Chapter 20

32.9K 751 552
                                    

"Aldous is their dad?!" hindi makapaniwalang tanong ni Allison sa akin. Pinapasok ko muna sa kwarto ang mga bata at doon sila pinaglaro. "You never showed me his picture! So, that's the reason why? He's like very rich!" she acted like she's hyperventilating after knowing who Aldous in my life was.

"Yeah," ang tanging naitugon ko sa kanya. Ang isip ko ay lumilipad na sa kung saan. I clearly heard his answer to an interview. Is he referring to me? Hinanap niya ako?

"Alam niyang may anak kayo?"

"He was surer than me that I was pregnant before. He even wished for twins," bumuntonghininga ako. Hindi na muling sumagi pa sa isipan ko na may tsansa ngang hinanap niya ako. It was an impossible wish before. "But I had to leave."

"Because of that bitch? Sharmel right?" sinuway ko siya. Hindi niya naman kilalang lubos si Sharmel kaya hindi namin siya pwedeng pagsalitaan ng ganoon. "What? She knew you love him, and he loves you and yet she chose to come in between you two. Hindi uso sa kanya ang magparaya, ano?" Alli rolled her eyes. I couldn't bring myself to hate Sharmel, wala naman siyang kasalanan umpisa pa lang.

Nagbukas muli kami ng restaurant pagkatapos ng araw ng Pasko, dinagsa pa rin kami ng mga tao. Hindi ako mapakali. Ang kambal ay kasama ngayon ni Alli, siya na ang nagpresentang mag-alaga sa dalawa dahil wala naman siyang gagawin hanggang sa bagong taon. It's her showbiz career break. Inaasahan ko rin na kahit anong oras simula ngayon ay pwedeng magpakita si Aldous kaya tuwing bubukas ang pinto ng restaurant ay panay ang tingin ko roon, bahagyang natataranta.

Hindi ko alam ang sasabihin sa muling pagkikita namin ni Aldous, tatlong taon din ang lumipas. Paano kung hindi naman talaga ako ang tinutukoy niya sa interview at sadyang nagkataon lang na posibleng ako? Napailing ako at napabuntonghininga, ayoko nang umasa.

"Ang lalim noon Ma'am, a." Puna sa akin ng isa sa mga waitress ko rito sa restaurant. "Kanina ka pa lingon nang lingon, Ma'am." Nginuso niya ang pintuin.

"Ang daming tao," hindi ko alam kung anong sasabihin. Palagay ko rin naman ay kanina pa nila napapansin na aligaga ako. Ngumiti ako sa waitress at saka nagpaalam na may kailangan pa akong i-check na inventory.

Napahilamos ako ng mukha saka tinukod ang siko sa mesa ng aking opisina. Pinatong ko ang aking baba sa ngayon ay makasalikop ko nang mga daliri. Nang hindi makatiis ay kinuha ko ang aking cellphone. Naghanap ako ng mga balita tungkol sa kanila ni Sharmel pero ni isang balita na hiwalay na sila ay wala akong nakita. Natigilan ako, bakit naman ganito ang iniisip ko?! Bakit ko naman iisipin na hiwalay na sila? Nahihibang na ata ako. Tanging balita lang tungkol sa Tera ang nakita ko, mayroon na sa Thailand na naipatayo at sunod na rito sa Japan. Aldous of Tera is about to conquer the whole Asia, iyon ang halos sinasabi ng mga balita, walang kahit ano tungkol sa personal na buhay. Binitiwan ko ang aking cellphone at pataob na nilapag sa aking mesa.

Uminom ako ng isang bote ng tubig. Hindi naman mainit dito subalit tila namumuo na ang mga butil ng pawis sa aking noo. Hinubad ko ang suot kong blazer na pinatong ko sa aking white tube top na suot. Bahagya akong nahimasmasan. Nakarinig ako ng katok mula sa pinto.

"Come in..." humarap ako sa aking computer, hindi alam kung bakit kinailangan ko pang magpanggap na may ginagawa. Gusto ko na lang maglaho dahil baka may magawa akong kahihiyan maya-maya. Simula kagabi at paggising kaninang umaga ay naghuhuramentado na ang puso ko. Ang totoo ay hindi ko sigurado kung anong oras ako nakatulog at ilang oras ang tulog ko. Nakapikit nga ako pero ramdam ko ang gising na gising na aking diwa.

I miss him.

I miss him so bad.

"May naghahanap po sa inyo—" agad akong napatayo na siyang ikinagulat ni Meryl, ang aking Assistant Manager. "Okay ka lang, Ma'am?" nakitaan niya siguro ako ng pagkataranta. Pilit akong ngumiti sa kanya.

Gray Walls [Published under Popfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon