Chapter 7

32.1K 721 240
                                    

I wasn't able to call him that way. Love really? I don't think he's serious about it too. May mga araw pa rin kasi na ang layo-layo niya sa akin, ganunpaman ginagawa ko pa rin lahat ng makakaya ko upang gampanan ang pagiging asawa niya. I don't think I'd ever want a marriage of convenience in my next life. Hindi ganito ang pangarap ko. I want to meet someone and get to know him then fall in love with him, just like how things happen in movies and novels.

"I'll be out of the country for 2 days."

"With?" tanong ko matapos uminom ng tubig. Masasabi kong kahit paano ay nag-improve ang relationship namin. We were casual to each other. After that 'love' scenario, we never talked about it again. He didn't call me love so I assumed it wasn't really serious. Baka nabigla lang talaga siya o baka sinusubukan niya lang ako.

"With Dad. I just need to see it for myself if I'm ready to bring Tera out of the country." Hindi ko naitago ang paghanga sa sinabi niya. Ibigsabihin ay magtatayo siya ng The Tera Hotel sa ibang bansa.

"Which country?"

"My target is other Asian countries. One Tera per Asian country isn't bad right?" siguro ay kumikinang na ang mga mata ko sa matinding paghangang nararamdaman ko para sa mga plano niya. At the age of almost 27, he's ready to conquer the world. "So I'll be in Thailand first for 2 days... do you wanna come with me?" parang nalaglag ang puso ko.

"Gusto mong sumama ako sa'yo?"

"Niyaya kita, Sharmel. I want you to come with me."

Ang ngiti sa aking mga labi ay agad ding naglaho nang maalalang hindi pwede. May passport naman si Sharmel pero hindi ko iyon pwedeng gamitin at baka sumabit ako. Mabigat ang ipapataw na parusa sa akin kapag ako ay nahuli. Although I'm sure her parents can make it happen for me but I don't want to cross the line involving laws.

"Hindi pwede."

"Why? Did you lose your passport this time?" it sounded like his suspicious of me again. Hindi ako nakasagot. Okay na kami e, kaso heto at na-disappoint ko na naman siya. "Alright then, I need to get ready."

"O-Okay, i-ingat ka."

Ang bigat sa dibdib noong umalis siyang hindi nagpaalam sa akin, siguro nga ay sumama talaga ang loob niya sa akin. Asawa niya ako at hindi ko man lang siya nagawang samahan. Nakita ko pa kung gaano siya kasaya at kapursigido sa mga plano niya. I should be there supporting him. Kung nandito lang sana si Sharmel ay paniguradong nasamahan siya nito.

Dahil nga dalawang araw mawawala si Aldous ay sinamantala ko 'yon upang makauwi ng probinsiya, miss na miss ko na rin sila Mama lalo pa't bihira ko lang din silang makausap dahil hirap silang humanap ng signal. Pinagpaalam ko naman na iyon kina Daddy at Mommy at agad din naman silang pumayag. They just reminded me to be back on time.

Nakahanda na rin naman 'yong itim na wig na gagamitin ko dahil matagal ko na itong naplano hindi ko lang maisagawa noong nakaraang buwan dahil baka mahuli ako ni Aldous. Bagamat mabigat sa loob na ganito pa ang gagawin ko habang wala si Aldous ay hindi ko naman pwedeng sayangin ang araw na ito dahil hindi ko alam kung kailan pa ako magkakaroon ng panahon.

To Mommy and Daddy:
Pauwi na po ako sa amin. Thank you po sa pagpayag.

Nag-message muna ako sa kanila bago sumakay ng barko. Nag-message din ako kay Tita Agnes upang alam niya ring uuwi ako sa amin. Maaga akong umalis ng Maynila at gabi nang makarating ako sa amin. After months of leaving this place, it still felt the same. Iyong payapang pakiramdam tuwing tatapak ka sa bawat lugar dito, malayong-malayo sa laganap na polusyon sa Maynila.

Sa piyer ay doon ko natanaw na sina Mama at ang dalawang kapatid ko ang nag-aabang sa akin.

"Mama, ayon po si Ate!" rinig na rinig ko ang sigaw na iyon ni Elisha sa hindi kalayuan. Sabay-sabay silang lumapit sa akin at saka yumakap sa akin nang mahigpit. I missed home! Naluluha akong hindi bumitiw sa kanilang yakap hanggang sa naging sapat na iyon upang punan ang mga buwang hindi kami nagkita.

Gray Walls [Published under Popfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon