-Joy's POV-
Hindi ko alam kung paano ko iyon nasabi. Bakit pa kasi?! Ano ba kasi ang meron sa kanya at bakit ako naaakit parin sa kanya. Lalo na ang halik niya. Yun at yun parin. Hindi parin nag-iiba. Ganon ba ang pakiramdam ng magulog ulit sa nauna mong minahal ng tunay?
"Babe, ayos ka lang ba?" Nagulat naman ako kay Kobe dahil bigla nalang siya sumulpot habang nakatunganga ako sa kalaliman ng pagiisip ko kung ano ang gagawin ko.
"A-ayo-ayos lang ako, huwag magalala. Naging maayos naman ang paguusap namin. Hindi kami nagsakitan. Usap lang talaga. Wala-wa-wala din kaming ginawa na iba. Usap lang talaga." Shit! Bakit ganito ako mag-salita? Nauutal na bumabalik sa nakaraan namin na hindi na namam dapat.
"Ano ka ba joy. Nawawala ka na naman sa sarili mo, hahahha... Sige na. Magpahinga ka na muna. Ha?" Saad ni sabay halik sa noo ko. First kiss. Oo, hindi kayo nagkakamali. First kiss namin yun. Sa noo pa! Kaya naman oo. Sa naging maraming taon na naging kami ni kobe ngayon ko lang siya pinayagan na halikan ako. Kasi hanggang ngayon nga ay mahal ko parin si Matthew.
"Si-sige." Yun lang ang nasabi ko at nahiga na sa kama. At mahimbing na natulog.
Nasa isang madilim na kuwarto ako at ang nakikita ko lang ay si Matthew. Magkaharap kami, at nakatingin lang sa isat-isa. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"Matthew?"
"Joy. Bakit?" At unti-unti ay para siyang nawawala kaya naman sinubukan kung hawakan siya pero habang tumatakbo ako ay parang hindi ako umuurong at parang mas lumalayo pa siya ng lumalayo hanggang sa nawala na siya at..
Huhhhgggg!!!! Nakakainis na panaginip yun. Bwisit! Ibig ba sabihin nun hindi parin ako nakakalimot sa kanya. Paano ba ako makakalimot sa kanya. O sadyang hindi talaga ako dapat-o kalimutan na siya.
Kaya naman tinawagan ko na si Renevy para naman mahingi yung opinyon niya kasi iisa lang naman ang magiging sagot nila parang natamaan pa ako ng maraming beses kung tatawagan ko ang lahat. Ang magiging sagot ng lahat? "Oo, kaya mo yan. Ipaglaban mo ang karapatan mo." Yun. At wala ng iba pa.
"Uy. Renevy sa tingin ano na kaya ang magiging sitwasyon naming dalawa ni mat.?" Tanong ko kay gagang renevy.
"Edi yun. May forever. Tigilan mo nga ako. Kung magal mo talaga siya. Maghintay ka. Babalik din sayo yun."
BINABASA MO ANG
The Unfinished Song(revise)
Fanfiction(This is a BiGuel UmaLix story.) Isang storya na hindi madidiktahan ang mga pangyayari, hindi alam kung mabubuhay o mawawala sa mundong ibabaw. pero ang mahalaga ay natututo kang magmahal, mahalin, ipaglaban ang kaya mo, at iba't ibang parte ng mga...