Chapter 8

31.7K 788 77
                                    

"Hindi ka na sinusundo ni Sir Aldous, Ma'am," usisa sa akin ni Ate Malou habang nagbabarnis kami ng kama. Siniko naman agad siya ni Sandra nang mapansing hindi agad ako nakasagot. "Sorry, Ma'am... napansin kasi namin na isang linggo nang si Sir Kobi ang sumusundo sa iyo."

"He's just busy..." mahina kong tugon sa kanila. Aldous, did his best to really avoid me, hindi na nga kami nagkikita sa penthouse. Sa ngayon ay hinahayaan ko muna siya. Kumbaga pinahuhupa ko lang ang naging pagtatalo namin noong nakaraan. Kung ipipilit ko pa ang sarili ko sa kanya ay baka lalo lamang siyang nainis. Busy din dito sa warehouse kaya naman ay sinamantala ko iyon upang magkaroon pa ng experience.

"Nagkatampuhan ba kayo Ma'am?" inilingan na lamang ni Sandra si Ate Malou dahil hindi pa rin pala ito titigil sa pang-uusisa. "Iyang mga lalaki gusto rin nila na sinusuyo minsan, Ma'am. Hindi naman pwedeng tayong mga babae ang palaging susuyuin." Opinyon nito, ganoon din naman ang nasa isipan ko. Kung magkakaroon din ako ng kasintahan ay hindi ako magdadalawang-isip na manuyo kung kailangan.

"I'm just giving him space, baka masakal sa akin."

"E paano kung naghihintay lang pala siya sa'yo, Ma'am?" hindi ko maiwasang hindi mag-overthink sa sinabing iyon ni Ate Malou. Hinihintay niya ako? Posible kaya? Pero kung hinihintay niya ako hindi dapat niya ako iniiwasan. "Subukan mo lang, Ma'am... ilang araw ka na ring matamlay," napahawak ako sa aking pisngi. Nag-iwas ako ng tingin sa kanila, halatang-halata talaga siguro ako na hindi na sila nakatiis mang-usisa.

"Mamaya dadaan ako sa hotel niya," binahagi ko na rin sa kanila ang desisyon ko na siyang kinatuwa nilang lahat. They all cheered for me.

"Basta Ma'am, hindi ka naman matitiis ni Sir." Nagsitanguan silang lahat sa sinabi ni Ate Malou. I really found comfort in them. Sa ilang linggo na nakasama ko sila ay marami akong natutunan. I just wished Sharmel will treat them the same way I treated them.

Nag-text ako kay Aldous na pupunta ako sa hotel pagkatapos ng trabaho ko rito sa warehouse. Wala akong natanggap na reply mula sa kanya. I assumed that he was busy. He is always busy.

"Sa Tera tayo, Kobi." Ani ko kay Kobi nang dumating siya upang sunduin ako.

"Okay po, Ma'am."

"Huwag mo na akong hintayin, Kobi. Kay Aldous na lang ako sasabay pauwi." Ani ko kay Kobi bago bumaba ng kotse.

"Ingat po, Ma'am." Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.

I was feeling nervous and excited at the same time. It will be my first time to see Aldous after our last argument. Ganoon kalala ang pag-iwas na ginagawa niya sa akin! Tingin ko naman ay sapat na iyong time na binigay ko sa kanya upang mawala ang galit niya kahit paano.

They all greeted me when I arrived at the lobby, I greeted them all back. Sinigurado ko na wala akong malalampasan na empleyado sa pagbati. His secretary assisted me the moment I arrived in front of his office. "I'll just notify Mr. Formentera of your arrival, Ma'am." Aniya na medyo natataranta rin sa biglaang pagdating ko rito.

"Sure, no problem."

Habang naghihintay na papasukin ni Aldous sa kanyang opisina ay nilibot ko ang tingin sa buong palapag, noong unang punta ko rito ay gabi iyon kaya naman ay hindi ko gaanong na-appreciate ang ganda nitong opisina niya. Sa kanya itong buong palapag kaya naman ay manghang-mangha ako. Mula rito ay tanaw ang iba pang matatayog na gusali, wala nga lang hihigit sa hotel na ito. Ang ganda-ganda! Pakiramdam ko tuloy ay nasa ibang bansa ako. I've never explore this part of the country, ngayon lang ako namuwang na may ganito palang lugar na parang nasa ibang dimensyon ka ng bansa. Everyone looks successful here, parang nakakahiyang tumapak dito kung wala ka pang napatutunayan.

Gray Walls [Published under Popfiction]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon