina pa pala ako salita nang salita dito tapos all this time naka headset ka pala?!" Ayan. Galit na siya.

"Bakit ba?" Asarin nga natin. Haha.

"Nevermind." Tas umalis na siya.

--

Three Person, One IdentityWhere stories live. Discover now