Humigpit ang hawak ko sa plastic envelope na dala-dala ko kung saan nakalagay ang requirements at credentials ko. Am I hearing it right?
"I'm offering you a job where you need to marry Blaine Aldous Formentera," nanlaki ang mga mata ko. Unti-unti nang pumapasok sa isipan ang gusto nilang mangyari. "Sa halagang walong milyong piso, pakakasalan mo ang CEO ng The Tera Hotel," tinagalog niya na ang gusto niyang sabihin marahil ay wala silang narinig na pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon mula sa akin.
"Bakit po ako?" mas tumuwid ako ng tayo at sa wakas ay nagtama na ang aming mga mata, nagkaroon ng koneksyon. But something felt strange with that connection.
"Because you're perfect for the job. No one will do it better than you," mariin niyang sabi na may tunog panghihikayat pa rin.
"But I am not applying for that job," matapang kong tugon sa sinabi niya. Oo at kilala ko ang tinutukoy niya, sino ba namang hindi. Everyone knows him especially those who finished a degree in Business Management, bago ako makapagtapos ay naging isang huwaran siya sa estudyanteng tulad ko noon. At a young age he was able to manage the The Tera Hotel and build more branches of it in the country.
"You might want to read the contract first, Ms. Guarin."
"Ms. Guarin, maupo ka muna. We apologize to suddenly break the news to you but we assure you that this is not a bad news but a good one."
Iginiya ako ni Mrs. Oliveros paupo sa sofa. Tila napasalampak ako rito dahil sa pakiramdam ko ay naubos lahat ng enerhiyang mayroon ako kanina. Naubos dahil sa balitang iyon. How am I supposed to marry him? Hindi ba sa mga ganitong sitwasyon ay ang mga mayayaman na tulad nila ay sila-sila rin ang nagpapakasal. Kaya imposible na maikasal siya sa tulad kong isang mahirap lamang. I barely survived college due to financial problem, many times I'd like to give up but I'll immediately be reminded of our life, our status in this society. Kaya kinaya ko, kinaya ko kahit sobrang hirap.
"Here's the contract we prepared only for you," nilapag ni Mr. Oliveros ang kontrata sa mesa sa tapat ng inuupuan ko. Nanginginig ang kamay kong kinuha ang kontrata. Napansin iyon ni Mr. Oliveros kaya hinawakan niya ang kamay ko upang tumigil ang panginginig nito, ganoon din ang ginawa ni Mrs. Oliveros, for some reason I found comfort from the way they hold me. "Relax, we're not going to harm you. You can take your time to read the contract."
"P-Pwede po bang umuwi muna ako at sa bahay ng Tita ko na lamang ito basahin? Babalik po ako rito na buo na ang desisyon ko."
Akala ko ay hindi sila papayag.
"Sure! Sure!" magiliw na pagpayag ni Mrs. Oliveros. "But I hope whatever decision you may come up with, this contract will remain a secret between us."
Tumango naman agad ako sa kanya habang tikom na tikom ang aking bibig. Alanganin akong ngumiti sa kanila bago lumabas sa opisinang iyon. Napasandal ako sa may pintuan nang sa wakas ay nakahinga ako nang maluwag. I realized I wasn't breathing properly inside. Ano ba itong napasok ko? Is this really happening? Or maybe there's a hidden camera because this should be just a prank!
Yes. This is really happening.
"Miss, are you okay?" tanong sa akin ng lalaking sa tingin ko ay trabahador din dito, pormal na pormal ang kanyang suot. Kung iyong Assistant Manager sana ang inalok nila sa aking trabaho ay malamang kakailanganin ko ring magbihis nang pormal. Kaso hindi e, it was way far from what I expected. The sudden turn of events made me nauseous.
"I'm okay, thank you," akmang aalalayan niya pa sana ako pero tumindig na ako nang tuwid saka nagtungo sa elevator. Sumakay ako roon at nagtama ang mga mata naming dalawa, hanggang tuluyan nang sumara ang pinto.
BINABASA MO ANG
Gray Walls [Published under Popfiction]
RomanceAmasia Guarin finds it hard to find work after graduating until more than half a year looking for a job she finally landed one. But that one job that can pay her millions also included marrying Aldous Formentera, the CEO of the number one hotel in t...