Happiest birthday, our best girl Belinda 🤍
Also, thank you @raindropsofhao for leaving a lot of comments on Chapter 9. I love comments so much 🥹
____
"Good morning," nadatnan ko siya sa kusina na nagluluto ng aming agahan. Malapad ang ngiti niya sa akin, kung dati ay lagi siyang topless at tanging apron lang ang tumatakip sa itaas na bahagi ng kanyang katawan, ngayon ay may suot na siyang t-shirt. That's just a plain white shirt and still he made it look expensive and good on him.
Sinunod niya iyong sinabi ko. Nakinig siya sa akin.
"Good morning! Ako dapat ang nagluto, salitan dapat tayo," lumapit siya sa akin upang ilapag sa aking tapat ang kapeng tinimpla niya. "Thank you," I bit my lower lip. Mas masarap ang timplang kape niya ngayon, akmang-akma sa panlasa ko. "Ang dami mong alam gawin ano?" tumayo ako matapos tikman ang kape. Lumapit ako sa kanya.
He's already frying bacon and eggs.
"I want scrambled egg today," ngumuso ako at yumakap mula sa likuran niya. Inamoy ko ang likod niya, ang bango kahit bagong gising at hindi pa siya naliligo.
"I'd cook hundreds of scrambled eggs if I'd get this every morning from you," bahagya akong napaatras subalit nahuli niya agad ang isang kamay ko, nanatili akong nakayakap sa kanya mula sa likod. Anong pumasok sa isip ko at ganito na ang kinikilos ko? I'm acting as if I'm the real wife! Pero iyon naman talaga ang dapat. "What were you thinking?" humarap siya sa akin.
"I just want scrambled egg," wala sa sariling sinabi ko habang nagtatalo sa aking isip kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. I should be firm enough with my decisions. Kung ito ang paraan upang mas mapalapit sa kanya at upang mahalin niya si Sharmel ito ang nararapat.
"Scrambled egg for my love then..." aniya. Tahimik ko siyang pinanood magluto nito. "Stay... this is my prize for cooking this for you," pigil niya sa akin nang akmang aalisin ko na sana ang pagkakayakap sa kanya. He wouldn't let me go.
Natapos siyang magluto ng agahan namin na ganoon ang posisyon namin, ako na nakayakap sa kanya mula sa likod habang siya ay nagluluto. Nagpresinta akong mag-ayos ng hapagkainan namin.
"We missed honeymoon, right?" nasamid ako, nagsalin siya sa baso ng tubig at inabot sa akin. "We skipped honeymoon," he stated. Hindi ako makapaniwalang nabanggit niya iyon habang kumakain kami ng agahan. "We can proceed to honeymoon next week. May mga kailangan lang akong asikasuhin ngayong linggo. Kaya sa sunod na linggo pa ako magkakaroon ng mahaba-habang araw para sa honeymoon nating dalawa."
For a moment, I just stared at him.
"Love? Are you still listening?" kumaway-kaway siya sa akin. My mind is already running elsewhere.
"Nakikinig ako... okay lang naman sa akin na walang honeymoon. Magkasama na tayo sa iisang bubong. This is more than enough," ang bilis-bilis ng tibok ng puso. Tuloy-tuloy ang ginawa kong pagsubo sa agahan namin sa sobrang kaba. Pagkatapos ay inubos ko ang kapeng tinimpla niya para sa akin.
"Think about it, love. I want more time with you, we can't do that if we stay here. Pareho nating lulunurin ang mga sarili natin sa trabaho. Isa pa, kailangan na rin nating planuhin ang tungkol sa pagkakaroon ng anak."
"Anak? What do you mean?"
"We need to have a child. I want a child with you."
"Pero..." hindi ko mahanap ang mga salita. Wala ito sa plano. Hindi kami pwedeng magkaroon ng anak. "Ayokong magkaroon ng anak," mariin kong sinabi saka tumayo.
Niligpit ko ang pinagkainan ko at nilagay sa sink. Magkahalong kaba at kabiguan ang naramdaman ko. Hindi na siya nagsalita pagkatapos ng sinabi ko.
I ruined it again. I ruined our supposedly happy relationship. He clearly wanted a child but I can't give that to him. Si Sharmel ang dapat magbigay sa kanya noon at kung gustuhin ko man hindi maaari. Having a baby meant crossing the line between us, I can't cross that line.
BINABASA MO ANG
Gray Walls [Published under Popfiction]
Storie d'amoreAmasia Guarin finds it hard to find work after graduating until more than half a year looking for a job she finally landed one. But that one job that can pay her millions also included marrying Aldous Formentera, the CEO of the number one hotel in t...