Chapter 17: The game

265 25 3
                                    

-Joy's POV-

Tinawagan ko na ang lahat, syempre nauna si Matthew nakakahiya naman kung siya ang ihuhuli ko. Paglabas namin ay si George, renevy, at Galo lang ang dumating syempre nandoon nadin si Aries isa sa kabanda ni Matthew. Wow ha? wala pa talaga siya. Mas pina-aga ko na nga ang sabi ko sa kanya hindi parin siya dumating sa right time. Nakakapika.

"Sorry for being late, traffic kasi eh!" Nagulat naman ako ng magsalita siya at dumating siya kasama ni Christine. Kaya naman pala late silang dunating. Eh, nagpaganda pa itong babaeng 'to. Bwisit.

"Ahhh... ok lang, halata nga eh. Guys ano bang ginamit niyo? nag taxi ba kayo?"

"ahhh.. oo nga, puwede bang maki-sakay na lang kami sa inyo?"-renevy.

hahahaah... dito ako nasisiyahan kay renevy alam niya lahat ng mga kalokohan na ginagawa ko. "Oh! sige, by the way matthew may sarilu ka namang kotse diba? Sundan mo na lang kami. ok lang ba sayo?"

"Sure, No problem."
Naglakad na ang lahat except kay matthew pinauna niya si Christine p*k-p*k, bale kami na lang nandoon.

Lumapit ako sa may tenga niya, "Bakit?" Sabi ko bago ako tuluyang pumunta sa may kotse at nasa harap naman si Kobe kaya naman ako na sa likod muna at binuhos ang iyak. Shet naman oh! bakit ba umiiyak pa ako. Mga katanghan talaga ng pag-ibig. Tumahan na ako. "Ayos na ako."

"Sigurado ka ba? Naku! Bes wala nang atrasan 'to."-george.

"Oo nga, ito na 'to. Kapag napatay mo na siya atras na kami diyan."-renevy.

"OA ka naman renevy, hindi ko naman siya papatayin. Pahihirapan ko lang siya."-ako.

"Kampi kami sayo."-Galo.

"Game!"

Nang nakarating kami sa bahay ay tumulong ang lahat sa pagbaba ng mga gamit namin. Nang binuhat ko ang huling maleta ay bigla naman itong kinuha ni Matthew. At ang nahawakan niya ay ang aking kamay.

"Ako na."

"Ok."

Walang namang ginagawa si Christine sakin. Nabigla naman ako ng hawakan ni christine ang aking kamay at nagkaharap kami.

"Akin lang siya."-christine.

"Akin lang siya, wala kang karapatan." Tinignan ko siya ng matalas bago ako ngumiti at umalis.

Pagdating ko sa may kuwarto ko ay nakita ko si Matthew na nandoon parin.Sinarado ko ang pinto, ni-lock iyon. at bintana, hinarang ang kurtina. Tsaka ako lumapit sa kanya ng tuluyan.

"Tuluyan mo na ba akong nakalimutan? bakit? At diba sabi ko sayo na ako. Na ang-"

"Dahil hindi mo alam ang pinagdaanan ko dito, ikaw ba? Paano mo naman ako nakalimutan at naging-"

"hindi matthew kaibigan ko lang siya, pero dahil sa niloko mo ko. Ay tinuloy na niya ang panliligaw sakin. Ano?"

"Kung ganun, masaya ako para sa inyo." Nalungkot naman siya agad. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko. Ano naman trip nito. Mas lumapit pa siya sakin lalo na ang mukha niya. Ugh! ano ba kasi talaga ang trip nito? Gusto parin niya ba ako? Nagulat nalang ako at wala na akong masabi kasi hinalikan niya ako sa labi. Ang ibig bang sabihin nito? "Alam mo mahal parin kita." Bulong niya sakin bago i-unlock ni matt ang pinto at lumabas. Anong ibig niyang sabihin?

The Unfinished Song(revise)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon