I was really fascinated with what I just saw but at the same time I felt myself get tensed. Bakit may letrang A sa dulo ng I love you? Alam niya na ba na hindi talaga ako si Sharmel at sinusubukan niya lang ako. Is it his way of telling me he's just waiting for me to tell the truth?
It was too enthralling but it still made me feel nervous and silently tremble in fear.
"Natahimik ka?" bumitiw siya sa pagkakayakap sa akin at saka hinanap ang tingin ko na sa mga ilaw pa rin nakatitig. Lihim akong nag-isip ng dahilan. Kung alam niya na ay paniguradong galit ang mararamdaman niya sa akin una pa lang subalit nagawa niya pa rin akong dalhin dito sa araw pa mismo ng kanyang kaarawan. I should ask him instead of overthinking.
"Ang ganda..." bulong ko, hindi pa rin inaalis ang tingin doon. Alam kong palapit na rin kami sa destinasyon namin pero hindi ko talaga matanggal ang tingin ko roon. Stop overthinking and ask him, I reminded myself. "Bakit letrang A?" huminga ako nang malalim matapos itanong iyon. Hindi ko siya nilingon, natatakot na makita ang posibleng reaksyon niya.
I am expecting him to tell me he knew all along that I was Amasia but I heard otherwise.
"Oh that..." tila ba nag-isip siya kaya napatingin ako sa kanya. Nang magtama ang mga mata namin na tingin ko ay sinadya niyang bitinin ang sagot niya upang mapatingin ako sa kanya, ay saka naman siya ngumiti nang malapad sa akin. "I love you, A. I love you, Amore. I love you, Love. That's what I meant. Amore meant love in Italian, I just want to make it unique because you are one of a kind, a very unique person."
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Dapat ba akong masiyahan na hindi naman pala Amasia ang ibigsabihin ng letrang A o dapat malungkot dahil sa likod ng aking pag-iisip ay gusto kong malaman niya na ako ito, si Amasia at hindi si Sharmel. Ganunpaman ay ngumiti ako sa kanya, na-appreciate ko ang effort na ginawa niya para sa akin. To be love by someone like him still felt like a dream. A dream that was once impossible to reach.
"Can I take a picture?"
Tumango siya sa akin. I wanted to take a picture so when I leave I still have this memory I can look back to. Na letrang A ang ginamit niya pagkatapos ng mga salitang mahal kita. Na pwede kong pangarapin na I love you, Amasia iyon.
We finally landed. Sa likod ko ay si Aldous na nakaalalay sa akin habang pababa sa private jet. Madilim na kaya hindi ko pa gaanong makita ang ganda ng buong lugar pero sigurado namang sobrang ganda nito. Just with the lights I can see a glimpse of it's beauty, still stunning.
Hindi ko mabilang kung ilan ang sumalubong sa aming mga empleyado ng resort. My staple style Addie white dress is being blown by the cold night wind. Nang mapansin 'yon ni Aldous ay mas hinapit niya pa ako palapit sa kanya upang hindi na ito gaanong hanginin.
"Welcome to Amanpulo, Mr. and Mrs. Formentera!"
They all welcomed us with their warm smiles. I smiled back at them. May nakipagkamay pa kay Aldous na tingin ko ay pinakamataas ang posisyon sa resort na ito.
"You don't have to personally welcome us, bro."
I guess he's another good friend of Aldous. Tumawa lang ang lalaki sa sinabi ni Aldous. "This is my wife, Sharmel. He's Thomas, also a good friend of mine," nakipag-kamay ako sa lalaki na mukhang mabait talaga.
"It's so nice to finally meet you, Sharmel," bahagyang nawala ang ngiti ko na agad kong binawi. Muli akong ngumiti sa kanya. Masyado naman akong nagiging sensitibo kapag kaibigan na ni Aldous ang bumabanggit ng pangalan ko bilang Sharmel. It's his closest friends and they knew me as Sharmel. Maybe I kind of feel this way because it would have been better if they knew me as Amasia. Pero ano nga bang puwang ko sa mundo nila bilang Amasia? I am a nobody without her name.
BINABASA MO ANG
Gray Walls [Published under Popfiction]
RomansaAmasia Guarin finds it hard to find work after graduating until more than half a year looking for a job she finally landed one. But that one job that can pay her millions also included marrying Aldous Formentera, the CEO of the number one hotel in t...