Chapter 6

33.6K 855 146
                                    

Tumayo siya mula sa pagkakahiga sa sofa. Marahan siyang naglakad palapit sa akin. I look away. "Hindi na kita kukulitin. Hihintayin kitang kausapin ako. Umuwi lang tayo ngayong gabi at doon ka matulog sa penthouse, sa iyong kwarto, doon sa komportable ka."

Takot akong magtagpong muli ang mga mata namin at baka lalo lang akong makonsensiya. Nagtiis siya sa hindi komportable para lang makaiwas sa akin. I get that but that's too much. He could have treated me like I don't exist. Pero kasalanan ko pa rin naman talaga. Kung hindi ako bumalik at nagpakilalang Sharmel ay hindi siya mahihirapan nang ganito.

"Aren't you cold?" naramdaman ko na lang ang pagpatong ng kanyang coat sa aking balikat. It's large for my petite body but then it gave me warm. Nilalamig nga ako kanina pero nawala iyon nang makita ko ang sitwasyon niya.

"I'm really sorry," ani ko hindi pa rin makatingin sa kanya. Sinubukan niyang pagtagpuin ang mga tingin namin subalit pilit ko itong iniwasan. I almost slept comfortably in his home while he was having a hard time sleeping here. "I'm really sorry..." pag-uulit ko.

"What did you bring?" tanong niya at kinuha ang paper bag na hawak-hawak ko pa rin. "Sashimi, paborito ko ito. Salamat, Sharmel." Mas lalo akong naiyak. "Hey, it's not your fault..."

"Kasalanan ko lahat ng ito," bulong ko. Hinawakan niya ang siko ko at marahan akong pinalapit sa kanya. "Sorry kung kailangan mong makisama sa akin. Alam ko namang ayaw na ayaw mo sa akin."

"Kumain ka na ba?" tanong niya na parang hindi narinig ang sinabi ko. "Hindi pa ako nagdi-dinner, sasabayan mo ba ako?" mas lalo lang ako nakaramdam ng hiya. Pinalis ko ang mga luhang dumadaloy mula sa aking mga mata. "Tahan na, Sharmel. Uuwi na tayo, sa bahay natin ko na lang ito kakainin." It didn't make me feel good instead I even felt bad about it.

Hindi ako umimik at hinayaan na lang ang mga luhang kumawala.

Pinalis niya ang mga luha ko gamit ang kanyang hinalalaki. "You're cold, let's go home." Inayos niya ang coat niyang sinuot niya sa akin saka kami lumabas ng kanyang opisina. A bodyguard approach as when we reach the lobby. Ang lahat ng mga empleyado ay natigilan nang makita kami. Mahigpit ang hawak ni Aldous sa baywang ko, takot na baka matumba ako. Kahit ako ay sa hawak niya na lang kumukuha ng lakas, nanghihina na rin ako.

Hinintay naming makarating ang kanyang kotse sa tapat ng hotel. Inabot ng kanyang bodyguard ang susi sa kanya saka niya ako pinagbuksan ng pinto ng passenger's seat. Tahimik ko siyang pinagmasdan habang kinakabit ang seatbelt sa akin.

"Thank you..." bulong ko bago hinilig ang ulo sa bintana.

Pakiramdam ko ay napakatagal ng byahe, kahit inaantok na ako ay hindi ko man lang nagawang makatulog, maraming bumabagabag sa akin. Hindi ko magawang silipin ang mukha ni Aldous dahil ramdam ko na malaki ang kasalanang nagawa ko sa kanya. Malaki naman talaga sa umpisa pa lang na kahit anong pagsusumikap kong makabawi sa kanya ay hindi sapat.

Nang makarating sa kanyang penthouse ay nagpaalam na akong matutulog. Hindi ko na ata kaya pang humarap sa kanya matapos ang pangyayaring iyon. Hindi niya ako pinigilan sa gusto kong mangyari dahil na rin siguro ay gusto niyang maging payapa ang pagsasama naming dalawa. Less interactions between us meant peaceful life for him.

Maaga pa rin akong gumising kinabukasan upang ihanda ang agahan niya. Pagkatapos kong magluto ay bumalik ako sa kwarto upang hindi niya ako maabutan. Kailan kaya babalik ang helper niya at baka magulat iyon kapag nakita akong naririto. Bahagya akong sumisilip sa pinto upang matanaw ang ginagawa niya. Gumising siya sa kaparehong oras na nakasanayan niya. Napangiti ako nang makita siyang kumakain ng agahan. Mas gusto niya talagang hindi ako makita kasi ngayon ay magana naman siyang kumakain ng agahan.

Gray Walls [Published under Popfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon