Chapter 4

36.5K 781 208
                                    

"I already told you, it won't be a happy marriage. Why are you trying so hard?" aniya nang makasakay kami sa kanyang kotse. Hindi ko alam kung bakit naiyak ako kanina, siguro ay naghalo-halo na iyong nararamdaman ko na tanging luha na lang ang magpapagaan doon. Hindi ako umimik. I didn't dare to move while I hold my wrist. Napansin kong bumaba ang tingin niya roon. Humugot siya ng malalim na hininga saka inabot ang kamay ko. He checked my wrist. "I'm sorry," aniya nang makumpirmang bahagya itong namula dahil sa hawak niya kanina.

"I just wanna go home," pagod kong sinabi sa kanya. Pinikit ko na ang aking mga mata at saka hinilig ang ulo sa upuan. I forgot to fasten my seatbelt so he did it for me. He was so close to me when he did it. Umandar ang sasakyan na hindi na kami nag-usap pa.

Nakatulog ako dahil sa matinding pagod. Nagising na lang ako na nasa parking lot na kami ng isang medyo pamilyar na gusali, medyo dahil sa tingin ko ay nakapunta na ako rito, but this surely isn't my place.

"Sabi ko ay gusto ko nang umuwi."

"Let's go home. Together." He unbuckled my seatbelt. Umikot siya upang pagbuksan ako ng pinto, nagulat pa ako nang alalayan niya akong makatayo. "Ngayon lang ito, I admit I was at fault." Lihim akong napangiti.

We're in his penthouse. Just the two of us.

"Wala pala akong damit..." wala sa sariling sabi ko.

"I bought you clothes last time, remember? Nasa walk-in closet ko," umawang ang bibig ko na agad ko ring tinikom. Tinalikuran ko siya dahil nag-init bigla ang pisngi ko. "Follow me," sumunod ako sa kanya. His walk-in closet is two times bigger than mine. "Here," inabot niya sa akin ang paper bag.

I bit my lower lip as I checked the clothes. "These are all formal dresses... wala ka bang t-shirt lang?"

"You want my shirt? You're petite, it will look so big on you."

"How about that?" tinuro ko ang suot niyang white dress shirt. "I mean something like that. Not literally that." Paglilinaw ko. Ngumisi siya sa akin. "What?"

"I thought you want this," tukoy niya sa suot niya. "I wore it the whole day, pinagpawisan ko na..." nag-iwas siya ng tingin.

Pinulupot ko ang braso sa kanyang leeg upang mailapit siya sa akin. Inamoy ko ang leeg niya. "Hindi naman, a." Nagkatitigan kami pagkatapos ng ginawa ko. Namilog ang mga mata ko nang matanto ang aking ginawa. I noticed how his jaw clenched with that intense look. Bibitiw na sana ako kaso ay nahapit niya naman ang baywang ko, marahan niyang hinawakan ang braso kong bumababa na mula sa kanyang leeg at binalik ito roon. Nanghihina ang tuhod ko nang maramdamang unti-unting humihigpit ang kapit niya sa baywang ko.

"Seryoso, hindi ka naman amoy pawis," I faked a laugh but his expression didn't change. He didn't even flinch. He just stared at me as if I'm the only one he's seeing now. Unti-unti nang bumilis ang tibok ng puso ko.

"Really?" titig na titig pa rin siya sa akin na parang gusto niyang malusaw ako sa paraan ng pagtitig niya. I might! My legs are already shaking.

"Magpapalit na ako ng d-damit..." bulong ko. Marahan niya akong binitiwan nang sabihin ko iyon. Nakahinga ako nang maayos habang hawak-hawak ang aking dibdib.

"Here..." inabot niya sa akin ang damit tulad ng suot niya ngayon. Ang dami niyang ganoong damit. Mahal siguro ang damit na ganoon dahil nahawakan ko pa lang ang tela ay ang lambot na sa balat.

"Thank you!" nagtungo ako sa comfort room upang magpalit ng damit.

I also took a shower. Naghanap ako ng pambabaeng toiletries pero wala. Akala ko ay madalas dito si Marelle bakit walang pambabae rito? Ginamit ko na lang iyong mga gamit niya, hindi naman sensitibo ang balat ko sa ganito. Batang safeguard ata 'to.

Gray Walls [Published under Popfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon